[6] Bulls Eye

88 16 10
                                    

Mga ilang araw rin ang lumipas simula nang magbukas ang store ni Pomela. Simula ng binuksan nya iyon ay puro na lang suka ang nakikita nya at nang nagtagal ay wala ng bumibili dito.

Dahil palaging mainit ang ulo ni Pomela ay hindi na sya masyadong sweet kay OJ. Busy sya sa pag iisip sa mga brazo mercedez nya.

Isang araw ay nagimbal ang 'Brazo de Pomela' dahil sa mga sigawan ng mga tao sa tapat nito.

"Hoy! Braso! este Pomela! Lumabas ka dyan! Harapin mo kami! Tang in-- "sigaw ng isang babae. Hindi natapos ang dapat na sasabihin nito dahil bigla itong nagsuka —kulay yellow ulit. Kulay ng brazo de mercedez. Marami pang taong dumating at galit na galit kay Pomela. Lahat ito ay nagsusuka. Kulay yellow. Punong puno na ng suka ang harap ng tindahan ni Pomela.

Lumabas si Pomela na ngayon ay bagong gising. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang sandamukal na tao na nagsusuka. Halos bumaha na ng suka. Umusok ang ilong ni Pomela.

"Mga putang ina. Gago! Wag kayo dito sumuka. Punyeta! Dito pa talaga." Sa sobrang init ng ulo ni Pomela ay pinakita nya ang braso nya sa mga tao.

"Puta! Mga puta talaga! Ayaw nyo tumigil? Gusto nyo nito?" pinakita nya pa lalo ang kanyang great and mighty braso sa mga tao. Natahimik naman sila dahil kinabahan sila sa braso ni Pomela.

"Aba mga puta! Nagkalat talaga kayo dito! Kayo ba maglilinis nyan?" galit na sigaw ni Pomela.

"Akala ko buntis ang asawa ko! Yun pala… yun pala…" napaluha ang lalaki at hindi na naipagpatuloy ang sasabihin. Mukhang alam na niya ang problema. Bigla na lang siya napaluha. "Alam ko din ang nararamdaman mo. Akala nyo ba kayo lang?" dahil sa sobrang pag iyak ni Pomela ay nag shrink ang kanyang braso.

Naiyak rin ang mga taong kakasuka lang. Lalo na 'yong mag asawang akala nila ay buntis ito pero hindi naman pala.

Bigla na lang napadaan si Paul at napatigil nang mapansin ang kaguluhan. Nagtaka ito at bigla na lang rin naki iyak. Sunod sa uso eh. Mukhang gago lang.

Natapos ang iyakan at tinawag ulit ni Pomela si OJ para maglinis ng mga suka. Umalis na ang mga tao at nagsimula nang maglinis si OJ.

"OJ, salamat ah. Andiyan ka lagi para linisin ang mga suka" sabi ni Pomela habang nagpupunas ng luha.

"Okay lang yun. Lahat gagawin ko para sayo. Mahal kasi kita." nakangiting sabi ni OJ habang nagpupunas ng suka.

"May sasabihin pala ako. Relax ka lang pag sinabi ko ah. Baka pumutok braso mo sa sobrang gulat." sabi ni OJ. "Ano ba yun?" curious tanong ni Pomela.

Mga sampung minuto ang hinintay ni Pomela para magsalita si OJ. "Puta! Ang tagal naman. Bilisan!" sigaw ni Pomela.

Lumapit si OJ sa bandang tainga ni Pomela. Kinilig ang gaga, pati ang braso nya. "Nanalo ako sa lotto, wag kang maingay ah." bulong ni OJ. Nanlaki ang braso este mga mata ni Pomela.

"ANO? GAGO! NANALO TAYO SA LOTTO? PAKSHIT!" masayang sigaw ni Pomela habang nagtata talon. Nalindol na nga.

"Paker ka! Nalindol uy!" sigaw ni OJ. Huminto naman si Pomela at wagas ang ngiti.

Ngumiti din sa kanya si OJ ay nag ngitian sila. Sampung minuto sila nag ngitian hanggang sa mangalay ang mga labi nila. "Yehey!" biglang sigaw ni Paul at kumaripas ng takbo.

Isang linggo na ang nakalipas maula nang manalo si Pomela at OJ sa lotto. Bumili sila ng bahay at lupa. Magmula rin ng manalo sila ay nilapitan na sila ng mga tao kahit hindi naman nila kilala.

Naglalakad si Pomela sa grocery nang may masalubong. "Oy! Mare. Kamusta na buhay? Tagal nating di nagkita ah. Nandito ka lang pala." sabi nito sa kanya.

"Pakyu! Hindi kita kilala. Mare mo mukha mo. Alis dyan! Mukhang pera." at nagpatuloy sa pagtulak ng cart si Pomela na may lamang pechay. "Ano gagawin mo sa pechay babes?" tanong ni OJ.

"Ilalagay ko sana 'to sa brazo de mercedez. New recipe sana." sarkastikong sabi ni Pomela.

"Puta. Edi Wow." malambing pa rin ito.

"Hi. Mare. Kamusta na kayo ni OJ? Ilan na anak?" bati ni Niña kay Pomela. Hindi sya pinansin ni Pomela at diretso lang sa pagtulak ng cart. Nasa isip ni Pomela na mga gago, di kami nagka anak. Octuplets na bulate —meron.

"Ay. Snobber na si Pomela. PheymouhSz nhuah kHaszei. Grabe naman yan." ani Pyona saka sila umalis ni Niña.

Naisip ni Pomela na may isip pala sya at binabati lang sya ng mga tao dahil sa pera nila. Mga john michael amputa. "Uy. Pomela! Ano, natorjak na?" bati sa kanya ni Pinpin.

"Torjakin kita gusto mo?"

"Wag babes. Nubayan." angal ni OJ.

"Tangina neto ni Pomela eh, nakalimot na." sambit ni Annie. Umalis na ang dalawa at hahanapin pa daw nila si Albert at magja jack en poy sila.

Si Pomela naman at OJ ay umuwi na sa kanilang mansyon nang may naalala si Pomelang sangkap para sa new recipe. Naiwan nya ang asin kaya bumalik siya sa grocery para kunin iyon. Si OJ ay naiwan sa bahay.

Ilang oras ng wala si Pomela. Nagtataka na si OJ kaya lumabas siya sa kanila. Bigla syang may narinug na kalabog sa kwarto nila ni Pomela. Dahan dahang umakyat si OJ na parang ninja. Gumapang gapang pa siya.

Dahil natatakot syang dumaan sa pinto. Dumaan siya sa bintana. Tumuntong pa si OJ sa mga halaman sa kanilang garden pati sa mga sanga. "Aray. Gago. Sakit." bulong nito.

Hanggang sa nakapasok siya sa bahay nila, sumuot sya sa bintana. Naglakad lakad sya sa mansyon nila nang dahan dahan dahil tingin nya ay may nakapasok ditong masamang loob. Di na nahiya kay Pope.

"Aray! Putaa--" natigil ang sinasabi ni OJ nang pasakan sya ng isang pamilyar na lalaki sa bibig ng hamburger. Hindi na tuloy sya nakapagsalita. Tinali sya ng lalaki sa kamay at pinaupo sa upuan. Tinanggal nito ang burger sa bibig nya at kinagatan ng lalaki.

"Raven, bakit?" takot na tanong ni OJ.

"May pick up line ba ko? Bobo neto." sabi ni Kuya Raven at umalis. Iniwan si OJ na nakatali.

Maya maya ay bumalik ito may dalang make up at gown. Hinubad nya ang damit ni OJ. "Shet. Tanggalin ko muna tali. Suot mo 'to." kalmadong sabi ni Kuya Raven. Papalag na sana si OJ nang tutukan sya nito ng baril at tumawa ito ng malakas.

Psychopath si Raven at iyon ang tinatago tago nya. Sinuot yun ni OJ. Minake upan sya ni Raven. Heavy make up parang pupunta sa prom. Sa isip ni OJ ay gusto nya nang patayin si Kuya Raven.

"Sira ulo ka ba?" galit na tanong ni OJ.

"O bakla ka?" dagdag pa nito. Tumawa ng malakas si Kuya Raven na parang gago. "Ulol. None of yhe above. Sumakay ka na lang sa mga plano ko. Daming reklamo."

Nakita ni OJ na naglipstick si Kuya Raven ng dark red. Mukhang puta. Nilagyan din ni Kuya Raven ng ribbon ang dulo ng kanyang baril. Pink ribbon ito. Tumawa tawa si Raven at nangingisay pa ito. "Saya!" sigaw nito.

Tinutok nya ang baril kay OJ. Tutok sa puso nito at kinalabit ang baril. Tumulo ang dugo mula sa bibig ni OJ. Kasama nito ang pagtigil ng paghinga nito.

"Bulls eye! Tangina. Oo naman yes!" at umalis na ito ng mansyon.

Bago malagot ang hininga nito ay may nabanggit si OJ. "Bahala na. Kahit kailan ay di ko makakalimutan ang braso ni Pomela. Diyos na ang bahala. Siya na bahala sa role ko sa istoryang ito. Naniniwala ako… sa hustisya."at tuluyan na itong napapikit.

Pagkabalik ni Pomela ay naabutan niya siOJ na nakaupo, naka gown, naka make up at may tama ng bala sa dibdib. Nabitawan ni Pomela ang hawak na asin. Nagkalat ang asin sa sahig. Patay na si OJ. Nanigas ang katawan ni Pomela sa nakita at hindi ito makapaniwala.

"Bakit, OJ? Sinong gumawa sayo nito. Putang ina."

--

A/N: *O*

The Mighty Brazo 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon