Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Pomela na patay na si OJ. Nasa isip nito na walang saysay ang pera nya kung wala naman si OJ at kung hindi napakinabangan ni OJ ang napalalunan nila sa lotto. Eh siya pa naman ang nakapanaginip ng numbers kaya napagpasyahan ni Pomela na palagyan ng gintong ngipin si OJ.
Tatanggalin ang dikit sa ngipin ni OJ at tataniman ito ng ginto. Hihintaying tumubo pero syempre joke lang yun. Hindi tumutubo ang gintong ngipin, tinatanim lang 'yon. Lamona?
"Sana masayahan ka sa bago mong ngipin, OJ. Regalo ko 'yan para sayo. Mahal na mahal kita." bulong ni Pomela sa nakahigang si OJ.
"Okay lang 'yan, Pomela. Walang ginustong mangyari 'to." sabi ni Paul kay Pomela.
Umiiyak pa rin si Pomela hanggang ngayon. Namamaga na ang mga mata nya kakaiyak nang magdamag. "Gago! sinabi ko bang may gustong mangyaring ganito? Puta pagod na ko." malumanay na sabi ni Pomela.
Bigla namang dumating ang lalaking inarkila nila para sa bangkay ni OJ. Nabanggit kasi ni OJ dati na gusto nyang ipaanod syansa tubig. Nasa tapat sila ng ilog ngayon.
"Ah. Ma'am. Dito nyo po ba talaga gusto? Marumi po kasi yung tubig dito." sabi nung lalaki kay Pomela.
Tiningnan sya ng masama ni Pomela. "Lampake. Wala na kong mahanap na ibang lugar kaya ito na lang. Basta may tubig, pwede na 'yon."
Nang una ay nag alangan pa ang inarkila nila kaya naman nabwisit si Pomela dito. "Aba puta! Ano? Tutunganga ka pa dyan? Ipaanod mo na si OJ baby my loves so sweet honey bunch babes" humagulgol si Pomela.
Pinaanod na nga si OJ. "OJ! Punyeta ka! Bakit mo ko iniwan? kala ko ba mahal mo ko? Bakit? BAKIT? OJ SUMAGOT KA! OJ!!!" Nagwawalang pagdadrama ni Pomela.
"Di ka na nyan maririnig. Ang layo nya na oh. Ang bilis ng current ngayon ng ilog Pasig."sabi ni Paul. Napatingin sa kanya si Pomela tsaka umiyak. Nagwawala ang mga braso nito sa sobrang sakit ng nararamdaman. "Sige po ma'am. Alis na po ako." paalam nung lalaki. "Sige. Punyeta! Layas!" sigaw ni Pomela tsaka nagpatuloy sa pag iyak.
Nakatanaw pa rin si Pomela sa katawan ni OJ. Sa pag anod nito, kasama ang mga basura at itim na tubig. Kahit maitim, tubig pa rin 'yan.
Ipinatong ni Paul ang kamay nya sa balikat ni Pomela at nagsalita. "Tama na 'yan Pomela. Masaya na siguro si OJ kasama ang mga basura, I mean ang Diyos. Wag ka na umiyak." nag aalalang sabi ni Paul. Nakampante naman si Pomela sa ginawa nito kaya pinunasan nya ang mga luha nya sa mukha.
"Dito oh, may sipon ka pa." ani Paul. Pinunasan ito ni Pomela gamit ang mga kamay nya.
"Meron pang uhog dito." turo ni Paul sa mukha ni Pomela.
"Tangina naman. Ang dami. Ikaw kaya magtanggal. Puta!" sigaw ni Pomela. Ngumiti si Paul tas biglang nandiri. "Ay. Joke lang. Wala naman eh." tugon nito.
"Aba pinagloloko mo ba ko?" galit na sigaw ni Pomela. "Oo.Joke nga eh." inosenteng sagot ni Paul. Natawa naman dito si Pomela at tumingin ulit sa ilog Pasig kung nasaan si OJ.
"OJ, Mahal na mahal kita." at ngumiti si Pomela
"Mahal din kita " Nagulat naman si Pomela sa kanyang narinig. "Naririnig mo ba yun?" tanong ni Pomela kay Paul. Hindi nakasagot si Paul dahil sa sobrang takot nito. Namutla si Paul at lalo pa itong pumuti. Mukha na syang espasol. Mukha syang bibingka na nilagyan ng harina imbis na niyog. Mukha syang bond paper. Mukha siyang… mukha siyang… taong tinubuan ng mukha. Matapos iyon ay umuwi na sila.
Naninibago si Pomela sa bahay nilang malaki. Hindi siya sanay na wala dito si OJ, na walang tao sa hagdanan. Palagi kasi si OJ nakatambay sa hagdanan. Nakaupo, nakahiga, nag iisip, kumakain, nagsasagot ng assignment at natutulog ito kadalasan sa hagdan. Nakasanayan nya na itong gawin, kaya palaging naaalala ni Pomela si OJ kapag nakakakita ng hagdanan.
Hindi siya maka akyat sa 2nd floor ng bahay nila dahil hindi nya kayang makita ang hagdan. Doon din kasi sila naglalaro, 'yong larong may maingay sa kalagitnaan. Mahirap gawin sa hagdan pero gusto nila 'yon para may challenge naman.
"Puta. Ang lungkot naman mag isa. Wala na si inay. Wala na si itay. Pati ba naman si OJ babes ay wala na rin. Tangina. Wala na lahat. Paker." sabi ni Pomela. Okay lang na sumigaw siya dahil wala namang makakarinig.
Pinilit magpakasaya ni Pomela. Nag mall siya. Naglakad lakad siya nang mapadaan siya sa isang hagdanan. "Ay puta! Hagdan. Ano ba yan. Badtrip" at tumakbo ito palayo sa nakitang hagdan.
Magmula rin ng araw na iyon ay hanggang ground floor na lang si Pomela dahil ayaw nya talaga makakita ng kahit anong hagdanan. "Ipatanggal ko na lang kaya lahat ng hagdan?" tanong ni Pomela sa sarili ngunit ilang saglit pa ay naisip ni Pomela na sayang naman yung hagdan kaya hindi nya na tinuloy ang plano.
Sa kabilang banda, habang si Paul ay iniisip si Pyona, este iniisip kung saan na kaya napadpad si OJ, hindi nya napansin na nagkakagulo na sa banda doon. Patuloy pa rin siya sa pag iisip. May naamoy siyang parang nasusunog. "Ano ba yan. Yung niluluto ni Aling Lucring. Nasusunog na naman." sabi ni Paul.
Inamoy amoy nya kung saan nanggagaling ang amoy sunog at dinala siya ng amoy sa sarili nyang bahay. "Oh my God! Bahay ko yun ah. Sinong nagluto ng bahay namin." inosente nyang sabi pero maya maya rin ay narealize nyang wala na syang matitirhan. At lahat ng gamit nya ay naging abo na. Mag isa lang kasi syang naninirahan. Ang mga magulang ni Paul ay inabandona na sya. Hindi na nakigulo pa si Paul sa mga taong nagbubuhos ng tubig sa bahay nya.
Naglakad lakad si Paul hanggang sa sumakit ang mga paa nya. Nabugahan pa siya ng usok sa mukha mula sa tambutso ng mga sasakyan pero dahil mabait si Paul ay hinayaan nya lang ito. "Wala ng ibang mapagpipilian, siya lang ang makakatulong sakin." bulong ni Paul sa sarili.
Kumatok siya sa bahay ni Pomela. Malaking bahay ni Pomela, mula sa pera sa lotto. "Putang ina! Taong grasa. Hayup. Anong gawa mo dito? Sino ka?" tanong nito.
"Hindi mo ba ko kilala?" mangiyak ngiyak na sabi ni Paul. "Hindi! Puta.Wala akong kilalang taong grasa!" nandidiring sabi ni Pomela. At dahil dito, umiyak si Paul nang napakalakas. Tumulo ang uhog nito pati sipon at laway. Lalong nandiri sa kanya si Pomela.
"Ako 'to si Paul! Nakakapagtampong di mo na ko kilala." naiiyak na sabi ni Paul. "Paul? Ano nangyari sayo? Bakit ka nagkaganyan?" nag aalalang tanong ni Pomela.
"Nasunugan kasi ako. Walang natira sa gamit ko, pati sa bahay ko. Pomela, wala na kong ibang mapupuntahan." malungkot na sabi nito.
"Putang ina. Makikitira 'to dito malamang. Mukha bang bahay ampunan 'tong mansyon ko. Punyetang bata 'to." sabi ni Pomela sa sarili habang si Paul ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanya.
Dahil sa kaawa awang kalagayan ni Paul. Pinapasok ni Pomela si Paul. "Bakit nga pala hindi ka pumunta kay Napoleon?" tanong ni Pomela.
"Magka away kasi kami. Nagtampo ako sa kanya. Hindi nya ko binigyan ng yellow paper. Ang dami pa kaya nun. Isang piraso lang naman hinihingi ko eh." kwento ni Paul.
Natulala naman si Pomela at pinapasok na si Paul sa bahay nya.
"Para na rin akong nagpatira ng bata sa bahay ko. Tang ina."
--
Author's Note: Again, fictional po ang istoryang ito. Hindi makatotohanan at some point. For fun lang ito kaya namin ito sinusulat. Maraming ups and downs dito… so lamna?
Maaappreciate talaga namin kung magcocomment kayo every reaction nyo hahahaha. Masaya kaya magbasa ng mga comments nyo. Ayan. Two updates this week ang nagawa namin. Ayos ba? Tama na daldal. <3
BINABASA MO ANG
The Mighty Brazo 1
HumorSi Pomela ay may angking talento na wala ang iba. Ito ay nanggagaling sa kanyang Braso. Si OJ naman ay paborito ang cake na Brazo de Mercedez. Ano kaya ang mangyayari kung pagtagpuin sila ng mapaglarong tadhana? Mahalin kaya ni OJ ang Brazo nya? O m...