25

956 38 10
                                    

Telegram

EU
10:23 AM

Babe?

Bakit parang bad mood ka?

10:25 AM ✔✔

Luh? Seener ka na niyan?

10:27 AM ✔✔

10:30 AM

EU: Mag-focus ka muna sa meeting.

EU: Baka mapagalitan ka ng daddy mo kasi chat ka nang chat.

Ang sungit mo naman!

Bahala ka nga dyan!

10:32 AM ✔✔

--

Facebook

Elian Yusuf Ty
7 mins ago

"You're too sexy, beautiful and everybody wants a taste, that's why I still get jealous..." 🎶

👍❤😮 Aiken Clark Lewis, Jesus King Castillo and 717 others

view all comments:

Aiken Clark Lewis: Nick Jonas, ikaw ba yan? Lol!

     | Elian Yusuf Ty: Mas gwapo ako kay Nick Jonas, p're.

      | Aiken Clark Lewis: Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha, pare? Haha!

      | Elian Yusuf Ty: Sayo. Lul!

Jesus King Castillo: Makakanta ka ng jealous dyan, parang totoong nagseselos ka, ah.

      | Lionel Ty: 😏😏😏

      | Elian Yusuf Ty: Lionel, isa!

      | Jesus King Castillo: May alam talaga itong si Lio. Spill!

      | Elian Yusuf Ty: Wala lang yan! Nick Jonas wannabe nga, di ba?

Treyton Ty: Laking layo mo kay Nick Jonas, Kuya.

      | Elian Yusuf Ty: Weh? Walang may paki, bunso.

--

Telegram

EU
11:47 AM

Di mo pa rin ako papansinin?

May topak ka?

Parang kagabi naman, okay tayo, ah.

11:50 AM ✔✔

11:52 AM

EU: Nakakabwisit yung tingin ng mga kasama natin sa meeting, eh.

Ha? Anong tingin?

EU: They were looking at you as if they owned you.

Grabe, parang di naman. Imagination mo lang yun.

EU: Lalaki ako. Alam ko yung ganoong tingin.

Ayaw mo ng ganoon? May mga humahanga sa akin?

EU: Proud ako na may mga humahanga sayo. Masaya ako kasi despite of that, ako ang minahal mo.

EU: Kaya lang, di ko mapigilang mainis sa uri ng tingin nila. Kahit boss ko ang iba sa kanila, naiinis talaga ako.

EU: Kilala mo ako, babe. Di ako selosong tao. Sobrang proud ako sayo. Sa talent na meron ka, sa kagandahan mo, sa ugali mo. It's just that...

I understand, babe.

Pero wag ka ng mainis, okay? Nakukuha man ang atensyon nila, ako naman, sayo lang ang atensyon ko.

I only want you. ❤

EU: Bakit kasi ang ganda mo? Ang sexy mo pa.

Ayaw mo ng maganda at sexy ang girlfriend mo? Lol!

EU: Siyempre, gusto.

Arte, eh. Haha! Halika nga dito. Di ako sanay ng di mo inaasar sa harap ng teammates mo.

EU: Kiss mo ako para mawala na ang inis ko.

Sige, mamaya. 😘

11:58 AM ✔✔

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

Pakinggan n'yo yung song. May naaalala ako dyan. Haha!

The Hot Shot Club 4: The Effortless Dater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon