78

1K 47 18
                                    

Twitter

@RosieCheeks 🔒
It's been a hell of a roller coaster of emotions for me for the last 3 days. Nag-start yun nang lumabas ang blind item na yun sa Facebook. Hindi ko alam kung dapat ko ba yung ikatakot, ikagalit nang todo o dapat kong ipagpasalamat.

@RosieCheeks • 10h
Replying to @RosieCheeks
A part of me was so afraid of that post, kasi doon pa nalaman ni EU ang gustong mangyari ni Daddy. Natatakot ako sa magiging reaction niya. Pero bahagya rin akong nakahinga nang maluwag kasi di na ako mahihirapang mag-open sa kanya ng topic na yun.

@RosieCheeks • 10h
Replying to @RosieCheeks
Tuluyan akong nakahinga nang maluwag nang malaman kong di naman pala galit si EU sa akin. Pero... natakot naman ako when I learned that he's in an arranged marriage, too.

@RosieCheeks • 10h
Replying to @RosieCheeks
Di ko alam kung pinaglalaruan ba kami ng tadhana. Bakit naman ganoon? Kami ni EU yung nagmamahalan, bakit di na lang kami ang ikasal?

@RosieCheeks • 10h
Replying to @RosieCheeks
Kaya naman when EU ask me to run away with him, I gladly say yes. Ayoko sanang suwayin si Daddy, pero sobrang mahal ko si EU. It's him that I want and love. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay.

@RosieCheeks • 10h
Replying to @RosieCheeks
Nagpunta kami sa isang private resort. EU and I made love countless of times. Nag-bonding kami nang todo. Sinulit namin yung alone time natin together. Pansamantala naming kinalimutan lahat ng alalahanin namin.

@RosieCheeks • 10h
Replying to @RosieCheeks
Ang importante, ako at siya. Magkasama kami. Masaya. Nagmamahalan.

@RosieCheeks • 10h
Replying to @RosieCheeks
Pero kahit anong takas namin, alam naming we need to face our problems na pansamantala naming kinalimutan. Kaya kahit ayaw pa namin, kinausap namin ang mga taong malalapit sa amin na sobrang nag-aalala na sa akin.

@RosieCheeks • 9h
Replying to @RosieCheeks
At sadyang mapagbiro talaga ang tadhana. Akalain mong kami pala talaga ni EU ang naka-arranged marriage? Di tuloy namin alam kung matatawa o maiinis. May pagtakas pa kaming nalalaman, wala rin palang kwenta. Lol!

@RosieCheeks • 9h
Replying to @RosieCheeks
Pero, ayun nga, sobrang saya lang sa pakiramdam. Kasi, yung lalaking mahal na mahal ko? Siya na talaga ang pakakasalan ko.

@RosieCheeks • 9h
Replying to @RosieCheeks
Salamat po, Lord. Masayang-masaya ang puso ko.

--

Messenger

JK and Mary's Fans Club
10:36 PM

Roz: Kaya pala ganoon kakapal ang mukha nitong si Elian Yusuf na magkalat

Seen by everyone

EU: Wow, himala! Ikaw ang unang nag-chat, Roz. Haha!

Roz: Saya ka niyan?

EU: Oo. Anong palagay mo, ikaw lang ang may karapatang sumaya? Por que magkakaanak ka na? 🤣

Lio: Kailan kayo uuwi?

Bukas nang umaga.

Lio: Okay. Hinihintay na kayo ni Dad.

Monique: Kailan pa naging kayo, Manager, Kuya EU?

Mary: Grabe silang manggulat, 'no? Walang pasabi. Haha!

EU: More than a year na. 😏

Rajon: That long?

Yeah. Hehe!

August: Galing n'yo ring magtago, ah.

Edon: Di rin.

Rajon: What? Alam mo yung tungkol sa kanila, Cap?

Diandra: Lahat naman yata alam ni Cap. Haha!

JK: Di rin. (2)

Clark: Di rin. (3)

Lio: Yabang ng mga ito. Lately n'yo lang din naman nalaman.

JK: Kahit na. Ang mahalaga, nalaman namin. Haha!

Clark: Tree house pa nga sa Stilts. Haha!

Tse! Mga tsismoso! Hahaha!

Thanks pala, Lio. Napatunayan kong mapapagkatiwalaan ka nga.

Lio: 👍

Rajon: Ayan, ganyan kayo. Mga di nagse-share! Manlibre kayo pag nakauwi na kayo.

EU: Sure. Hahaha!

JK: Yabang por que di na nagtatago. Hahaha!

EU: Well... hahaha!

Seen by everyone

--

Twitter

@RosieCheeks 🔒
Where was I? Ayun, maaga kaming umuwi. Una kaming nagpunta sa bahay nina EU sa Laguna. I'm afraid kasi, governor yung haharapin ko. Iginagalang na politician.

@RosieCheeks • 1h
Pero nawala yung takot ko dahil sobrang bait ng pamilya nina EU. Ipinaramdam agad nila na part na ako ng family nila. Ang sarap sa pakiramdam. Ang saya lang.

@RosieCheeks • 1h
Next stop, sa bahay naman namin kami pumunta. Bumalik na naman yung kaba ko. Ayokong makita yung disappointment sa mukha ni Dad dahil sa pagtakas namin. Kinabahan din ako kasi baka na-bad shot si EU sa kanya.

@RosieCheeks • 1h
Pero di yun nangyari. Katulad sa bahay nina EU, masayang ambiance ang sumalubong sa amin. Grabe din yung pag-welcome na ginawa nila kay EU. I really love my family.

@RosieCheeks • 1h
Dad ask EU kung ano ang plan namin since parang nag-leak na nga yung tungkol sa kasal. EU said na kung makakahintay sina Dad na matapos ang conference bago i-announce officially yung engagement namin.

@RosieCheeks • 1h
He said na it's not his pride that talking. It's just that, he really wanted to prove himself. For me, for my family. Para wala rin daw masabi ang mga tao.

@RosieCheeks • 1h
Because of that, nakuha ni EU ang respeto ng family ko, lalo na nang humingi siya ng sorry dahil itinago namin ang relasyong meron kami. Ilang ulit siyang humingi ng sorry.

@RosieCheeks • 1h
Oh, God. I really love this guy. Di ko alam kung anong nagawa kong maganda nang past life ko para ibigay sa akin ang katulad ni EU.

@RosieCheeks • 1h
I'm so excited for our upcoming wedding. I can't wait to be Mrs. Elian Yusuf Ty na.

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

The Hot Shot Club 4: The Effortless Dater (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon