Kabanata 4

117 34 1
                                    

"Binibining Adellina?ikaw na ay gising na?nakahanda na po ang almusal sa ibaba, hinahanap na po kayo ng Don" nagising ako ng may kumatok sa aking pinto bumangon naman ako at "Sino iyan?pasensya na at ako'y kakagising lang" sagot ko naman "Binibini?maaari bang pumasok?lilinisin ko ang inyong silid" tanong pa nito sa akin "Maari kanang pumasok" pagpayag ko at gulat na napatingin sa kanya maganda sya at malinis tingnan ang damit mapula ang labi at pisngi at ng ngumiti ito ay lumabas ang dalawang biloy sa magkabilang gilid ng pisngi "Teka binibini?ilang taon kana?" Tanong ko nangunot naman ang kanyang noo pero ngumiti uli ito "Ako po ay labing-pitong gulang Binibini, bakit nyo po naitanong?" Nahihiyang tanong nya "Wala naman akala ko kasi Labing-limang taong gulang ka palang hahahaha" sagot ko at natawa naman sya "Kayo talaga Binibini kay aga mo pong magbiro, sige na po magayos na po kayo dahil mag-aagahan na po kayo-" sambit nito pero "Nag-agahan kana ba?" Tanong ko naman sa kanya ng nakangiti "Kumain po ako ng 2 p-andesal kaninang umaga b-inibini" naiilang na sagot nya "Hindi sapat ang 2 maliit na tinapay para ikaw ay mabusog, halika't sumabay ka sa akin na kumain, ano nga pala ang iyong ngalan? Pagaanyaya ko at pagtatanong ko " A-Ako po si B-belina binibini, at a-ayos lang po ako binibini wag nyo po akong alalahanin, mag-ayos kana p-po para makapag-agahan na po kayo" nahihiyang pagtanggi nito pero syempre ay hindi ako papatalo "Hindi ako bababa ng hindi ka kasama Belinda, Halina't sumama kana para makakain na tayo" pagpupumilit ko pa pero nginitian nya ko "Nakakahiya B-Binibini ayos lang naman po a-ako pero sige po sasabay na po ako, s-salamat Binibining Adellina" at yumuko ito sa akin "Haynako Belinda Lina na lamang ang itawag mo sakin dahil hindi naman nagkakalayo ang ating edad ako ay Dalawamput-dalawang taong gulang pa lamang, halika na't bumaba na tayo" wala syang nagawa kundi ang sumama sa akin.

Pagkababa ko ay hindi ko nakita sila Ama at ina nasaan kaya sila? "Binibining Adellina?pasensya na po at umalis ang Don at Señora may pupuntahan daw po silang importante at hindi kana nahintay pa" sabi ng isang ale na sumalubong sa amin "Aling Nena?saan po ang punta nila?" Tanong ni Belinda "Hindi ko alam belinda basta sila ay nagmamadali" sagot naman nito kay belinda "Halina't mag-agahan na tayo binibini baka ikaw ay nagugutom na" lumapit sya sa lamesa at gulat ako ng hilahin nya ang isang upuan at sinasabing umupo ako doon, belinda talaga masyadong magalang "Ako na dapat Belinda hahaha pero salamat umupo kana rin, Aling Nena sumabay narin po kayo halina't mag-umagahan" paganyaya ko sa kanila natakam naman ako na nakita ang nakahain sa lamesa patuloy parin sa paninilbi si Belinda pero sinabi kong kaya ko na, May gatas, pandesal mantekilya, at may mga prutas at karne, tinignan ko naman si Belinda na sarap na sarap sa kinakain nya at nginitian ko siya nahiya naman sya haha "Huwag kang mahihiya Belinda kain lang ng kain o eto gatas masarap iyan" sabi ko at nilagyan ang kanyang baso ng gatas "Maraming S-Salamat Binibini ngayon lamang ako nakakain ng ganitong almusal" nahihiyang pagpapasalamat nya naawa naman ako dahil siguro ay hindi nila nakakaya ang ganitong karami na almusal dahil sa may karne at prutas pa kadalasang kinakain lamang ito palagi ng mga may kaya sa buhay, "Ano ka ba belinda wala to hahaha at kung gusto mo ay palagi tayong sabay nang kakain sa umaga" sambit ko pa at nakita ko ang saya sa kanyang mga mata at napansin kong nakaramdam din sya ng hiya, ngitian ko na lamang sya at tinapos ang pagkain "Belinda?Maaari mo ba akong samahan na maglibot sa buong hacienda?" Aking pagtatanong sa kanya kahit na medyo pagod pa ang aking katawan dahil sa napakahabang paglalakbay namin patungo dito. "Kaya niyo na po ba Binibini?maaari po bang ipagbukas na iyan?sapagkat baka mabigla ang iyong katawan dahil hindi pa po kayo nakakapagpahinga ng mahaba" nagaalalang sagot naman nya "Kami ay sumakay ng barko papunta dito Belinda at hindi naglakad kung kaya't hindi naman ako napagod dahil nakaupo lamang ako at nakahiga sa buong paglalakbay" pagbibiro ko pa na siyang nagpabungisngis sa mga nakarinig sa paligid namin "naku po!hahaha napakalaki po ng hacienda nyo binibini at baka hindi natin kayaning libutin ng isang ara- ah!alam ko na!gusto nyo po bang magmuni-muni sa hardin?magdadala po ako ng mga prutas!" Masayang pagyayaya nito at agad naman akong pumayag dahil sa hardin ang pinakapaborito ko, kahit saan mang lugar ako mapadpad ay kapag hardin ang paguusapan sadyang napapapayag ako "Mamayang Alas-tres na lamang belinda kung iyan ang iyong nais upang hindi masakit sa balat ang sinag ng araw" at kailangan ko rin palang magpaalam kila ama at ina upang hindi nila ako hanapin kung sakaling maaga at mabilis lamang ang lakad nila "Opo binibini!aking sasabihan ni Mang Alfredo na syang tagapangalaga ng hardin na mag-ayos at maglinis upang makapaglatag tayo ng sapin sa tabi ng puno ng Narra" at nagbigay ito ng galang sa akin at umalis tapos narin kaming kumain kung kaya ay aakyat ng muli ako sa aking silid upang magburda o magbasa uli ng libro "Aling linda?pakisabi nalang po kay Belinda na tawagin na lamang ako sa aking silid, ako po ay papanhik na pataas" ngiting pamamaalam ko kay aling linda sumagot na lamang ito ng 'sige binibini' at nginitian ako.

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon