[13] Totoo ba?

60 8 6
                                    

Simula ng gabing iyon ay nagbago na ang pakikitungo ni Pomela kay Paul. Mas naging mabait sya dito. Marahil siguro ay alam nyang iba na ang nararamdaman nya para dito. Si Paul naman, hindi siya nagbago. Ganon pa rin siya, mukhang bibingka.

Tatlong linggo na ang nakalipas. Maayos naman, paminsan minsan ay sumusulpot si Kuya Napoleon kung saan. Minsan ay bigla na lang itong kumatok sa mansyon nila Pomela. Nanghihingi ito ng sabaw, tuyot daw kasi ang pagkain nya. Bumabara ito sa lalamunan -ayaw dumulas.

Isang araw habang si Pomela ay naglalaba. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napaupo siya sa sahig habang hawak ang kanyang ulo.

Naramdaman niya ang pag higpit ng kanyang braso dahil sa pagkahilo. Nadatnan siya ni Paul na nakaupo sa sahig.

"Pomela, anong nangyari sayo?" tanong ni Paul.

"Wa-wala 'to." at tumayo si Pomela. Pota. Pabebe.

Habang kumakain rin sila ni Paul ay biglang napahinto si Pomela at napahawak sa kanyang braso este dibdib. Pinipigil niya ang kanyang sarili sa pag... sa pag

"Pomela, wag ka magkalat diyan." ayan. Nagtae siya. Joke lang. Nagkalat siya ng suka dahil siya'y nasuka.

Nilinis naman ni Paul ang suka niya.

"Paul, wag mo gawin yan."

Naalala kasi bigla ni Pomela si OJ dati habang naglilinis ng mga suka ng costumer.

"Kailangan ko 'to linisin. Gusto mo ba mangamoy suka tayo?"

Matapos niya magpunas ng suka gamit ang tissue ay may nag doorbell. Binuksan naman ito ni Paul.

"Tissue Delivery." sabi ni Kuya Napoleon. Isa pang sideline nya ang pagbebenta ng tissue.

"Paano mo alam na kailangan namin ng tissue? Sakto ubos na tissue namin. Ginamit ko panglinis ng suka ni Pomela."

"Dami daldal. Akin na lang bayad." at inabot naman ni Paul ang bayad. Matapos iyon ay tumakbo si Kuya Napoleon paalis.

Habang nililinis ni Paul ang natirang suka ni Pomela ay pinapanood siya ni Pomela. Naalala tuloy ni Pomela si OJ na magaling at palaging naglilinis ng mga suka ng tao.

"Bakit mo yan ginagawa?" wala sa sariling sabi ni Pomela.

Napatigil si Paul sa pagpupunas ng suka. "Alin? Ito? Lilinisin ko lang. Baho eh." at pinagpatuloy ang paglilinis ng suka.

Pinagpahinga muna ni Paul si Pomela dahil masama ang pakiramdam nito. Tinitigan ni Paul ang braso ni Pomela. Malaki pa din, normal naman ito.

"Di kaya buntis ka Pomela?" sabay nilapit ni Paul ang tainga nya sa braso ni Pomela.

"Ano ba, Puta!" sigaw ni Pomela.

"May narinig ako, Pomela. Tatlong tibok." bulong ni Paul na rinig naman ni Pomela.

"Ulol. Bulate lang 'yan. Wag ka nga." Napangiti naman si Paul.

"Buntis ka talaga. Pero paano?"

"Pota! Manahimik ka! Triplets na bulate lang yan. Ganyan din nangyari dati! Pota."

Nalungkot naman si Paul. "Oo nga. Siguro bulate lang. Pero gusto ko pa rin magpa pregnancy test ka!" sigaw ni Paul.

"Aba Pota! Bakit mo ko sinisigawan?" sigaw pabalik ni Pomela.

"Shh." sabi ni Paul sabay lapat ng hinlalaki niya sa labi ni Pomela upang patahimikin ito.

Nilapat nya ang kanyang dalawang kamay sa balikat ni Pomela at pinaupo ito. Nalungkot si Paul dahil hindi pumayag si Pomela sa pag gamit ng pregnancy test. Umalis na lang siya at umiyak sa C.R.

The Mighty Brazo 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon