Messenger
Four Sisters But Wala Pang Wedding
9:37 AMNinya: Rosie Rai!
Ninya: Sure kang si EU talaga ang jowa mo?
Ninya: Hindi ba yan prank lang?
Seen by everyone
Cha: Di maka-move on, Ninya?
Hahaha!
Hindi nga prank yun. Si Elian Yusuf Ty nga ang boyfriend ko.
Marinella: Sarap mong sabunutan, Rai!
Marinella: Ang haba ng hair mong bruha ka!
Cha: True!
Cha: Kita sa mga mata ni EU kagabi kung gaano siya ka-in love kay Rai.
Well... 🤷♀️
Ninya: Kainis ka talaga, Rai!
Bakit ba? Hahaha!
Ninya: Gusto ko na ring magkajowa kasi!
Cha: Eh, di magjowa ka.
Ninya: Gusto ko yung katulad ng jowa ni Rai.
Sorry, nag-iisa lang si EU.
And he's mine.
Marinella: O, eh, di sayo na nga.
Hahaha!
Cha: Pero, Rai, bakit ba kailangan n'yo pa talagang itago ang relasyon n'yo? I mean, EU's a great catch.
Naipaliwanag naman na niya sa inyo, di ba? Pero soon, ipapaalam na namin sa malalapit sa amin.
Kumukuha lang talaga kami ng timing.
Marinella: Support ka namin, Rai.
Thank you. 🥺❤
Ninya: Support ka namin, pero ihanap mo rin kami ng jowa.
Cha: Ikaw lang ang jowang-jowa na dito.
Ninya: Tse!
Mga baliw! Hahaha!
Seen by everyone
--
Messenger
Blue Balls Club
11:42 AMEdon: Nice game last night, team.
Edon: Sustain lang natin yung ganoong laro. O, mas higitan pa natin kung kaya.
Seen by everyone
Yes, Cap.
JK: Ang sigla mo, p're, ah. Haha!
Siyempre naman! Nanood ang inspirasyon ko kagabi, eh.
Rajon: Sino?
Si Manager Ganda. 😍
Roz: Umaasa ka talaga kay Manager? Di ka papansinin n'on.
Wala kayong tiwala sa akin, ano?
Pustahan tayo!
Roz: Sige ba.
Clark: Aba, teka. Nagkakapustahan na dito, ah. Haha!
Edon: EU...
Yes, Cap?
Edon: Nothing. Just...
Ano yun, Cap? Ang gulo mo po. Haha!
Lio: Kay Kuya ang pusta ko.
August: Totoo ba ito? Lol!
Salamat sa suporta, kapatid. Kaya mahal kita, eh.
Lio: Di kita mahal.
JK: POTA KA TALAGA, LIONEL. HAHA!
JK: Kay EU ang pusta ko. #support sa tropa.
Clark: Kay EU din ang pusta ko. Kahit man lang #emotionalsupport makapagbigay ako.
Salamat, salamat. Mga tunay talaga kayong kaibigan.
Rajon: Sige, samahan ko sa pusta niya si Roz. Kawawa naman, eh, walang friend.
Roz: Fuck you, Rajon!
Clark: Hahaha!
JK: Ikaw, August, saan ang pusta mo?
August: Wala. Di dapat pinagpupustahan ang mga ganyan. Respeto naman kay Manager Rai.
Lio: Hmm, may point.
Clark: Saint August, FTW!
Edon: Yeah. EU, PM.
JK: Oops! Wala ako d'yan, ah.
Bakit ako, Cap? Si Roz ang nagsimula, eh.
Roz: Ulol! Ikaw ang naghamon ng pustahan.
Cap...
Rajon: Naku, kauumpisa pa lang ng season, mukhang may mapapalipat agad ng team. Haha!
Gago ka, Rajon!
Clark: Hahaha!
Seen by everyone
--
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰
BINABASA MO ANG
The Hot Shot Club 4: The Effortless Dater (Completed)
ChickLitElian Yusuf x Rosie Rai (Epistolary)