Kabanata 6 (Kaarawan)

112 32 2
                                    

Ala-singko kinabukasan ay nagising na ang lahat ng kasambahay at ang mag inang si adellina at doña marnitta upang maaga makarating sa bayan ng makapili sila ng mga sariwang gulay at karne sakay ng isang kalesa papuntang daungan, kailangan nilang sumakay ng bangka upang makarating sa bayan, maraming ibabagsak na mga karne ngayon dahil sabado kung kaya't marami ang mamimili ngayon, unahan sa pagpili ng mga sariwang karne at gulay kaya ang iba ay talagang hindi pa sumisikat ang araw nagmamadali ang lahat upang makarating ng pamilihan, "Ina, dito na po ba iyon?bakit wala naman po akong nakikita na mga nagtitinda?" Ngunot noong tanong ni lina sa ina, napatingin rin si doña marnitta sa paligid na sya ring ipinagtaka nito, "Binibini, Doña Marnitta hindi pa po ito ang pamilihan at kailangan natin munang sumakay sa bangka upang makarating sa bayan" ngiting singit ni Belinda sa mag-ina na syang ikinagulat naman ni lina, tila kinabahan ito at unti unting namuo ang pawis, natawa naman si doña Marnitta nang makita ang reaksyon ng kanyang anak "Hija, mukhang ikaw ay kinakabahan...huwag kang magalala at kasama mo si ina hahahaha" natatawang banggit ng doña "At isa pa po binibini ay napakagaling na bangkero ang naninilbihan sa inyong pamilya, si mang kanor" ngiting dagdag ni belinda at pilit na ngumiti naman si lina at patuloy na kinabahan ang huling sakay nya kasi sa bangka noon sa Europa at muntikan na itong tumaob kung kaya't ipinangako nito sa kanyang sarili na hindi na muling sasampa na bangka ngunit napakasama nga ng tadhana at kailangan niyang sumakay upang makarating sa bayan at makabili ng regalong ihahandog nito kay nicolas na syang kaarawan nito ngayong araw, ilang minuto ang nakalipas ay tinawag na ng bangkero ang mag-ina at si belinda dahil handa na ang bangka na kanilang sasakyan, dahan dahang umakyat si belinda sa bangka, sinundan naman ito ni doña marnitta inalalayan ito ni belinda hanggang sa makaupo ito, "Binibining Adellina?halina't sumampa na po kayo upang tayo ay makaalis" ngiting banggit ni belinda nahalata narin ni belinda na kinakabahan si lina kung kaya't naisipan nitong lumundag lundag sa bangka na syang ikinagulat ni lina "B-Belinda?ano ba iyang ginagawa mo?" Takot na tanong ni lina "Kita nyo po ba binibini?matibay ang bangka at kahit anong talon ay hindi ito tumataob" sagot ni belinda at patuloy na tumalon-talon, natawa naman ang doña at bangkero sa inasal ni belinda, inalok ni belinda ang kamay sa dalaga upang alalayan itong sumampa sa bangka, nangingnig na sumampa si lina sa bangka at sa wakas ay nakaupo narin ito, at inumpisahan na ng bangkero paandarin ito, ilang minuto ang lumipas ay narating na nila ang bayan, nakaabang ang isang kalesa sa kanila sa pampang, "Mang kanor salamat po, kami po ay hintayin nyo na lamang dito" ngiting pasasalamat ni belinda, nagbigay galang na lamang si mang kanor sa Doña at sa dalawang binibini at muling sumampa sa bangka, "Aling Sol!nandito po kami" sigaw ni belinda at kumaway kaway pa sa may aling nakaupo sa kalayuan, napatingin rin ang magina, laking gulat ng mga ito na yung aleng tinawag ni belinda ay sumakay sa kabayo at pinaandar ang kalesa, talagang magugulat ang mga ito dahil ito ang kauna-unahang nakakita sila ng kalesa na ang nagpapaandar ay isang ginang kung titignan mo ay nasa edad 30 pataas ito, mabilis itong nakalapit sa kanila bumaba ito at nagbigay galang sa mag-ina "Magandang umaga señora at binibining adellina, marahil kayo ay nagtataka na ako na isang babae ay nagpapaandar ng isang kalesa" ngiting sabi nito natawa naman ang doña at si belinda "Siya po si Aling sol, kinikilala po sya ng nakararami dito sa pagpapaandar ng isang kalesa kahit sya ay isang babae" pagpapaliwanag ni belinda, tumango na lamang ang magina at ngumiti, pagka tapos magusap ay sumakay na ang tatlo sa loob at ilang minuto ang nakalipas ay nakarating sila ng pamilihan, alas singko-trenta na ng umaga kung kaya't unti unti nang umaakyat ang araw na syang nagbibigay liwanag, parami ng parami narin ang mga tao kung kaya't umiingay narin ang paligid, nagpresinta ang doña na si aling sol na lamang ang isasama nya upang makabili ng mga karne at gulay, si belinda naman ay sasamahan si lina upang makahanap ng ireregalo kay nikolas, simpleng dilaw na saya ang suot ng dalaga na nabuburdahan ng mga bulaklak, puting baro at dilaw na pañeta, isinisigaw ng suot nitong kwintas at payneta sa ulo ang karangyaan, samantalang puting baro't saya naman ang kay belinda na syang napansin ni adellina, inumpisahan nilang maglakad lakad, hindi parin alam ni adellina kung anong ireregalo nito kay nikolas kung kaya't tinanong nito si belinda "Linda?ano kaya ang maaari kong maibigay kay nikolas?" Tanong ni lina kay belinda, "Kayo po ang bahalang pumili binibini, wala sa laki o liit at mahal o mura ang isang bagay ang mahalaga ay ibibigay ito ng bukall sa puso" masayang sagot naman ni linda, ilang minuto lamang ay narating nila ang tindahan ng alahas ni Don Facundo, isa sa pinaka-asensong tao sa bayan nagmamayari ito ng 10 tindahan ng mga alahas, 4 ay nasa batanggas, 3 ay nasa cavite at ang 3 naman ay nasa laguna nasa labas ay may dalawang gwardiya sibil sa magkabilang gilid, ito ay upang mabantayan ang tindahan sa mga taong nais nakawin ang mga alahas, ang tindahan na ito ay nakatayo sa pinakadulo at tanging mga mayayaman at may kaya ang mga namimili rito, bukod sa mga alahas ay mayroon ring mga damit, sapatos at palamuti sa buhok at kolorete sa mukha ang mga produktong ito ay galing pa sa mga sikat na tindahan sa Europa, patuloy lang sila sa pagpasok ng makita ni adellina ang isang kulay itim sa pulseras,

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon