"Amarra?ano ang iyong ginagawa diyan?" Bulong ko sa aking sarili at sa di inaasahan ay narinig parin nila ito,
"Amarra binibini?"
"Ano iyon ulit?"
Sabay nilang sabi at napatingin din sila sa balkonaheng aking tinitignan.
"Adellina!ikaw ay nariyan pala" sigaw ni mara at pilit akong nginitian, "Binibini ako'y hintayin mo riyan, at ikaw ay aking susunduin" sigaw naman ni Belinda at sumenyas na maghintay, tumakbo si belinda sa loob ng bahay at sa aking pagtingin sa balkonahe ay wala na roon si mara, marahil ay kanyang sasalubungin si belinda, ilang minuto lamang ay natanaw na namin ang paparating sa si Amarra at Belinda, aking sinulyapan si Armando na siyang nababalisa ngayon, at ayon ako ay natawa, napatigil ako ng biglang may umubo sa aking gilid, si amarra.
"Andito ka pala lina, bakit hindi mo ako sinabihan?" Tanong ni amarra, humarap naman ako sa kanya, bakit nakakunot ang kanyang noo? "Ah ano kasi, biglaan lang ito mara ako'y inip na inip na sa aking silid kung kaya't hindi kita nasabihan" pagpapaliwanag ko itinuon niya ang kanyang tingin kay Mando "Kung gayon, ang lang ba ang naanyayahan mong sumama sayo?" Ano bang nangyayari sa kanya?mukhang mainit ang kanyang ulo?may nangyari kaya sa kanya? "A-Ahm, Binibining Amarra Magandang h-hapon" biglaang pagbati ni mando at hinalikan ang kamay ni mara, aking tiningnan muli si mara, kunot-noo akong nagtaka, ang kaninang nakabusangot na mukha niya, ay siyang iba ang ngiti ngayon, "Magandang hapon rin sa iyo Heneral ganoon rin sayo lina at linda" ngiting sambit pa nito aking niyaya siya at pinaupo muli ang lahat sa banig, "Ano nga pala ang iyong ginagawa sa aking balkonahe mara?" Nagtatakang tanong ko, bumuntong hininga naman siya at sinabing "Ikaw ay yayayain ko sanang magpunta sa sapa doon sa kabilang barangay lamang" ngiting sabi nito at humawak sa aking kamay,
"Pasensiya ka na aking pinsan, ngunit hindi na muna ako maaaring lumayo" pagpapaumanhin ko, gaya nga ng sabi ni belinda ay kailangan ko munang magpahinga,at isa pa ay sayang naman itong inihanda nya kung ito'y iiwan ko lamang "Ayos lang yon lina ako'y uuwi na lamang at babalik na lamang bukas" at pilit itong ngumiti sa akin, baka ito'y magtampo pasensya kana amarra, bukas na lamang kita sasamahan "Ngunit mara, upang di masayang ang pagpunta mo dito ay halika, maupo ka at samahan kaming magmuni muni" ngiting sabi ko, ngunit bumuntong hininga ito at "Ayos lamang iyon mara, ako'y uuwi na lamang at baka maistorbo kita" natatawang sabi nito at iniyuko ang ulo
"Talaga bang ayaw mo kaming samahan?kami ay mas sasaya kung ikaw ay sasama" ngiting sabi ko at umiling ang aking pinsan "ayos lang iyon lina, ako ay uuwi na lamang dahil ako ay may nakalimutang gawin" sagot nito sa akin "O'siya, lina, linda at Heneral ako ay lilisan na, nagagalak akong makita kayo" ngiting pamamaalam nito at siya ay tumalikod na sa amin ng nagsalita ang heneral "B-Binibing Mara, ikaw ay aking ihahatid na, l-lina ako ay aalis narin dahil ako ay pupunta ng bayan mamayang gabi dahil may dadaluhan rin akong misa" pagsingit ng heneral agad namang namula ang aming mga pisnge, napahagikgik naman si belinda at buti na lamang nakatalikod ai amarra kung kaya't di nya kami nakikita ng humarap naman si mara ay ngumiti kayo "Ayos lang heneral, magiingat kayo ni mara at sana'y makarating kayo sa inyong mga pupuntahan" ngiting sabi ko at pinilit na huwag humagikgik nagbigay galang rin ako sa heneral at gumilid para siya ay makadaan, at nagulat na lamang kami sa sumunod na pangyayari, inalok ng heneral ang kanyang kamay sa dalaga, dahil mabato ang daan at maputik baka ito ay madulas na naman, nagtagal bago inihawak ng aking pinsan ang kamay nya sa kamay ng heneral, at mabilis na nakarating sa kalesa na pagmamay-ari ng heneral marahil ihahatid nya mismo ang aking pinsan, nang tumingin ako kay belinda ay pulang pula na ang pisnge at parang habang ang mga kamay ay nasa kanyang pisngi, ng tumingin ako sa balkonahe nila ina ay nakita ko itong nakangiti sakin, ito ay nagsasalita ngunit hindi ko naririnig na si ama pala ang kanyang kausap tinanaw rin ako nito mula sa balkonahe at isinenyas na magpunta ako sa kanila, tinignan ko naman sa belinda na ngayo'y nakayuko na, "Belinda, pasensya kana ngunit ako ay tinatawag ni ama maiwan na muna kita rito" ngiting sabi ko sa kanya at tinignan akong nakatingin "Ayos lang binibini, kayo ay pumanhik na pataas dahil tawag na kayo ng don" ngiting sabi nito "hindi na po kita masa-samahan Binibini dahil aking liligpitin ang mga ito" dagdag pa nya at itinuro ang kanyang mga inihanda, para tuloy akong dahil hindi namin nagalaw ang ibang pagkain "Pasensya kana talaga linda, ikaw ay magpatulong na lamang" ngiting sabi ko pa at pumanhik na pataas."Ama, Ina andito na po ako" ngiting sabi ng dalaga at yumakap sa ama't ina "Ikaw ba ay natuwa sa inyong ginawa ni belinda?maupo kana muna" ngiting tanong ng don at naupo sila sa paikot na upuan at may bilog na lamesa sa harap "Bukas ay kaarawan ni Nicolas, ikaw ba ay may maiiregalo na sa iyong kaibigan amarra?" Tanong ng doña sa anak na syang kinagulat nito, marahil ay nakalimutan nya ang araw ng kapanganakan ng kaibigan "I-Ina aking nakaligtaan ang kaarawan ni nikolas kung kaya't wala pa po akong regalo na maiibigay" pagpapasensya nito "Ayos lamang iyon anak, bukas ng umaga ay magtutungo ako sa kabilang bayan kung kaya't ikaw ay aking isasama" ngiting sabi ng ina nito at humawak sa kamay ng dalaga "Tama ang iyong naisip marnitta, isama mo iyang si amarra dahil sya ay tumatanda na at kailangan ng matuto hahahaha" patawang sabi ng don at tumayo sa kanyang upuan "Ama, hindi pa po mangyayari iyan tsaka ina sang-ayon po ako sa inyong sinabi upang makapili ako" ngiting sabi ni amarra at muling tumingin sa ama "O'siya, bumalik kana muli sa iyong silid dahil maaga kayong aalis bukas ng iyong ina" masayang sabi ng don, nagalak naman si adellina sa mga mangyayari "Bago magbukang liwayway ay nararapat na nasa bayan na tayo upang sariwa ang makuha kong gulay at karne" dagdag pa ng señora.
Mabilis na lumipas ang hapon at nakapaghapunan narin ang pamilya Chavez, nagpunta na sa kanya kanyang silid upang makapag-pahinga at matulog dahil maaga pa gagayak ang mag-ina kinabukasan.
---------------------------------
Chapter 5
10:03pmThanks for readingg rubbyssss!
Sorryyy for thee slow update, busy kasi sa modules,Love y'all!
BINABASA MO ANG
Alaala
Historical FictionSabi nila masarap daw gumawa ng masayang alaala kasama ang mga taong malapit sayo. Lalo na ang pamilya, kaibigan o kahit sino sa mga mahal mo sa buhay,ngunit paano kung mawala lahat ng alaala na meron ka dahil sa isang malagim na trahedya?Ano ang iy...