🌺Chapter 17🌺

225 4 0
                                    

👉♥️Chapter 17♥️👈

((#Eulah_Pov))

Nag uusap kami ni manang kaya lang  bigla nalang may humila sa buhok ko.   hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nya ako sinasabunotan.

Kaya gumanti ako hinila ko din ang buhok nya at nagsabunotan kaming dalawa.

Marami ang umaawat sa aming dalawa pero hindi talaga kami mapaghiwalay na dalawa habang nagsasabunotan. Matagal tagal na rin akong hindi nakasabunot kaya sigi laban, kung kaya mo ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

((#Ethan_POV))

Pauwi na sana ako para tiyakin na naka uwi na si Eulah

Laking pasasalamat ko ng makita kong wala na sa loob ang Babaing yun.

Nang biglang may naririnig akong ingay sa labas. . Maraming tao sa kalendirya ni Manang. .

Ano kaya ang meron?

Nacurious ako kaya lumapit na rin ako para tingnan.

Laking gulat ko ng may nasasabunotang babai.

Bigla kung namukhaan si Eulah

"Eulah!" Sigaw ko at agad na  inawat ang dalawa.

"Bitiwan mo ako . . Kakalbuhin ko ang babaing yan. " sabi ng babaing sumasabunot kay Eulah

Ayaw namang magpaawat ni Eulah kaya lalo ko lang syang ginapos

" Ano ba tumigil ka " pasigaw kong sabi kay Eulah, saka lang sya natauhan ganon din ang babaing kalaban nya.

"Bakit kaba nakikipag Away? " galit kung sabi kanya.

" kumakain lang naman ako pero Bigla nalang nya akong sinabunutan kaya gumanti ako." Inis nyang sabi

" Totoo bang ka live in mo sya? " Sabi ng babaing nagsabunot.

Bigla akong napatingin ng masama kay Eulah at kita kung nagbaba sya ng tingin..

" Totoo ba ang sinabi nya?  Na ka live in mo sya?" Tanong ulit ng babae.

Napakamot nalang ako ng ulo, hindi ko alam ang sasabihin.

" Sumagot ka kalive in mo ba sya?" Tanong nya ulit..

"Hindi..." sabi ko.

Kita ko sa mukha ni Eulah ang pagka pahiya.

"Kung ganon bakit sya nakatira sa bahay mo?  kung di naman kayo magka live in?" Sabi naman ni Manang.

" Fiancee ko sya.!" Napilitan na akong sabihin ang katutuanan.

Napatingin naman saakin si Eulah na hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Kaya sana wag nyo na ito ulitin pa. At pagpasinsyahan nyo na kung ganito ang ugali ng fiancee ko. " Sabi ko at humingi narin ako ng pasensya sa kanya.

"Halika na Eulah."

Sabay hila sa kamay nya.

Kusa namam syang sumama saakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

((Loob ng bahay))

"Ano ba ang nalagay sa utak mo at nakipag away ka sa labas. " Galit kong sabi

"Sinabi ko namn sayo Hindi naman ako ang nagsimula ng away. Kumakain lang naman ako. Tapos bigla nalang akong nasabunutan. " paliwanag pa ni Eulah

"Bakit mo naman kasi sinabi na ka live in mo ako. Ser* kaba? " inis kung sabi

"  Nagbibiro lang naman akong sabihin yun.  Sino ba ang babaing iyon? Akala mo kung sino. . Bal*w sya bigla nalang akong sinabunutan. " Inis  na sabi Eulah

🌺My Annoying Fiancee🌺Where stories live. Discover now