[This chapter was dedicated to Ms. @Truth_Nostalgia ]
Kinabukasan,
Ala-sais pa lamang ay naka ayos na si Adellina upang kumain ng almusal, gusto nya bago makarating si belind ay ayos na siya dahil gusto niyang hindi na siya pag silbihan pa ni belinda, nagusap naman na ito na di na kailangan dahil kapatid na ang turing nito kay belinda ngunit ayaw isantabi ni belinda ang kanyang paninilbihan sa dalaga, "Magandang Umaga ate lina!" Masayang bati ni adellina at kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat dahil tinawag siya ni belinda na ate at hindi na masyadong pormal, "A-Ate? Ano nga uli iyong belinda? Tama ba ang aking pagkakadinig?" Siniguradong tanong ng dalaga dahil hindi ito makapaniwala sa narinig nya kay belinda, "Magandang Umaga sa aking pinaka-magandang ate lina!" Paguulit ni belinda, niyakap ni adellina ng mahigpit si linda sa tuwa "Napaka-saya ko ngayon linda! Ito ang unang nakarinig ako na may nagtawag sa akin na ate!" Naluluhang sabi ni lina kay linda yumakap naman pabalik si linda kay lina at mahigpit din ito, "Simula po ngayon, ate na ang itatawag ko sayo ate lina" paguulit pa uli ni belinda, "Tara na linda at tayo ay mag agahan na lalamig ang pandesal hahahaha" pagyaya ni adellina sa kanyang kapatid hindi man sa dugo ngunit sa puso, "Halina ate at mag agahan kana, masarap ang mantekilya ngayon gawa ito ni ama pati narin ang pandesal" ang ama ni belinda ay nagmamay-ari ng panaderya sa kanilang lugar kilala ito sa pagluluto ng pinakamasarap na pandesal, ng makababa sila ay agad na naamoy ni lina ang bago ng pandesal, maagang umalis ang mag asawang chavez dahil may kailangan itong asikasuhin sa kabilang bayan, sa kabite. Pinaupo narin ni adellina si linda at kinuha ang isang pandesal nilagyan ito ni lina ng mantekilya at inilagay sa plato ni linda, "Ako ay natutuwang pagsilbihan ka bilang isang ate linda, kainin mo na iyan" sambit ni lina at masayang pinagmasdan si linda na kinakain ang pandesal, "N-Nakakahiya na ate lina sobra na po ito, ako ang dapat gumagawa nito sayo" nahiyang sabi ni linda at tumawa naman si lina "Huwag kang mahiya aking kapatid, masaya akong ginagawa ito sa iyo, simula ngayon ay ganto na ang ating gagawin kapag almusal" ngiting sagot ni lina at pinalamanan pa uli ng mantekilya ang iba pang pandesal, "Alam mo bang mahilig ako sa tinapay na maraming mantekilya lalo na't kapag mainit ito?" Pagkwento ni lina at "Ako rin ate! Aking hilig kumain ng tinapay na may mantekilya lalo na kapag hapon lagi akong nilulutuan ni itay ng tinapay" sagot naman ni linda natuwa naman si lina dahil may pagkaka-pareho sila pagdating sa pagkain, masayang nag agahan ang dalawa bago bumalik sa silid ni lina, "Halika pumasok ka dito belinda may ibibigay ako sa iyo" paganyaya ni lina kay linda na pumasok sila sa silid aklatan, "Napakaraming libro ate, hilig mo rin ba ang pagbabasa?" Tanong ni linda, kinuha naman ni adellina ang isang libro at iniabot ito kay belinda "Bata pa lamang ako ay mahilig na akong magbasa aking nararamdaman kasi na ako ay nasa loob ng libro kapag ako ay nagbabasa" sagot ng dalaga, "Binibining adellina nasa baba po ang heneral pinapatawag po kayo" pagtawag ng isang babae sa labas ng silid at agad namang binaba ng mga dalaga,
"Heneral, magandang umaga! Ano ang ipinunta mo dito?" Pagbati at nalilitong tanong ni lina, "Ako'y nagpadala na ng liham kay amarra at mamaya nais kong linawin sa kanya lahat at ituloy na ang ating plano" pagpapaliwanag ng heneral agad namang ipinaasikaso ni lina ang heneral at gulat silang dumating din si Nikolas ng may dalang prutas, nagtinginan si Arman at belinda at patagong kinilig, agad din silang bumati sa kakarating lang na si Nikolas "Nako nikolas nag abala ka pang dalhan ako ng prutas" pagbibiro ng heneral at nagtangkang kunin ang buslo na naglalaman ng iba't- prutas, agad namang iniwas ni nikolas ang buslo at sabay sabay silang nagtawanan dahil tangka parin itong kukunin ng heneral,
[Flashback 12 years ago]
"Linang halika't tikman mo itong mansanas na galing pang maynila, nung nakita ko ito ay ikaw agad ang naalala ko dahil alam kong paborito mo ito" sambit ni nikolas at hinati ang mansanas at ibinigay ito kay adellina, "Salamat nikolas! Tama ka paborito ko nga ito tamang tama ngayong may sakit ako" bumisita kasi si nikolas ng nalaman niyang may sakit si adellina agad itong bumyahe pa batanggas upang malaman ang lagay ng kanyang kaibigan, "Ubusin mo lahat ng iyan madami akong pinabili kay ama aking ibinigay na sa kanya" turo naman ni nikolas sa isang kasambahay, lalong natuwa si lina at kinain ang mansanas... "Masaya akong makita kang masaya..." Pabulong na sambit ni nikolas.
[End of flashback]
Sakay ng kalesa ay nagtungo ang apat sa may baybayin na malapit sa mansyon ng mga Natividad, pagmamay-ari rin nila ang dagat na kanilang pupuntahan pagkababa nila ay namangha si adellina sa kanyang nakita, maputing buhangin na kanyang tinatapakan, asul at malinis na tubig at tila maraming puno ang nakapaligid lumakad siya sa may puno na may duyan at naupo doon agad syang napapikit at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin at pinabayaang gumalaw ang duyan na kanyang inupuan, napadilat siya ng may nagsalita sa kanyang likod, "Ang ganda ng paligid? At mas lalo pa itong gumanda dahil andito ka, tila mas lumiwanag pa kapag nakikita kita" sambit ni nikolas at diretso nakatingin sa duyan na sinasakyan ng dalaga, hindi man lingunin ni adellina ay alam nyang si nikolas ang nagsasalita pumikit uli siya ng marahan at patuloy na nilanghap ang sariwang hangin, "Madaming ganto sa europa ngunit iba talaga kapag sa mismong bayan mo ito nakikita, nawa'y ang mga kabataan sa susunod pang henerasyon ay hindi ito pabayaan" pagsasalita ng dalaga at tumingin kay nikolas, biglang may malakas na hangin ang dumating at dahil nakalugay ang buhok ng dalaga ay kasabay itong nilipad ng hangin ngunit hindi nito natakpan ang mukha ng dalaga ngumiti ito kay nikolas at ngumiti rin pabalik si nikolas at ang ibang talutot ng rosas na hawak ni belinda dahil kanilang inaasikaso na ang mga plano para sa paghingi ng kamay ng heneral kay amarra upang ligawan ito, patuloy ang paghampas ng hangin sa buong paligid at ang magandang ritmo ng hampas ng tubig sa dalampasigan tila ba bumagal uli ang oras para sa dalawa at agad na binigay ni nikolas ang isang pulang rosas kay adellina, "Salamat sa pagpapaligaya sa akin kahit di mo alam" bulong na sabi ng binata, kinuha naman ng dalaga ang rosas hindi nya alam kung akong nangyayari tila lumakas ang tibok ng kanyang puso ni di siya makagalaw o makapag salita, "Nais ko sanang sabihin na gu-" naputol ang sasabihin ng binata na biglang dumating si Angelo ang kanyang kutsero, "Nikolas kailangan mong magpunta ng bayan kailangan ka ni kuya pabling nagkakagulo sa panaderya" nagmamadaling sabi ng kutsero at agad namang tumakbo papuntang kalesa si nikolas ng di nagpapaalam kay adellina at kahit kay belinda at sa heneral, naiwang naguguluhan ang utak ng dalaga kung anong meron at kung anong nais sabihin ni nikolas sa kanya, natauhan sya ng may kumalabit sa kanya, "Ate lina ano ang eksena nyong yon ni ginoong kulas?at bakit may pabulaklak?" Nagtatakang tanong ni belinda at umarteng nagiisip, natawa naman si lina at sinabi nalang na "Bawal bang bigyan ng rosas ang isang kaibigan" pagdadahilan na lamang ni adellina at nag buntong hininga, inisip na kung tama ba ang naiisip nya na, gusto na siya ng kanyang matalik na kaibigan.
Pumunta sila sa pwesto ng heneral at patuloy ang preperasyon para mamayang ala-sais ng hapon ang paglubog ng araw.
Ano nga ba ang dapat na sasabihin ni nikolas sa kanyang kaibigan na si adellina?at magiging matagumpay ba ang sorpresa ng heneral kay amarra? Abangan sa susunod na kabanata!
Maraming salamat rubbys!! Mahal ko kayo.
Tandaan:
Talutot ang ibig sabihin ay petals sa ingles-------------------------------------
Chapter 11, 5:10 am.

BINABASA MO ANG
Alaala
Historical FictionSabi nila masarap daw gumawa ng masayang alaala kasama ang mga taong malapit sayo. Lalo na ang pamilya, kaibigan o kahit sino sa mga mahal mo sa buhay,ngunit paano kung mawala lahat ng alaala na meron ka dahil sa isang malagim na trahedya?Ano ang iy...