Chem lab nila Pomela ngayon at ni Paul. Wala pa ang prof nila kaya bawat isa sa kanila ay nagdadasal na sana ay wala si Sir Ferdie. Dumating si Paul at umupo sa upuan tapat ni Pomela.
Nakita iyon ni Pomela at nagbago ang mood nito. "Paul, umalis ka diyan. Tayo! Wag ka dyan umupo." sigaw ni Pomela. 'Yon kasi ang upuan ni OJ kaya ayaw nyang may ibang uupo doon. Kumunot ang noo ni Paul na parang nagtataka. Nagtataka pala talaga. "Bakit? Ayoko nga. Nakaupo na ko dito eh." Sabi nito.
"Isa! Hindi ka tatayo?" Nilapitan sya ni Pomela at hinatak. Full force -mula sa malaking braso ni Pomela. Malakas ang kapit ni Paul sa upuan na wari'y naka mighty bond ang pwet nya sa upuan.
At dahil malakas talaga ang braso ni Pomela ay nahatak niya si Paul at tumalsik ito. "Yan kasi! Ayaw pang umalis. Gusto pang nasasaktan." iritang sabi ni Pomela at niyakap ang upuan. "Maraming alaala sa upuan na ito. Lagi kong nakikita si OJ na nakaupo dito. Yung nag eexperiment sila habang nagtatawanan sila ng mga kagrupo nya. Yung mga tawa nya, namimiss ko na." Muntik na umiyak si Pomela nang biglang sumigaw si Paul. "Woo! Drama! Kain na lang tayo. Brazo de mercedez o Longganisa?" Tanong ni Paul.
"Tangna mo! Di ka man lang nakisama." Umupo na si Pomela sa upuan at dumating na si Sir Ferdie. Nagulat ang lahat kasama si Pomela, Paul at Kuya Napoleon sa itsura ni Sir Ferdie. Naka jeje cap ito at jeje outfit. Yung mga pormahang breezy, ganon. Maitim siya at mukha talagang gangster. Gangster sa Pilipinas ah, hindi gangster aa ibang bansa. Ibang usapan na 'yon.
"OKh3i CKL@uAzh! AnHou7nGg Gh0uZxcTho nYo5unG Gh@wein?" Sabi nito. Puta. Jejemon nga. Confirmed. Matapos marinig yon ng klase ay hindi na nila muling tiningnan si Sir Ferdie. Nandiri sila. Lahat sila ay nagpiring ng mata.
Si Paul lang ang naglakas loob na sagutin si Sir Ferdie. "Ghoszzxctoh PhO3 nH4MiNs nu4H W4@hlang KlHaszxhei" nagulat naman ang lahat kay Paul. Hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil marunong pala ito magsalita ng jeje.
"OphoeSz GhOusto NuAhmen Yhuown" sabat ni Pomela. Nagulat ulit ang buong klase. Ar dahil dun ay dinismiss sila ng maaga ni Sir Ferdie, agad agad. Walang patumpik tumpik pa. Sabi ni Sir Ferdie na madali lang syang kausap kaya sumaya ang buong klase at nagsilabasan na ng Chem Lab.
Lumabas si Pomela kasama si Paul. Sinabayan sya ni Paul lumabas. Ewan dun. Parang gago. Bumili si Pomela ng mais sa Gate 5 at pinadagdagan pa ito ng sabaw. Nakasunod pa rin si Paul sa kanya hanggang doon. "Pomela, libre mo ko mais." sabay kulbit nito sa braso ni Pomela. "Puta! Hanggang dito ba naman sa school, bubuntot ka sakin? Nagsasawa na ko sa mukha mo Paul. Layas nga!" Sigaw nito at kinuha na ang mais sa kamay ng tindera.
Nashock si Paul at halos mangiyak ngiyak na siya. Namumula na siya, ang mukha nya parang kamatis na. Yumuko siya at nagsalita. "Ganon? Sorry Pomela at pabigat ako sayo. Hindi ko naman sinasadya. Sorry rin dahil ganito ang mukha ko. Sige, hindi na ko susunod sayo. Alis na ko." malungkot na sagot ni Paul kasabay ng pagtulo ng luha nito -kasama ang uhog. Totoong naiyak at malungkot si Paul. Nasaktan talaga siya sa mga salita ni Pomela. Gago kasi si Pomela, ang sakit magsalita.
Umalis na si Paul na umiiyak. Si Pomela naman ay patuloy sa pag kain ng mais. Nakita ni Pomela ang carioca. Naalala nya si OJ at nalungkot kaya imalis sya papuntang FDT Building. Habang naglalakad siya ay naisip niya ang sinabi kay Paul tila nakonsensya ata kaya hinanap nya si Paul.
Sa kabilang dako, si Paul ay kausap si Minerva. "Minerva, bakit ganun si Pomela kaya lang naman ako sumusunod sa kanya dahil gusto ko pa siya maging close."
"Shut the fuck up!" Nagulat naman si Paul sa narinig nya. "Ikaw ba yun Minerva?" Takot na tanong ni Paul. Dahil sa takot ay tumakbo sya. Ang hindi nya alam ay may nag aaway pala na magsyota malapit sa pwesto nya kanina. Si Minerva ang statue ng MCU na nakatayo. Ewan ko, ba't hindi nakahiga. Goddess of Knowledge yan. Lampake.
Naglalakad si Pomela habang umiiyak nang makakita siya ng isang lalaki at babae na sobrang dikit sa isa't isa. Umirap si Pomela "Magkapatid lang yan sila. Sweet lang talaga 'yong kuya nya sa kanya. Over protective at naka akbay pa." bulong nito sa sarili at nilagpasan ang magkapatid este mag syota. Bigla namang sumulpot si Kuya Napoleon sa harap ni Pomela, kumakain ng brazo de mercedez. May hawak siyang slice ng cake, nabili sa canteen. "Malungkot ka? Gusto mo?" alok nito dito.
Tumayo si Pomela dahil matagal na siyang hindi nakakakain nun. Sinubuan siya ni Kuya Napoleon ng isang malaking tinidor. Sinubo iyon ni Pomela. "Puta. Ang sweet." sabi ni Pomela nang may laman ang bibig. Talandi rin 'to, puta.
Habang nagsusubuan ang dalawa ay napadaan si Paul at nakita sila. Lumapit si Paul habang nakapout. Napatingin naman ang dalawa dito. "Aba! Sinusundan mo pa rin ako? Pota naman oh." sigaw ni Pomela. "Napadaan lang ako." sambit ni Paul at umupo sa tabi ni Kuya Napoleon habang nakapout pa rin. Tiningnan sya nito at nagsalita "Gusto mo?" tanong ni Napoleon kay Paul saka tumango si Paul kaya sinubuan siya ni Napoleon. Tila umilaw naman ang mata ni Paul at ngumanga ulit. Hudyat na gusto pa nya ng brazo de mercedez. Sinubuan naman siya ni Napoleon. Sayang saya ang dalawa habang nagsusubuan kaya naman ay minabuti ni Pomela na umalis na lang.
Iniisip ni Pomela na panira ng moment si Paul. Masarap daw kasi sa feeling na may nagsusubo sayo at isa pa, miss na ni Pomela ang pag kain nila ni OJ ng brazo de mercedez. "Puta, miss na kita OJ. Inamo." bulong ni Pomela habang naglalakad. Sa bilis ng lakad nya ay nagulat na lamang siya na umikot na pala ang palda nya, 360 degrees. Lumingon siya sa paligid upang tingnan kung may nakakita sa kanya at agad nya itong inikot muli 360 degrees pabalik sa normal nitong pwesto.
Habang naglalakad si Pomela ay naisipan nyang magtali ng buhok dahil nakaramdam siya ng init. Tinaas nya ang kanyang dalawang kamay at ginamit ang panali nya na nasa kamay nya... nang may tumusok ng stick sa kili kili nya -si Kuya Napoleon.
Nagulat naman si Pomela sa ginawa nito. Inamoy ni Kuya Napoleon ang stick. "Baho." At umalis. Maya maya pa ay bumalik ulit ito at tinusok pa ang kili kili ni Pomela ng seven times. "Puta!" sabay tulak ni Pomela kay Napoleon. Napatumba naman si Napoleon, tumayo siya agad at tumakbo. Nakaramdam naman si Pomela ng hapdi sa kili kili ngunit pinabayaan niya lang ito.
Ngayon ay magkasama na sila ni Paul na naglalakad papuntang library. Nag inat naman si Pomela ng bahagya at napansin ni Paul na may dugo sa kili kili ni Pomela. Namula si Paul. "P-Pomela. May regla ka ba ngayon?" Nagtaka naman si Pomela sa tanong ni Paul. Naisip nya naman agad na wala siya ngayon. Nakatingin lang ngayon si Paul sa kili kili ni Pomela kaya naman napatingin din si Pomela sa kili kili nya.
"Puta! Tangina talaga ni Napoleon! Bwisit!" galit na galit na saad ni Pomela.
"Teka Pomela! Bibili kita napkin. Wait ka lang dyan." sambit ni Paul pero hinila siya ni Pomela. Umupo sila sa isang tabi at kumuha si Pauo ng bulak at betadine. Si Pomela na ang gumamot sa kanyang sarili dahil muntikan ng masuka si Paul. Pinagtitinginan ng mga estudyante si Pomela dahil ang sagwa ng itsura nito ngayon. Napansin iyon ni Pomela, "Puta! Paki nyo? Lampake. Alis! Wag na manood!" sigaw nito sa mga tao.
Matapos gamutin ni Pomela ang sariling kili kili ay pinadilat nya na si Paul na kanina pa nakatakip ang mata dahil nasusuka nga ito. Hindi ko alam kung sa kili kili ba ni Pomela o dahil sa sugat nito dulot ng stick ni Kuya Napoleon. Puta, hindi ko talaga alam.
Sa inis ni Pomela ay nagpasya siyang lumabas ng school. Baka sakaling matuyo ang sugat sa kili kili nya.
--
A/N: Kakasabi ko pa lang kanina na walang update kasi di kami makagawa. Ayan, nakagawa tulot kami. Patapos na rin naman midterms. Hahaha. Laftrip. Taena. Nyenye~~~ Dedications? Comment kayo mga ka-braso!
P.S. Tingnan nyo yung attached photo. Stick na pinantusok ni Kuya Napoleon haha.
Again, inuulit ko. Hindi ito makatotohanan. May part na hindi makatotohanan pero syempre may part pa rin na nangyayari dahil may makabuluhang rason. Diba? Tingin nyo namatay si OJ nang biglaan lang at walang rason? Meron naman diba. Haha. May nagsabi kasi na sana daw may pagkarealistic. Eh wala talaga, tanggapin na natin ang katotohanan. Eto na yun, basahin nyo na lang. Labyu mga ka-braso! HashtagBrasohanMoYan
BINABASA MO ANG
The Mighty Brazo 1
HumorSi Pomela ay may angking talento na wala ang iba. Ito ay nanggagaling sa kanyang Braso. Si OJ naman ay paborito ang cake na Brazo de Mercedez. Ano kaya ang mangyayari kung pagtagpuin sila ng mapaglarong tadhana? Mahalin kaya ni OJ ang Brazo nya? O m...