[5] Brazo de Pomela ala 69

113 18 17
                                    

Nasa klase si Pomela nang mag announce ang prof nila "KAPAG WALANG PERMIT! WAG NA PUMASOK! WAG NA MAG-ARAL HA?  Kaya magbayad na kayo para makapag exam! Bye." sabay alis nito palabas ng klase.

Biglang napaisip si Pomela. Naghihirap na kasi sila at wala na siyang pangtuition. Baka di na sya makapag aral. Biglang pumasok si Paul na may dalang Glutathione.

"Glutathione para kay Ampaya! Delivery!" sigaw ni Paul. Nilapitan siya ni Pomela "Anong ginagawa mo?" tanong ni Pomela.

"Part time job ko 'to. Kaipangan ko ng pera eh." sabi ni Paul atsaka umalis. Nahkaroon tuloy ng ideya si Pomela.

Tila nagkaroon ng ilaw sa utak ni Pomela at naalala niya na ang dami pa nyang ipon na brazo de mercedez sa kanyang ref kaya magtatayo siya ng store ng paborito nyang cake, pinangalanan nya ito 'brazo de Pomela' —tingin pa lang, mapapa brazo ka sa sarap!

Agad agad tumungo si Pomela sa bahay nila at tiningnan ang mga cake. "Pwede na 'to." sabi nya.

Agad na nagtayo si Pomela ng isang maliit na stall. Kinabukasan ay inilabas na niya ang mga brazo de mercedez sa ref nila at idinisplay sa store nila. "OH! BRAZO DE POMELA! BILI NA GUYS! NGAYON NA!" sigaw nya at dahil tila wangwang ang boses niya ay madali syang makakuha ng atensyon.

Tumigil ang mga dumadaan sa stall nya at tiningnan ang mga tinda nya. Tumaas ang tingin nito kay Pomela, pababa sa braso nito. "Magkano 'yan?" tanong nito kay Pomela.

Nakaturo si Ate sa braso ni Pomela. Tila nairita si Pomela dahil dito. "Gaga ka teh? Braso ko yan. Hindi cake." tila natauhan naman si ate "Ay sorry. Magkano yung cake?"

"580 pesos ho with special packaging na." nakangiting sabi ni Pomela.

Sumama ang mukha ng bibili sana. "Ay! Ang mahal tas yan pa? Gusto ko sana ito eh." sabay turo nito sa braso ulit ni Pomela.

Uminit ang ulo ni Pomela at humalukipkip. "Tangina ka na ah! Kanina ka pa! Lumayas ka nga sa harapan ko baka mabato ko sa pagmumukha mo ang mga brazo de mercedez! Puro na lang reklamo!"

"Odi. Sorry na." sabi ng bumibili.

"Pabili nga ng isa. Isa lang ah " sabi nito

"OO PUNYETA! ULIT ULIT? DI AKO TANGA!" sigaw ni Pomela sabay abot ng brazo de mercedez. "Oh ayan. Thank you for buying." biglang nagbago ang mood ni Pomela at biglang naging magiliw sya.

"Oy bago mong negosyo?" tanong ni Kuya Napoleon.

"Hindi. Luma 'to luma." sabi ni Pomela na parang naburyo.

"May freetaste ba?"

"Punyeta wala! Lumayas ka na dito!" sigaw ni Pomela. "Kbye" biglang alis ni Napoleon.

Biglang napadaan si Paul sa istante ng mga tinda ni Pomela. Tiningnan ni Paul sa mata si Pomela ng sampung segundo tas tumingin ito sa mga cake ng sampung minuto ulit at umakyat ang tingin nito kay Pomela. Bigla itong nagsuka —kulay yellow, kasing kulay ng brazo de mercedez.

"Hala! Bakit Paul? Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Pomela. Hindi nakasagot si Paul at nagsuka ulit. Nasukahan niya ang ilan sa mga tinda ni Pomela na brazo de mercedez.

"Ay Puta!" ani Pomela. Umalis na lang bigla si Paul ng walang sinasabi.

"Wow! Pomela, ikaw yung bumili ng kutsilyo sa store namin? Wow, brazo de mercedez?" masayang sabi ni Tricia. Kumuha siya ng maliit na portion ng icing at ang portion na nakuha nya ay ang may suka ni Paul. "Wow! Sarap!" sabi ni Tricia.

"Puta! Bat mo kinain yun? Nasukahan ni Paul yan kanina." yung cake kasi na iyon ay nakadisplay sa ibabaw ng istante. Nanlaki ang mga mata ni Tricia dahil sa narinig. Nandiri ito. Dahil sa pandidiri nito ay nagsuka sya at tumakbo palayo.

Naiinis na si Pomela dahil ang daming nagsusuka sa harap ng tindahan nya. Ang baboy na tuloy. Ayaw naman nya itong linisin dahil nandidiri sya. Tinawagan nya si OJ.

Maya maya pa ay dumating na si OJ. "Oh bakit babes? Bakit mo ko pinatawag dito?"

"Tanga ka? tingnan mo kaya! Tingnan mo nangyari sa mga benta ko. Sinukahan lang ng mga tao!" galit na galit na si Pomela. Konti na lang ay sasabog na ang braso nya.

"Relax ka lang, babes" kumuha si OJ ng basahan at nagsimulang maglinis. Talagang mahal siya ni OJ. "OJ, salamat ah!" nakangiting sabi ni Pomela. "Kahit ano para sayo, fine by me." masayang sabi ni OJ. At dahil dun, lalong nainlove si Pomela kay OJ.

Nilapitan ni Pomela si OJ sa labas habang nagpupunas ng mga suka. Kinuha nya ang kamay nito na may hawak na basahan. Pinatayo nya ito at biglaang niyakap. Nagulat si OJ sa ginawa ni Pomela. Nagsalita ito.

"Wag ngayon babes. Amoy suka pa ko. Mamaya na pagkaligo ko ha? I love you braso!" hindi na makatiis si Pomela kaya hinalikan nya si OJ ng mariin. Nasarapan si Pomela sa bawat halik na binabalik ni OJ. Hindi nila ma control ang feels nila at natuluyan ng nasarapan ang dalawa kaya nasabi ni Pomela. "Eat me, OJ" Nalaswaan si OJ at tinulak palayo si Pomela.

Natawa si Pomela sa naging reaction ni OJ. Tumawa siya ng tumawa ba parang may sira sa ulo. Hindi siya makahinga sa kakatawa. Sana mamatay na lang sya.

"Gago! Huminahon ka nga! Hayup. Sabihin nila binaliw kita sa halik ko. Nasarapan ka naman. Oh my God!" sabi ni OJ. Patuloy pa rin si Pomela sa kakatawa hanggang sa naging kulay violet na siya. Napatingin na lang si OJ sa kanya. Maya maya pa ay hinimatay si Pomela. "POMELA!" sigaw ni OJ. Bigla namang tumayo si Pomela. "Joke lang. Tara.Ligpit na tayo." masaya silang nagligpit na dalawa.

Isang araw ay nanaginip si OJ. "Twenty five, six, nine, sixteen, dos, kwatro, … YES!" at agad itong nagising sa pagkakatulog. Tinawagan nito si Pomela. "Paker, Pomela babes. Nanaginip ako ng mga numbers. Alam mo ba ibig sabihin nun? Pwede tayong tumaya sa lotto! Ohmygad!" sobra ang feels ni OJ at hindi nya ito mapigilan.

"Gago! baka minumulto ka lang ng nga 69! Masyado ka kasing manyak. Sige na! Matutulog pa ko. Labyu!" sabay baba ni Pomela ng telepono.

Hindi maalis sa isip ni OJ ang 69 este ang mga numbers na napanaginipan nya. Isang araw syang hindi nakatulog dahil dun. Mas lalo tuloy lumaki ang mga eyebags niti. Hindi na makita ang mga mata nito.

"Sixty nine, sana manalo ako sa lotto. Para sa pamilya ko 'to este sa braso ni Pomela. I love you 69" bulong ni OJ sa sarili nya. Magmula noon ay palagi ng kinakausap ni OJ ang sixty nine kasabay ng pagkain nya ng oaborito nyang brazo de mercedez.

--

A/N: Update! Gusto ko makabasa ng mga comments. Please. Paki recommend din ito sa mga kakilala nyo. Hahaha.

P.S. Medyo sabaw ang update na ito.

The Mighty Brazo 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon