Kabanata 1 (Maligayang Pagbabalik!)

145 38 0
                                    

Ala sais ng umaga ay nagabang na ang mga tao sa daungan ng mga barko para sa pagdating ng pinaka makapangyarihang tao sa isang bayan sa Batangas nagmamay-ari ito ng labing tatlong lupa na may tanim na kape,palay at mais, iba pa dito ang mga negosyo nyang bilihan ng aklat, alak,mga barong at saya at iba't ibang klase ng mga kasuotan para sa kahit anong okasyon tulad ng traje de boda (damit pang kasal).
Pag mamay-ari rin nila ang pinakamalawak at pinakamalaking Hacienda sa buong lugar ng batangas.


Nagsigawan na ang mga tao at tumugtog na ang banda at kitang kita sa kanila ang kasiyahan dahil sa pagdating ng Pamilya Chavez kasama nito ang kanyang asawa na si Doña Marnitta Arrevalo Chavez at ang nagiisang anak nito na si Adellina Arrevalo Nakangiting kumakaway ang mag-anak sa mga sumalubong sa kanila,Si doña Marnitta ay naluluha narin sa saya dahil di nya inaakala na ganito karami ang sasalubong at naghanda para sa dating nila,Pagkababa ng barko ay lumipad ang belong puti na suot ni Adellina.

Sya na ba si binibining Adellina?"sabi ng isang matandang lalaki."Napakagandang dalaga naman ng anak ni Señor Julio" sambit naman ng isang babae sa gilid at napahawak pa ito sa kanyang pisnge, "Tila napakaliit niya pa noong huli ko syang nakita,sinong magaakala na isa na syang napakagandang dalaga ngayon"sabi ng isa sa mga don na sumalubong sa kanila.

"Buenos dias Señor Julio" Salubong sa kanila ng Isang Heneral,Heneral Armando Natividad, isa itong kastila na lumaki sa Europa at nagtungo sa pilipinas upang makuha at palitan ang kanyang ama sa puwesto bilang Heneral ng Bayan sa Calayo,Nasugbu Batangas

"Tila napakainit ng pagsalubong nyo samin Ijo " sambit ni Don Julian at niyakap ang heneral "Maligayang pagbabalik Don Julio" sagot nito at napatingin kay Adellina, "Adellina,Ikaw bayan?!" Gulat na tanong ng heneral sa nagiisang anak ng don "A-Armando?" Banggit ng dalaga "Oo ako nga, Salamat sa pagsalubong samin Ginoo" Dagdag pa nito at ngumiti kay armando ngumiti lang rin pabalik ang binata, At sinabing sumunod sila sa kanya papuntang Entablado sa Gilid at mayroong 8 upuan 3 para sa pamilya ni Don Julio at ang isa para sa Heneral at ang 4 ay sa Pamilya ng Velozo bago umakyat ay binati muna ni Don Solomon Velozo si Don julio at ipinakilala ang kanyang pamilya "Eto nga pala si Olivia ang aking asawa,eto naman si Juan ang aking panganay at aking bunso si Nicolas" sambit ni ng Don, "Kung gayon eto pala si Nicolas, Maganda umaga Ijo ako'y naaalala mo pa ba?" Tanong nito at tumingin sa Binata Matangkad ito at Mestizo matangos ang ilong nito kitang kita ang ganda ng hubog ng katawan nito at kitang kita ang dugong kastila. "Opo senior, naaalala pa ho kita ako po ay laging sinasama ni ama sa inyong hacienda kapag kayo ay may mahalagang paguusapan" sagot nito at ngumiti,tila humahaba ang usapan kung kaya't nagsalita na si Adellina "Ama mamaya na po iyan hinihintay na nila tayo" Pag singit ni adellina at tumingin sa Entablado at nakitang andun na nakaupo ang heneral, naagaw naman ang kanilang atensyon at natawa lamang ang ama nito at si Don Solomon natawa narin ang kanilang mga asawa at pumanhik na paitaas.

Pagbati lamang at pagpapakilala ang ginawa nila sa taas at nagpasalamat narin sa mainit na pagsalubong sa kanila,bakas narin ang pagod sa mukha ng don dahil sa napakatagal at napaka layong paglalakbay
"Aking iniimbitahan kayo sa aking tahanan bukas sa ganap na ika ala-singko ng hapon,nawa'y lahat kayo makapunta dahil magkakaroon tayo ng napakalaking salo-salo" Sabi ng Don at umubo saglit "Paalam sa inyong lahat at magkita kita na lamang tayo bukas upang ituloy ang kasiyahan Muli, Nagpapasalamat ako sa inyong lahat" Paalam ng Don at nagpalakpakan naman lahat.

Pagkababa ng Entablado ng pamilya Chavez at Velozo pati narin si Heneral Armando ay naguwian na ang lahat at kita sa kanila ang pagkasabik para bukas at makatikim uli ng masasarap na putahe ang iba ay bibili daw ng panibagong Barong at saya ang iba naman ay hahanapin na lamang ang pinaka maayos na Barong at saya.

Nagpaalam muna ang bawat isa bago sumakas ng kalesa ang Heneral ay kailangan dumiretso sa kampo at may tatapusing trabaho ang Pamilya Chavez at Velozo naman ay kailangan naring umuwi at maghanda para sa gaganaping okasyon bukas.

Pagkatapos mamaalam sa isa't isa ay naghiwalay na ang dalawang pamilya at sumakay sa Magagarang Kalesa.

Trenta minutos mahigit ang biyahe simula sa daungan pa Hacienda Tulala namang nakatingin si Adellina sa bintana dahil sa loob ng 9 na taon ay muli syang makakabalik sa bayang ito.

Pagkatapos ng napakatagal na biyahe ay narating narin nila ang tarangkahan ito ay gawa ng napakatibay na bakal at kulay ginto nang buksan ang tarangkahan ay kitang kita na ang kasiglahan ng Hacienda Chavez sa gilid nito ang palayan at mga naglalakihang puno sabay sabay kumakaway ang ibang mga trabahador na naiwan sa hacienda upang gawin ang trabaho.ngumiti din pabalik ang tatlong sakay ng kalesa at kumakaway narin ang magasawang Chavez, Ang kaninang pagod na dalaga ay sumigla dahil nakita nya na ang lupain ng Sampaguita at Gumamela kanyang inaalala kung kelan sya uling nakakita nito.

Nakarating na sila sa kanilang mansion ito ay may limang palapag nasa ibaba ang kusina salas at ang lamesa na gawa sa pinakamatibay na kahoy at salamin na napapatungan ng mga napakagarang mga pansapin, Sa ikalawang palapag naman ay parang katulad lang rin sa unang palapag ang kaibahan lang nito ay may napakalaking silid na kung saan natutulog ang mga katulong sa mansion,pag mamay-ari naman ni Adellina ang isang silid sa pangatlong palapag kasama na dito ang silid ng mag-asawang Don Julio at Doña Marnitta doble ang laki nito sa silid ni Adellina dahil bukod sa meron itong palikuran ay meron ding nakatagong silid sa loob na ang pamilya Chavez lang ang nakakaalam,Ang kanilang mga silid ay mayroong Balkonahe na napakalawak tanaw sa balkonahe ng magasawa ang palayan at ang mga tao o kalesa na papunta sa kanilang mansyon at ang kay Adellina naman ay ang mga bulaklak sa kanilang hardin kung kaya ay sakop nila ang buong palapag.Sa pangapat naman ay ang mga silid kung saan ay pwedeng manatili ang mga bisita kung sakaling di na makauwi sa kanilang mga tahanan, at ang pang lima ay Azotea na pinasadya ni Doña Marnitta para sa kanyang kaisa isang anak na si adellina mahilig kasi itong tumingin sa mga bituwin tuwing gabi,hilig din nito mapanood ang paglubog at pagsikat ng araw, Regalo nya ito kay adellina noong kaarawan nito upang di narin ipatanggal ni adellina ang mga kurtina sa bintana upang makita nya ang mga nagniningning na bituwin.
Ang azotea ang naging tambayan ni Adellina simula ng siyam na taon pa lamang sya lalo na kung ito ay malungkot, aakyat sya papuntang azotea upang tumingala at hintayin ang kanyang ina na laging nagdadala ng gatas upang sya ay makatulog.

Pagkatapos ng tanghalian ay inihanda na ng pamilya chavez ang kanilang susuotin para bukas naibilin narin ng Don kay tang Silo, ang kanyang tanging pinagkakatiwalaan sa hacienda.
Si tang silo na bahala kung ano ang mga lulutuin at kung paano ang magiging takbo ng pagdiriwang bukas.

Alas-tres na ng hapon bago matapos lahat ng gawain sa mansion, umalis muna si Don Julio upang magtungo sa kabilang bayan para imbitahan sa kanilang mansion ang kausyosyo nito sa negosyo, si Adellina naman ay magrorosaryo upang magpasalamat sa ligtas nilang paglalakbay, may maliit na altar sa loob ng silid ni Adellina at doon sya taimtim na nanalangin.

Maghahapunan nang nakabalik ang Don sa mansion, sabay sabay silang naghapunan at pagkatapos kumain ay natulog na ang mag-asawa Don Julio at Doña Marnitta, samantalang sa silid naman ni Adellina ay nakasindi parin ang lampara dahil ito ay may binabasa pa ngunit maya maya ay nakatulog din ito.

-----------------------------------
Chapter 1, March 21.

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon