🌺Chapter 26.🌺

243 6 0
                                    


👉♥️Chapter 26♥️👈

((#Ethan POV))

Kakarating ko lang sa trabaho.

Ang sarap sa pakiramdam na nakaganti ka sa taong naiinis sayo.

"Natatawa k diyan? May nangyari ba?" Biglang tanong ni Maxx dahil napansin nyang nakangiti ako.

"Wala. Masaya lang ako dahil nakaganti din ako sa babaing yun. " Masaya kung kwento kay Maxx

" Sya na ba ang napipikon ngayon?" Tanong niya

"Oo. " Masaya kong sagot.

"Ano ba ang ginawa mong pang aasar sa kanya?" Intirisado nyang tanong

"sinunod ko ang gusto nya. " Sabi ko.

" hu!? Anong gusto nya?" Takang tanong niya.

" Hihintayin daw ako sa kwarto. Di pumasok ako sa kwarto. Natawa ako dahil napansin kung kinabahan sya sa pagpasok ko. Ang ginawa ko. Hinalik*n ko sya. Tingnan lang natin kung maasar pa nya ako mamayang gabi. " Pagkukuwento ko sa kanya.

"Wow! Ah. . Iba ka rin gumanti"

Katatapos ko lang magtrabaho sa gallery ni Mama kaya umuwi na ako agad.

Pagka uwi ko ang tahimik na ng bahay.

Mukhang wala doon si Eulah.

"Nasaan kaya ang babaing iyon?"

Binuksan ko ang kwarto para tingnan doon si Eulah pero wala din doon sa kwarto.

Sa banyo naman tiningnan ko wala din doon.

"Baka napikon at umuwi na. . Hay salamat naman kung ganon. buti naman tahimik na ang pamamahay na ito. " Masaya kong sabi

Sa wakas umalis na din sya at wala nang mang iisturbo pa saakin..

Pumasok ako sa kwarto at nahiga na. Matutulog na sana ako ng maramdaman kung may maingay sa sala.

"Ano naman kaya ang ingay na iyon. "

Lumabas ako sa kwarto at nakitang may mga bagay na ipinapasok sa bahay

"Hoy ano ang mga yan. " Tanong ko kay eulah

"Dinala ko dito mga gamit ko. Yung tv ko pati electicpan. Wala ka kasing electric fan. At saka dinala ko na rin ang mga paborito kUng mga kurtina ang luluma na kasi ng mga kurtina mo. Pinalitan ko na rin ang sufa mo. Luma na din kasi kaya dinala ko ang sufa ko rito" mapang asar nyang sabi.

Napapikit nalang ako sa sobrang inis. Pinipigilan ku lang kasi may mga tao pangnag bubuhat ng mga gamit ni eulah na pinapasok sa loob ng bahay.

" Bakit nag abala kapang dalhin dito ang mga gamit mo. eh isang buwan ka lang namang maninirahan sa bahay na ito." Sabi ko na at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Alamo kasi Honey.. Napag isip isip ko na maganda palang tumira dito kasama ka." Nang iinis na sabi nya.

Parang hinahamon nya ako.

"Anong ibig mong sabihin?" Inis kung sabi.

"Pumayag na akong magpakasal sayo." Taas kilay na sabi ni Eulah na parang nanghahamon..

"Ano?"

Parang gumuho ang mundo ko ng sabihin yun ni Eulah na pumayag syang makasal kami.

Kita ko ang pang ngiti nya na akala mo nanalo.

" gusto kung magsama na tayo habang buhay. Honey." Nakangiti nyang sabi sa akin.

Alam na alam nya kung paano ako asarin..

Binalaan ko na sya kagabi. . Hindi na ba sya nadala sa ginawa ko.

Ang lakas mang asar ang babaing ito nakakapikon...

" Nahihib*ng kana ba?" Inis kung sabi

"kahibangan ba ang pumayag magpakasal sayo? Honey" Mapang asar nyang sabi

Nang gigil ako sa babaing ito.

Kung wala lang sana dito yung mga nagbubuhat ng gamit nya.

Malalagot talaga sya sa akin.

"Nalaman ko kasi sa papa mo na kaya ayaw mong magpakasal kasi ayaw mong iwan ang bahay na ito. Dahil nagustuhan ko namang tumira dito. naisip ko na manirahan nalang dito kasama mo. " Mapang asar nyang sabi.

Napakapit naman ako sa batok ko. Kasi feeling ko sasabog ako sa sobrang inis. pinapakalma ko ang sarili ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
((#Eulah POV. ))

napapangiti ako Habang pinagmamasdan ko si Ethan na umaapoy na sa galit.

Gusto kung tumawa ng malakas. Asar na asar tlaga sya. Ano sino sa atin ngayon ang naasar.
Akala mo magpapatalo ako sayo.

No way. . Kahit kailan hinding hindi ako magpapatalo. Gagawa at gagawa ako ng paraan. Maasar ka lang.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

((#Ethan Pov. ))

Ginagalit talaga ako ng babaing ito. Nakakahigh blood. Ano na naman kaya pinaplano ng babaing ito.

" sigi sabihin na nating pumayag ka sa kasal pero sa tingin mo ba sasang ayon ako? " Inis kung sabi

"Honey naman! " Mapang akit nya sabi na akala mo gusto namin ang isat isa.

"Wala kanang magagawa pa. Pakasal na kasi tayo" dag dag pa nyang sabi na mapang asar .

Hindi tlaga nadala ang babaing ito sa ginawa ko. Baka gusto nyang mas matindi pa ang gawin ko. Ano kaya kong . .

Napansin kung wala na ang mga kargador kami lang dalawa ngayon ang nandito sa loob ng bahay.

Tumingin ako ng seryuso sa kanya. At papalapit sa kanya.

pansin ko na kinabahan sya sa paglapit ko sa kanya.

Dahil napapa antras sya sa paglapit ko.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.

((#Eulah Pov))

Bigla akong natakot sa mga titig nya.

Lumingon lingon ako. . Wala na yung mga kargador na binayaran ko para dalhin dito ang mga gamit ko.

Napatingin ako sa kanya. Kakaiba ang mga titig nya na lalong nagpa kaba saakin.

Noon lang nagbago ang expression ng mukha nya yung nakalaloko pa.

Nakaramdam ako ng kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Ngunit ang mga ngisi nya ay napalitan ng masamang tingin at napansin kong papalapit sya sa akin kaya napapa antras nalang ako bigla.

Hindi ko maipaliwanag ang inis na nararamdaman ko dahil paraan ng pagtingin nya sa mukha ko. Walang expression, emotion o kung anong mang expression sa mukha nya.

Napansin kung papalapit sya sa akin kaya napapa antras na ako pero nahuli pa rin nya ako dahil nahawakan nya ang magkabilang braso ko. At pabagsak na isinandal ako sa pader.

Nakaramdam ako ng takot sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

((#Ethan POV))

Sa sobrang inis ko sa pinagsasabi nya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na inisin sya ulit.

Mabilis kong nahawakan ang magkabilang braso nya at pabagsak ko syang isinandal sa pader saka kinorner sa pagitan ng dalawang braso ko. ramdam ko ang pagkatakot nya dahil sa expression ng mukha nya.

At inilapit ko sa kanya ang mukha ko. . Akala nya hahalik@n ko sya kasi umiwas sya. Wala akong balak na halik@n sya. may gusto lang akong sabihin sa kanya.

Pabulong kong sinabi sa kanya ang gusto kung sabihin.

Nang masabi ko na sa kanya ang gusto kung sabihin ay nagsimula nang tumolo ang mga luha nya.

Galit syang napatingin sa akin.

To be continue.

🌺My Annoying Fiancee🌺Where stories live. Discover now