15

1K 34 7
                                    

Messenger

Four Sisters But Wala Pang Wedding
12:06 PM

Marinella: Wala bang ganap sa banda rito?

Seen by everyone

Ninya: Wala sa akin.

Cha: Baka sa banda roon, meron.

Ang corny mo, Cha. Haha!

Ninya: Kailan ba yan di naging corny? Lol!

Cha: Inapi n'yo na naman ako.

Sorry, can't help it. 🤣

Cha: Bullies!

Marinella: Hahaha!

Ninya: Oy, Rai!

O, bakit?

Ninya: Wala namang nag-chat sa mga kapatid mo. Ilang araw akong naghintay.

The fuck, Ninya? Hahaha!

Marinella: Seryoso ka dyan, ghorl? Hahaha!

Cha: Wag kasing aasa para di masakit sa puso.

Ninya: Mga lintek kayo!

Hahahaha!

Di ko naman sinabing magcha-chat talaga sila, ah. Ang sabi ko, BAKA mag-chat.

Cha: Umasa nga kasi si Ninya. Hahaha!

Ninya: Sige, tawa lang kayo.

Hahahaha!

Marinella: Pero teka lang.

Marinella: Rai...

Yep?

Marinella: Kailan mo na nga ipapakilala sa amin yung boyfriend mo?

Cha: Oo nga! Kailan nga ba?

Ninya: Ayaw na naming marinig o mabasa yang soon mo, Rosie Rai. Ipakilala mo na yan sa amin o magsusumbong kami sa mga kapatid mo.

Grabe naman yun!

Ninya: I'm serious, Rai. We just want to know your guy. Para alam namin kung mapagkakatiwalaan ba talaga siya.

He's a good guy.

Marinella: We'll see. Baka kasi sa sobrang pagmamahal mo dyan sa lalaking yan, nabubulagan ka na lang pala.

Ganoon ba ang tingin n'yo sa akin? Mahal ko siya, pero di naman ako tanga.

Ninya: Hindi siyempre. Kaya lang, di mo mapipigil na di kami mag-alala, lalo na at di mo naman siya ipinapakilala sa kahit sino sa amin.

Marinella: Yeah. Kung ayaw mo pang ipakilala talaga sa pamilya mo, at least kahit sa amin man lang sana. Di na kami masyadong mag-aalala for you.

Ninya: Tama! Iba ka pa naman pag nai-in love.

Paano namang iba?

Ninya: Marupok.

Marinella: Bigay lahat.

Ninya: Kaya pag nasaktan...

Marinella: Ayun, iiyak nang bongga na parang di pinaalalahanan.

Grabe, grabe! Pinagkakaisahan n'yo ako, ah.

Cha: Wag kang maniwala sa dalawang yan, Rai. Gusto lang talagang makitsismis ng mga yan.

Ninya: Charity!

Marinella: Gaga ka, Cha!

Cha: Hahaha! Joke lang.

Cha: Pero oo nga, Rai. Ipakilala mo na sa amin. Para pag sinaktan ka, reresbak agad kami.

Di niya ako sasaktan.

Ninya: Confident much?

Marinella: Paano mo nalaman na di ka sasaktan?

I just know. Confident ako na di niya ako sasaktan.

I know him.

I trust him.

I love him.

Cha: Baka nga si Rai pa ang manakit.

Bwisit ka talaga, Charity.

Cha: Hahaha!

Pero sige, ipapakilala ko siya sa inyo.

Ninya: Kailan nga?

So impatient, Ninya. Haha!

After ng unang game ng Hot Shot this season.

Marinella: Alright!

Cha: Sure ka na dyan, Rai?

Yeah.

Basta promise me na kapag ipinakilala ko siya sa inyo, wag kayong madaldal. Hayaan n'yo akong humanap ng timing para maipakilala talaga siya sa pamilya ko bilang boyfriend ko.

Ninya: Okay, okay.

Salamat sa pag-intindi sa akin, girls. ❤

Marinella: Sus, ikaw pa ba?

Hahaha!

Love you, girls!

Cha: Love you, Rai!

Ninya: ❤❤❤

Marinella: Love yah!

Seen by everyone

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

The Hot Shot Club 4: The Effortless Dater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon