(Nikolas POV)
Agad agad akong umalis ng marinig ko ang isang masamang balita sa aking kutsero na si angelo, hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin kay adellina at mas importanteng makarating agad ako sa bayan, ilang minuto lamang ay nakarating agad ako sa bayan at nakikita ko ang unting-unti nasusunog ang panaderya ni Mang pabling kaliwa't kanan na iyakan ang aking naririnig dahil madaming kabahayan na katabi nito na natupok din ng apoy, "kulas buti na lamang ay andito ka, tulungan mo kaming maapula ang apoy" mangiyak ngiyak na sabi ni mang pabling "Huwag po kayo mag-alala parating na ang tulong, Angelo tumawag kapa ng ibang tauhan upang mapatay na ang apoy" nag-aalalang utos ko. Makalipas ang mahigit isang oras ay nawala narin ang apoy. Agad bumungad sa kanila ang mga bahay na sira sira na at natupok na ng apoy, mga batang nag-iiyakan, mga matatandang hindi alam kung paano hihingi ng tulong. Agad naman akong naawa at gumawa ng solusyon para dito.
"Mga kaibigan, ako si nikolas na nangangakong magbibigay ng tulong sa inyo, maari lamang kayong pumunta sa aming tahanan at bukas ito para sa inyo" tila pinapalakas ko ang loob nila, napamahal na ako sa mga tao dito kung kaya't hindi ko kayang makita sila na nagdurusa, bakas naman sa mga ngiti nila na napagaan ko ang loob nila dahil sa aking planong tulungan sila, narinig ko narin ang mga kanya kanyang usapan
"Napaka-bait talaga ni kulas"
"Alam kong sya ang makakatulong satin"
"Tama talaga ang pagpapalaki sa kanya ng don"
Agad akong napangiti sa kanilang mga sinasabi. Tama kayo, tama ang pagpapalaki sakin ng aking mga magulang, nawa'y magsilbi akong inspirasyon sa mga kabataan.Ilang oras din ay napagdesisyonan ko ng umuwi dahil ipaparating ko pa kila ama ang balita.
(Adellina P.O.V)
Ilang minuto na pagkawala ni Nikolas ay dumating din si amarra, nung ako'y nakita ng aking pinsan ay akma sana itong aalis ngunit hinabol ko sya "Marra? Maari bang pagbigyan mo kaming magpaliwanag?" Pagpipigil ko sa kanya agad naman niyang binawi ang kamay nya "wala na dapat tayong pagusapan lina, nakita ko na ang lahat. Kinamumuhian kita" mangiyak ngiyak na sabi ng aking pinsan, alam kong hindi naman totoo ang kanyang naiisip ngunit ako'y nasaktan sa kanyang mga sinabi nung makita na ni arman na hindi na maganda ang pag-uusap namin ay lumapit na sya "Lina? Ako na ang bahalang magpaliwanag at kumausap sa kanya" singit ni arman at naintindihan ko naman ang kanyang sinabi at lumayo layo sa kanila. Naririnig ko parin ang kanilang usapan dahil hindi naman ganoong kalayo ang pwesto ko.
"Ano paba ang dapat kong marinig arman?" Mangiyak ngiyak na tugon ng aking pinsan, hindi muna nagsalita si arman dahil dama nya rin ang galit ni marra, "Isa lang ang gusto kong malaman mo... Gusto kita amarra" sa wakas ay nasabi din ni arman ang kanyang nararamdaman, nakita ko naman ang gulat sa mga mata ni amarra at naguguluhan parin ito "Ano ang iyong sinabi? Paano kayo ng aking pinsan? Kami ba ay iyong pinagsasabay?" Inis na tanong ni amarra. "Ang bulaklak na nakita mong hawak nya... Ang totoo non ay para sa iyo ang bulaklak na yon" diretsong sabi ni arman, nalilito parin ang aking pinsan sa mga sinasabi ni arman, "Ikaw ang gusto ko amarra, hindi si lina. Ikaw." Pagdidiin ni arman agad namang humangin sa paligid at nagliparan na ang mga talutot ng rosas, masaya akong nanonood sa kanila. Iniabot ni arman ang bulaklak sa aking pinsan at sa wakas ay naiintindihan ni amarra ang mga nangyayari, "Patawad sa aking mga sinabi arman, patawad dahil pinag-isipan kita ng masama" hiyang paghingi ng tawad ni marra at yumakap ito kay arman "gusto din kita... Matagal na kaya noong nakita ko kayo ni adellina ay kung ano ano na ang inisip ko" tuloy na pagpapaliwanag ni amarra. Hindi na ko nakapag hintay at lumapit narin ako "Oh ano amarra?galit kapa ba samin? Huwag kang mag-alala di ako magtatampo sa iyo hahahaha" pagsingit ko at agad yumakap din sakin si marra "patawad lina at hindi ako nakinig sayo" paghingi rin nito sakin ng tawad, "Ang mahalaga ay ayos na, at nagkakaintindihan na" masayang sabi ko "Masaya ako para sa inyo, arman ikaw ay manligaw muna di porket gusto nyo ang isa't isa ay kayo na agad, marami kapang pagsubok na dadaanan" pananakot ko kay arman at tumawa naman kami ni amarra, alam ni arman kung gaano kahigpit at nakakatakot ang ama ni amarra hahahahaha lagot ka ngayon, "Oh edi paano ba'yan heneral? Kailangan na naming umuwi ng aking pinsan? Ikaw ay namumuro na" pang-aasar ko pa dito. "5 minuto pa binibining adellina, may ibibigay pa akong regalo kay amarra" pakikiusap ni arman sa akin, pumayag naman ako dahil ako ay pinsan lamang at ayokong umastang parang ako ang nagsilang kay amarra. Ilang minuto ang lumipas nakangiting patungo sakin si marra habang hawak nito ang kwintas na nakasukbit sa kanyang leeg, gawa ito sa kahoy na may nakasulat na 'Marra 🌻' nagkunwaring ako ay nagagalit "sakay na amarra at tigilan mo na kakatitig jan sa kwintas at baka iyan ay matunaw" pagbibiro ko at binuksan ang kurtina ng kalesa at sumakay narin ito.
Ng makauwi na kami ay nakita ko ang aking ama na paalis, ganitong oras? Saan kaya sya pupunta? "Adellina? Anjan kana pala ako ay tutungo sa bahay ng mga Velozo at andon daw lahat ng mga taong nasunugan ng tahanan sa bayan kaninang hapon" sambit ni ama, hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman ng narinig ko ang 'Velozo' si nikolas agad ang pumasok sa aking isip, ngunit pinigilan ko ito at tsaka ko napagtanto na 'nasun- ano? Nasunugan?' "Ama, maari po ba akong sumama?" Tumango lamang ang aking ama at sumenyas na sumunod sa kanya. Mahigit 30 minutos din ang aming byahe patungo sa bahay nila nikolas at nakikita ko sa daan ang mga bata't matanda na naglalakad patungo sa bahay ng mga Velozo. Natatanaw ko na ang liwanag ng mansion nila.
"Magandang gabi don julio, binibining adellina" pabungad na bati ni don Solomon at bumati din kami sa kanila pabalik, nakita ko kung gaano kadaming tao ang nawalan ng tirahan at gusto kong makatulong "Ama! Tutungo muna ako sa kanila at tutulong mamigay ng makakain at maiinom" pag papaalam ko kay ama "Tamang tama adellina, andoon si nikolas maari mo syang tulungan" sambit ni Don Solomon agad namang bumilis ang tibok ng aking puso... Bakit? Bakit ko ito nararamdaman "a-ah sige p-po don s-solomon tutungo na po ako don, ama dito n-na po ako" utal na sabi ko bago umalis. Ilang hakbang ko pa nga lang ay nakikita ko na si nikolas nakangiting namimigay ng mga pangangailangan ng mga nasunugan. Ako'y diretsong nakatingin sa kanya ng.... Tumingin sya sa akin biglang nanlaki ang aking mga mata at tila bumagal na naman ang ikot ng mundo...
~Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hanging
Tangayin ang salita
'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala
'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin
Bakit laging ganito?
Kailangang magka-ilangan
Ako ay nalilito, ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh, ooh~Lumakad si nikolas papalapit sa akin na nakangiti, bakit sa tuwing nakikita kong nakangiti sya sa akin ay para bang ako ay nasa ibabaw ng mga ulap? Na para siyang isang anghel na umaawit sa akin...
~Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin
Subukan ang manalangin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Baka bukas, ika'y akin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin
Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin~Isa lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang binatang nasa harapan ko ngayon ay ang nagsisilbing buwan na nagbibigay ng liwanag sakin ngayon, kung darating man ang dilim sa buhay ko ay isang ngiti nya lang ay mapapawi lahat ng lungkot ko. Pag-ibig na nga ba ito? Gusto ko na sya. Gusto ko si nikolas.
Music played: ( pagtingin by ben&ben)
___________________________________
Kabanata 12 3:25 am
_______________________________Magkita kita ulit tayo sa susunod na kabanata <3
BINABASA MO ANG
Alaala
Historical FictionSabi nila masarap daw gumawa ng masayang alaala kasama ang mga taong malapit sayo. Lalo na ang pamilya, kaibigan o kahit sino sa mga mahal mo sa buhay,ngunit paano kung mawala lahat ng alaala na meron ka dahil sa isang malagim na trahedya?Ano ang iy...