EU's Account
Messenger
Three in one +1+1
8:21 AMLuck Aldrix: Congrats ulit sa panalo n'yo kagabi, Kuya idol.
Seen by everyone except Rosie Rai
Thanks, Drix.
Salamat sa support n'yo kagabi, ah.
Lack Aldrin: Sayang, Kuya EU. Triple double ka na sana, kinulang lang sa assist.
Kaya nga, eh. Next time, ma-achieve ko rin yung triple double na yun. Haha!
Luck Aldrix: #support
Lock Aldric: Kuya EU, sino ang inspirasyon mo sa paglalaro ng basketball?
Ang ate n'yo. 🤭🤣
Lack Aldrin: Nakow, kilig na niyan si Ate Rai. Haha!
Hahaha!
Lock Aldric: Maliban kay Ate Rai? I mean, nakikita ko kasi kung paano ka maglaro, Kuya EU.
Luck Aldrix: Oo nga, Kuya idol. Kitang-kita yung passion when it comes to basketball. Para bang hindi ka lang naglalaro dahil trabaho mo yun. Naglalaro ka dahil gusto mo talaga ang basketball.
Well, that's true. Bata pa lang ako, gusto ko na talagang maging basketball player. At naging malaking impluwensiya sa akin si Kobe Bryant.
That mamba mentality of his became my inspiration. Nadala ko yung mentality na yun hanggang sa lumaki ako. Yun ang naging inspirasyon ko na magpursige at para maging professional basketball player.
Luck Aldrix: Ah, so bata pa lang, gusto mo na pala talagang maging basketball player, Kuya idol?
Yes. At inilaban ko yun. Hehe!
Lack Aldrin: Paanong inilaban, Kuya EU?
Kasi, ayaw talaga ng tatay ko na maglaro kami ni Lionel ng basketball. Ang gusto niya, sumunod kami sa yapak niya bilang politician, lalo na at si Kuya Wren, yung panganay namin, ayaw ring pumasok sa politika.
Kinailangan ko, naming patunayan ni Lio na pagiging basketball player talaga ang profession na dapat sa amin. Sobrang pressure at hirap ang pinagdaanan namin, lalo na at ilang taon kaming hindi kinausap ni Daddy dahil hindi namin pinagbigyan ang gusto niya.
Pero eventually, ayun, natanggap na rin naman niya. Yung bunso namin yung ginu-groom niya para sumunod sa yapak niya, pero parang ayaw rin ni Trey. Haha!
Luck Aldrix: Di rin pala naging madali ang journey mo towards your career now, Kuya Idol.
Seen by everyone
Rosie Rai: That's why I'm so proud of him. 💙
Aga mo namang magpakilig, babe. 😍
Lock Aldric: Korniks n'yo po. 🤮
Hahaha!
Luck Aldrix: Proud rin ako sayo, Kuya Idol.
Thanks, Drix.
Pero marami pa akong kailangang patunayan. Gusto pa namin ng maraming championship. Kahit mahirap, kakayanin.
Sabi nga ni Kobe, "Everything negative--pressure, challenges--is all an oppurtunity for me to rise."
Kaya kahit maraming pressure sa paligid, focus lang dapat tayo sa goal natin.
Lack Aldrin: We'll keep that in mind, Kuya EU.
Good.
Anyway, kumain ka na ng breakfast, babe Rosie Rai?
Rosie Rai: Yep. Ikaw ba?
Good. Wag magpapalipas ng gutom, ah. Love you!
Lock Aldric: I'm out. Kumokorniks na talaga ang usapan.
Hahaha!
Luck Aldrix: Inggit ka lang yata, Dric, eh.
Lock Aldric: Baka ikaw.
Hahaha!
Seen by everyone
--
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰
15 years ago, Kobe scored 81 pts in his game. Missin' the Black Mamba. 🥺
BINABASA MO ANG
The Hot Shot Club 4: The Effortless Dater (Completed)
ChickLitElian Yusuf x Rosie Rai (Epistolary)