🌺Chapter 16.🌺

227 3 0
                                    

👉♥️Chapter 16♥️👈

((#Ethan_PoV))

Kinaumagahan..

Nagising ako ng maaga.
Naalala ko na kailangan na palang umuwi ni Eulah

Pumasok ako sa loob ng kwarto para gisingin sya.

Kita kong himbing na himbing ang pagkakatulog niya malamang madaling araw na syang natulog.

"Hoyy... Gising na. . " Ginigising ko sya.

"Mamaya na please.... Inaantok pa ako. " Antok na antok nyang sabi.

Hinila ko ang kumot ni Eulah. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko ang makinis at magandang binti niya.

Bigla kung Naalala na T shirt lang pala ang sout niya kaya agad kong ibinalik yung kumot sa kanya.

" Bahala ka nga sa buhay mo. gumising ka kung kailan mo gusto. . Basta pagdating ko sa bahay wala ka na dapat dito." Malakas kong sabi sa kanya.

"Mmmm," yun lang ang sagot nya

"Aalis ako ngayon. Kaya Pagbalik ko kailangan wala kana dito. Maliwanag ba? Naririnig mo ba ako? " Malakas na sabi ko sa kanya.

"Saan kaba pupunta?" Inaantok pa nyang sabi.

" Bakit ko naman sasabihin kong saan ako pupunta. Basta Kailangan pagbalik ko wala kana dito. Maliwanag ba!"

Hindi na kumibo si Eulah ipinagpatuloy lang ang tulog nya.

Pilit kung pinapa kalma ang sarili ko sa kanya.

Umalis na ako sa bahay.

Dahil pinapatawag nila ako.

Kailangan makapag explain ako sa mga parents namin.

Alam kasi nila na magkasama kami ngayon.

Nasa harapan ko na sila ng mga oras na ito.

"Bakit pati ikaw nawala din sa kasal? Ano ba ang nalagay sa kukuti nyo at tumakas kayong dalawa!" Galit na sabi ni Dad saakin na galit na galit

" Papa Hindi ako ang tumakas , si Eulah po ang tumakas. "

Pagpapaliwanag ko kay Dad

"Kasabwat kaba sa pagtakas nya sa kasal nyo?" naghihinalang sabi ni mama saakin.

alam kasi nya na magagawa kong gawin ang makipag sabwatan kay Eulah. Dahil Gagawin ko ang lahat wag lang matuloy ang kasal.

"Ano hindi ah. . Bakit nyo namn nasabi na kasabwat ako sa pagtakas nya. " pagdidinay ko .

"Kung hindi ka nya kasabwat bakit magkasama kayong dalwa. Alam kung itinakas mo sya para hindi matuloy ang kasal nyo. Umamin ka!" Sabi ni Mama

" Wala akong kinalaman sa pagtakas nya. Tumakas sya sa kasal dahil gusto nya. so ano pa ang dahilan ko para mag stay sa simbahan. Nagkataon na nakita nya ako at nakisabay na saakin."

pagpapaliwanag ko sa mga magulang ko na ayaw parin maniwala saakin.

"Wala ka man lang ginawa para pabalikin sya sa loob. " Tanong ni Dad

"Papa naman. Disisyon nya ang tumakas. Bakit ku pa papaki alamanan ang disisyon nya. " Sabi ko sa kanila

Kaya ayon pinagbabatukan ako ni Dad.

"Papa naman eh. Wag nyo na kasing pilitin. " Sabi ko kay dad

"Nasaan na sya ngayon? " Tanong ni dad saakin.

"Hindi ko po alam. Hinatid ko lang sya sa pupuntahan nya tapos hindi na kami nag kita. " Nilihim ko na magkasama kami kagabi.

" Hanapin mo sya. Kailangan matuloy ang kasal nyo. Maliwanag ba" Galit na sabi ni dad.

🌺My Annoying Fiancee🌺Where stories live. Discover now