Sa inis ni Pomela ay nagpasya siyang lumabas ng school. Naglalakad si Pomela sa bangketa nang may dumaan na humaharurot na truck. Sakto naman ay kaka ulan pa lang kaya baha ang kalsada. Bumuhos kay Pomela ang tubig baha —basa ulo mukhang paa este hanggang paa.
Hinilamos ni Pomela ang tubig baha sa mukha nya. "Puta talaga. Kita nang may tao eh." bulong nito. Nagpatuloy sa paglalakad si Pomela nang may masalubong siya na kapwa estudyante sa MCU. Kinalabit sya nito.
"Ate, saang school 'yang may all black uniform?" seryosong tanong nito. Nainis si Pomela kaya pinahiran nya ng dumi ang babae sa bandang mukha. Konti lang naman.
"Sa UCM!" iritang sagot ni Pomela. "UCM? Ate saan 'yon?" tanong nito kay Pomela.
"Sa ilalim ng lupa na kinakatayuan ng MCU. Puta. Tabi!" tinulak ni Pomela si ate.
Naglakad si Pomela papuntang 7eleven. Naalala na naman niya si OJ. Dati kasi ay hinantay nya rito si OJ na hindi naman dumating. Habang inaalala ni Pomela si OJ ay may lumapit sa kanyang lalaki.
"Hi ate." sabay kindat ng lalaki. Napamura na lang si Pomela sa isip nya.
"Hi ate. Ivin Red Hamilton ng La Salle." muli ay kinindatan nito si Pomela. "Lampake. Puta. May epilepsy ba 'yang mata mo? Peste. Layas!"
"Ate. Sungit naman. Ano po pangalan at number mo?" sabay labas nito ng cellphone nyang mukhang panahon pa ng nanay at tatay nya.
"POMELA 25. WALANG TITIBAG!" sigaw ni Pomela tsaka umalis.
Naiwan si Ivin Red na nakangiting parang tanga sa 7eleven. Dahil sa dumi ni Pomela ay sinundan siya ng mga langaw. Sampung langaw.
Nang may marinig na tahol ng aso si Pomela sa likuran nya. Masama ang tingin nito sa kanya kaya dali daling tumakbo si Pomela nang pagka bilis bilis. Takot na takot ito kaya hindi nya inalintana na nakapalda siya. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Ang sagwa kasi.
Nawala na lang sa scene si Pomela dahil nadapa siya sa isang malaking bato na nasa daanan. Una tuhod, sumunod ang mukha. Dumugo ito. Naiiyak na si Pomela nang may magsalita, hawak nito ang asong humabol sa kanya.
"Hala, ate. Sorry ah. Nagpa practice kasi kami ni Doggy na kunwari may masamang loob. Sakto ikaw yung dumaan." sabi ng lalaki kay Pomela.
Tumango na lang si Pomela dahil napapagod na siya. Sa isip nito 'Puta. Practice lang 'yon? Tinotoo ko eh. Putang ina talaga. Ang malas ko ngayon. Doggy? Unique name ah. Punyeta."
Biglang umulan ng napakalakas kaya naman tumayo na si Pomela. Mabilis na tumakbo si Pomela kahit masakit pa ang sugat nya sa tuhod. Tumakbo sya papalayo sa kinatatayuan nya. Sa sobrang bilis ng pagkakatakbo nya ay hindi nya namalayan na may kanal pala. At tulad ng ating inaasahan, nalaglag sya.
Kaawa awa. Di nakakilos si Pomela. Napaupo lang siya sa kanal at humagulgol sa pag iyak. "Bakit? Bakit puro kamalasan ang nangyayari?" patuloy sa pag iyak si Pomela nang may biglang humawak sa balikat nya.
"Pomela? Anong nangyari sayo?" tanong nito.
"Puta. Paul! Di mo ba nakikita? Nahulog ako sa kanal." umiyak pa lalo si Pomela. "Puro kamalasan na lang ang nangyari sa'kin ngayong araw." pinunasan ni Pomela ang luha nya.
Kinuha naman ni Paul ang panyo nya at pinunasan ang dumi sa mukha ni Pomela at inalalayan ito tumayo.
"Umuwi na tayo. Baka lumiit pa ang braso mo este baka magkasakit ka." Ang isang kamay ni Paul ay naka akbay kay Pomela at ang isa naman ay nakahawak sa kamay nito upang alalayan si Pomela.
Nandidiri si Paul kay Pomela ngayon pero hindi nya iyon pinahalata dahil mabait pa rin naman si Pomela sa kanya kahit papaano. Pinatira siya nito sa mansyon nya.
BINABASA MO ANG
The Mighty Brazo 1
HumorSi Pomela ay may angking talento na wala ang iba. Ito ay nanggagaling sa kanyang Braso. Si OJ naman ay paborito ang cake na Brazo de Mercedez. Ano kaya ang mangyayari kung pagtagpuin sila ng mapaglarong tadhana? Mahalin kaya ni OJ ang Brazo nya? O m...