Tuwang tuwa si Paul nang ipinaalaga sa kanila ni Tricia ang baby nito. Ito si baby Donut. Mahilig kasi si Paul sa baby. Gusto nya triplets. Gusto rin kasi nyang magkaroon ng mga kapatid kaso ay hindi sya biniyayaan kahit isa.
Si Pomela naman ay iritang irita sa bata dahil naaalala lang nya ang mga octuplets na bulate nya kaya iniiwasan na lang ni Pomela ang baby.
Madaldal ang baby at malikot kaya tuwang tuwa si Paul na habulin ito. Napaisip si Paul kung paano nagkaroon ng anak si Tricia dahil wala naman itong asawa o boypren kaya naman tinanong nya kay Pomela kung paano ito nangyari
"Ganito kasi yan, ayon sa pagkakakwento ni Tricia. Isang madilim na gabi habang pauwi siya ay nasagasaan siya ng rumaragasang tender juicy ni Patrick."
Tumango naman si Paul. "Ah! Nasagasaan. Nakakabuntis pala 'yon?" inosenteng tanong ni Paul.
Um-Oo na lang si Pomela pero nasa isip nya 'Gago, ako kaya sagasaan mo.'. Nakakadiri yung naisip ni Pomela. Buti na lang at inosente si Paul.
Naglaro na ulit si Paul at baby Donut. Kinuha ni Paul ang bag ni baby Donut at kinalkal. Nakita nya ang isang box na may laman na pagong. Nakita ni Baby Donut na kinuha iyon ni Paul kaya umiyak ito. Nagulat naman si Paul.
"Baby Donut. Wag ka na umiyak." at umiyak din si Paul.
Hinabol ng umiiyak na si Baby Donut ang pagong pero dahil sa sobrang bagal ng pagong ay naapakan ni baby ito. "Ah-ah! Tur tol."wika ni Baby.
Nakita ito ni Paul at nanlaki ang mga mata nya. Lumuhod si Paul at sinilip ang kalagayan ng maliit na pagong. Nahiya ito kaya pinasok nya ang ulo sa shell nya. Sinundot ito ni Paul kaya nabulag ang pagong. Siguro.
Tiningnan din ito ni baby Donut at tinulak ang pagong ng malakas. "Run! Dale mo!" At dahil mabagal ang pagong, naabutan ito ni Paul at tinusok tusok ulit.
Nawili ata siya. Nakita ni Pomela ang ginagawa ni Paul. Nakita rin nyang umiiyak na si Baby Donut kaya hinampas ni Pomela si Paul ng sandok.
"Akin na yan!" Kinuha ni Pomela ang pagong at binigay kay baby.
"Pagong, bulag." Wika ni baby at umiyak ng malakas. Naiyak rin ulit si Paul dahil sa pag iyak ni Baby Donut.
"Ikaw. Bad!" patuloy na pag iyak nito.
"Bakit ako bad?" sagot ni Paul sa baby at kinuha ang pagong. Nagtitigan sila ng pagong kaya naisip ni Paul na paano naging bulag ito, kaya binuklat ni Paul ang mata ng pagong gamit ang daliri nya. "Aha! Hindi ka naman bulag eh. Na damage lang ang sclera mo." sabi ni Paul.
Narinig ito ni Pomela at napatitig sa ginawa ni Paul. "Oy! Punyeta. Feeling doctor agad? First year pa lang tayo," sabi ni Pomela. Opto kasi ang course nilang dalawa.
"Bakit? Ikaw nga tingnan mo mata nya." Sabay bigay ni Paul kay Pomela ng baby pagong.
Inilagay ni Pomela ang pagong sa box. Pumunta na sila sa kusina at kumain. Sinusubuan ni Paul si baby Donut ng kanyang pagkain. Naiinggit naman si Pomela at nasabi nya sa sarili na 'Sana kung nandito lang si OJ, may nagsusubo rin sakin'.
Napatingin si Paul kay Pomela. "Gusto mo ikaw din?" nakangiting tanong ni Paul kay Pomela.
Hinahanap ngayon ni Paul ang pagong. Tinago kasi iyon ni Pomela sa likod ng ref. Nakaisip ng magandang ideya si Paul. Gumawa siya ng sarili nyang shell at isinuot sa likod nya. Nagpanggap na lamang siya na isang pagong para hindi na umiyak pa si Baby Donut.
Hindi naman siya nagkamali dito dahil tuwang tuwa si baby Donut nang makita siya. "Laki tur tol" sabi pa nito at sinakyan siya sa likuran.
Hinahayaan lang siya ni Pomela dahil tinatamad na si Pomela kay Paul. Patuloy lang na naglalaro at gumagapang si Paul. Itim na nga ang tuhod niya kakagapang. Bakat na yung tiles sa tuhod nya. Masakit na rin ang leeg nito dahil pinipilit nyang gayahin ang pagong na naipapasok ang ulo sa shell.
Naglalaro sila ngayon ng taguan. Si Paul ang taya. Hinahanap nya kung saan nakatago si baby. Hanggang sa nakarating si Paul sa kabilang kanto ng kanilang village.
Nakadapa, gumagapang, suot sa shell na pang pagong -mukha talagang gago. Pinagtitinginan na siya ng mga tao ngunit wala siyang paki.
"Baby Donut! Asan ka na?" tuwang tuwa na sabi ni Paul. Hindi nya alam na nasa dulo na pala siya ng village nila.
"Beep beep!" pagbusina sa kanya ng isang sasakyan dahil nakaharang siya sa daanan kaya naman napatayo si Paul.
"Aaah! Mommy! May ninja turtle." Natakot ang mga nasa sasakyan kaya naman pinaandar nila ng mabilis ang kanilang sasakyan.
Hapon na at malapit na mag gabi. Wala pa rin si Paul kaya naman nag-aalala na si Pomela. Lumabas siya ng bahay mya para hanapin si Paul nang marinig nya ang dalawang aleng nag uusap.
"Oo! Nakita daw nila. Pagong na nakatayo. Sinlaki ng tao."
"Talaga? Jusko. Totoo pala ang mga ninja turtle." Nagulat si Pomela at naisip nito na si baka si Paul ang pinag uusapan nila.
Agad siyang umalis at hinanap si Paul.
Natagpuan ni Pomela si Paul sa tabi ng basurahan. Mukha nga itong ninja turtle. Madungis nga lang at mukhang basahan. Dahil doon ay inuwi na ni Pomela si Paul.
Habang naglalakad sila pauwi ay nagsalita si Pomela. "Hoy puta Paul ah! Tumayo ka nga dyan. Gapang ng gapang." ani Pomela kay Paul.
"Turtle ako Pomela. Ganito talaga kami maglakad." marahang sabi ni Paul. Binatukan siya ni Pomela.
"Inamo! Bilisan mo gumapang. Bagal tangina. Para akong may alagang Pokemon." Hindi na nagsalita si Paul dahil hindi nya ito narinig dahil nasa lapag siya at gumagapang. Mukhang gago no? Fictional daw e. I-imagine nyo na lang. Aarte pa?
Nang makarating sila sa mansyon ni Pomela ay wala na yung baby. Binalik na ni Pomela kanina sa kapitbahay. Inalis nya na rin ang shell ni Paul.
Gabi na nga pala. Nilabas ni Pomela ang wine mula sa ref nila. Kumuha ng yelo at nilagay sa baso. Inalok nya si Paul. Nung una ay ayaw ni Pail pero nung sinabi ni Pomela na 'Lasang chocolate yan.', naniwala ito. Kaya napainom nya si Paul.
Sarap na sarap ito. Gulat nga si Pomela dahil hindi nya inaasahang magugustuhan ni Paul ang wine na collection ni OJ dati.
Mga ilang oras rin sila nag inuman hanggang sa malasing ang dalawa. Ano ineexpect nyo, magka diabetes sila? Lul.
"Init! Putangina." sabi ni Pomela at tinaas bahagya ang damit nya. Wala na siya sa huwisyo. Tumayo si Paul at nilapitan siya.
"Tanggalin ko na 'yan?" turo ni Paul sa damit ni Pomela. Pulang pula na si Paul. Epekto ng alak ni OJ.
--
BINABASA MO ANG
The Mighty Brazo 1
HumorSi Pomela ay may angking talento na wala ang iba. Ito ay nanggagaling sa kanyang Braso. Si OJ naman ay paborito ang cake na Brazo de Mercedez. Ano kaya ang mangyayari kung pagtagpuin sila ng mapaglarong tadhana? Mahalin kaya ni OJ ang Brazo nya? O m...