Kabanata 3

120 34 3
                                    

(Nikolas POV)

Mukha yatang ako ay naliligaw, unti-unting nawawala ang ingay sa aking pandinig halatang nakakalayo na sa maraming tao, di ko na talaga kaya!asan ba kasi ang palikuran?napakalaking bahay ngunit ilan lamang ata ang palikuran?tumingin ako sa aking paligid at matiyempuhan ang isang babae na siguro ay isang serbadora agad ko itong nilapitan at "Magandang gabi ale, nais ko sanang malaman kung nasaan ang palikuran?" Tanong ko dito "Mukhang naliligaw kayo ginoo, ang daan na ito ay papunta ng kuwadra andun ang palikuran sa kabila may makikita kang hagdanan pataas at nasa bungad niyon ang palikuran, ayun ang mas malapit na palikuran" sagot nito "Maraming salamat ale!ingat ka" sabi ko at paika ikang tumakbo pabalik at yun nakita ko ang hagdanan na sinasabi nya sakto lamang ang liwanag dito upang makita ang dadaanan umakyat ako nang makita ang isang pintuan akin binuksan iyon at sa wakas ay ayun na na nga ang aking hinahanap, aking nilabas na ang sama ng loob at lumabas na pagkababa ko ng hagdan ay may nakita akong isang babae na nakatayo ngunit nakatalikod iyon "hmmm, hmm hahhh hmm" mukhang siya ay nagmumuni muni napakagandang tinig, lumapit ako sa kanya ngunit patuloy lang ang pag himig nito sumipol ang malakas na hangin at gulat akong napatingin sa aking ibaba kami ay napapaligiran ng santan!at mga puno sa gilid ay may nakita akong maliit na upuan at nakasilong iyon sa isang malaking puno kakamadali ko siguro kanina ay hindi ko ito napansin tanging liwanag ng mga buwan at bituwin sa langit ang nagsisilbi naming ilaw, ako'y napatitig lamang sa kanyang likod at napansin ang kanyang puyod na ang disenyo ay bulaklak, ako'y nagulat ng nagsalita ito "ikaw ba ay mananatiling tahimik diyan?, bakit hindi ka nagsasalita?" Sambit nito at siyang humarap sa akin,tila ako ay hindi makapaniwala at hindi makagalaw ang pumasok lamang sa aking isipan ay 'napakaganda nya' iniling ko ang aking ulo at " Paumanhin Binibining Adellina, ikaw pala iyan ano ang iyong ginagawa dito?" Tanong ko ayun na lamang ang nasabi ko "Hindi ba't ako ang dapat nagtatanong niyan?" Sagot nito at di ko naman naiwasang mapayuko, malamang nikolas ay pag mamay-ari nila ito narinig ko siyang mahinhin na tumawa at tumingin ako sa kanya hindi naman ako ganun kalapit ngunit sapat na ang liwanag na galing sa buwan upang makita ang mga mata nito natatakpan ng pamaypay ang kanyang mukha at tangin mata lamang ang nakikita, "binibiro lamang kita Ginoong Nikolas" sabi nya at dali dali akong pilit na tumawa hindi iyon ganon kalakas at halatang pilit, nakakailang, "Sumakit kasi ang aking tiyan kanina kung kaya't humanap ako ng palikuran at dahil hindi ko saulo ang inyong tahanan ay naligaw ako" sinagot ko na lamang ang kaniyang tanong kanina upang maiba ang usapan, "Kung gayon ay naliligaw ka nga ito ay papunta na ng kuwadra" sabi nito "Pasensya na" yan nalamang ang naisagot ko at "Binibini pasensya na sa abala at ako'y magpapaalam na upang bumalik kina ama at ina siguradong ako'y hinahanap na nila, Magandang gabi uli binibini" paalam ko at nagbigay galang siya ay aking tinalikuran nang aking marinig ang isang pamilyar na boses, Amarra.nakakarindi talaga ang kanyang boses ako ay dapat papanhik na paalis ngunit "Adellina!ikaw ay anjan!oh Ginoong nikolas san ka tutungo?narinig mo lamang ako ay aalis kana agad?" Ako'y napapikit lamang at huminto sa pagalis at hinarap si Amarra na siyang papunta sa amin nakangiti ito at nakahawak sa kanyang saya ng "Arayyy!!" Siya ay natalisod sa bato at ng dapat ay tatayo ito ay naapakan nya ang kanyang saya buti na lamang ay malapit ko sa kanya at siya ay aking sinalo upang hindi siya mahulog sa putik, patawarin mo ko binibini ngunit ikaw ay akin lamang tinulungan lumapit sa amin si Adellina at agad agad nagtungo kay amarra at nagaalalang tinanong ito ng "Amarra!ayos ka lang ba?bat kasi tumakbo kapa?ayan tuloy ay natisod ka" bakas sa mukha nya ang pagaalala at pagpigil ng tawa, napakababaw ng kaligayahan aking binitawan si Amarra ng makitang nakakatayo siya dahil hindi magandang tignan kung matagal pa ang pagkakahawak ko sa kanyang bewang "Binibini ayos kalang?" Tanong ko rin dito at bahagyang natawa naman si Amarra "Lina ayos lamang ako haha!paumanhin at ipinagalala ko kayo" sagot nito at tuluyang tumawa "Lalo na sayo kulas!hahaha" tawang tawa na banggit pa nito at tumingin sakin ako ay natawa na lamang tsk.

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon