kabanata 8

104 32 2
                                    

"Ginoong Nikolas, Binibining Adellina, ano itong nakikita ko?!"

Gulat silang napatingin kung saan nanggaling ang sigaw at napayuko na lamang si Adellina.

"Heneral, Mara aking ibinigay lamang ang aking munting regalo ko kay lina, aking pasasalamat narin dahil napasaya nya ko ng lubos ngayong gabi" nakangiting sagot ni nikolas sa dalawa habang papalapit na ito sa kanila

"Iba na pala ngayon kulas, ang may kaarawan na ang nagbibigay ng regalos sa bisita" mausisig na tanong ni marra at tinitigan si lina na para bang nagtatanong na kung ano ba talaga ang nangyayari, "A-Ah Amarra, isa lamang itong pasasalamat sa akin ni nikolas" pikit na sabi ni lina sa kanyang pinsan, "Nikolas, totoo bang- 
Hindi na naituloy ni amarra ang kanyang nais sabihin sa kanyang pinsan dahil tinawag siya nito ng kanyang ama at kinakailangan na daw nilang umuwi, " Bueno, ako'y uuwi na paalam Heneral, Maligayang kaarawan muli kulas at Adellina aking pinsan magkita tayo bukas ng umaga sa hardin at ako'y may itatanong sayo" madiin na sabi nito habang nakatingin kay lina, natawa naman ang heneral na syang nagbasag sa katahimikan "Paalam Binibining Amarra, nawa'y sumaya ka ngayong gabi" pamamaalam ni nikolas ganon din si adellina "Paalam muli at magandang gabi sa inyo" pamamaalam uli ni amarra, "Ako'y magpapaalam narin. Kulas, lina kailangan ko naring bumalik sa bayan dahil may mahalaga akong gagawin. At isa pa binibining Amarra maaari ba akong sumabay na sa inyo may sakit pala ang kabayo na naghatid sa amin dito kung kaya't hindi ko alam kung saan ako sasabay ngayong gabi" pamamaalam ng heneral sa dalaga, "Kasama ko ang aking ama dahil sa tahanan namin sya ngayon uuwi, ngunit maaari kang magpaalam sa kanya" sagot nya at pinipilit na huwag ngumiti napansin naman nito ni lina kaya mahina itong natawa, "Amarra halikana't mahaba pa ang ating lalakbayin" sabi ng ama ni amarra na nakadungaw sa bintana ng kalesa, kung kaya't nagbigay galang uli ang heneral at dalaga kila nikolas at adellina at sabay naglakad papalapit sa kalesang sinasakyan ng don, ilang minuto lamang ay sumakay na ang heneral sa kalesa at agad itong umalis.

Nakauwi narin ang pamilya Chavez sa kanilang tahanan at kanya kanyang nagtungo sa kanilang mga silid upang magpahinga, Napakalalim na ng gabi ang lahat ay natutulog na nguni't si lina ay hindi makatulog dahil naiisip nya parin at nalilito kung bakit sya binigyan ni Nikolas ng kwintas, bumangon sya sa kanyang kama patay na ang lahat ng kandila at gasera na nagbibigay liwanag sa kanyang silid, tanging buwan at ang mga bituin na lamang ang nagbibigay sa kanya ng liwanag, nakabukas pa ang dalawang bintana ng kanyang kwarto kaya damang dama nya ang lamig ng hangin na pumapasok sa kanyang silid, umupo sya sa upuan na malapit sa bintana, at muling napahawak sa kwintas na ibinigay ni kulas sa kanya, napatingala rin sya sa langit at pinagmasdan ng mabuti ang buwan at ang mga bituin at hindi na nya namalayang sya na pala ay nakangiti, "Ano ba itong aking nararamdaman tila para bang may gumagalaw sa aking tiyan" nagtatakang tanong ni lina sa kanyang sarili bumuntong hininga sya at muling tinignan ang buwan, ilang minuto pa ang lumipas ay napag desisyunan na ni lina na matulog dahil masyado nang malalim ang gabi.

Kinabukasan, madilim pa ang langit ngunit gising na gising na lahat ng tauhan sa mansyon ng pamilyang Chavez yung iba ay naghahanda na ng almusal at ang iba ay nagumpisa na magtrabaho sa bukid ang iba ay nagalmusal na muna sa kadahilanang kailangan pa nila hintayin ang sikat ng araw upang magawa ang kanilang trabaho, habang abala ang iba sa kanilang mga trabaho ay nagising na si adellina sa katok ni Belinda, "Binibining Adellina?kayo po ba ay gising na?" Tumayo na lamang si adellina sa kama at binuksan ang pintuan ng kanyang silid, "Kay aga mo naman ngayon linda, ano bang meron?" Pumasok si belinda na may hawak na tuwalyang puti "Kagabi po ay dumaan si Ginoong Nikolas upang anyayahan kang sumama sa kanya sa may plaza upang manood ng isang palabas sa teatro, hindi na nya kayo ginising dahil alam daw po nyang nagpapahinga na kayo, eto po pala ang sulat na pinabibigay nya sa akin" sagot ni belinda sabay abot ng isang maliit na sobre, bigla namang kumabog ang dibdib ni belinda at dahan dahang binuksan at binasa ang laman ng sulat

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon