Kabanata 9

106 32 1
                                        


Ng sila ay papalayo na sana ay biglang natapilok si lina  sasaluhin na sana ito ng heneral ngunit naunang saluhin ni nikolas ang dalaga, biglang nagdahan dahan ang paligid sa dalawa at buti ay hindi ganon kalakas ang pagkabagsak ni adellina ngunit napaupo ito sa binti ni nikolas at... Biglang napatayo ang dalaga at pinagpagan ang saya nito tumulong naman ni linda namumula ang pisnge nito kung kaya't napatingin sa sa likod ng nakahinga na sya ng maluwag, "P-patawad Nikolas di ko s-sinasadya at ako'y natapilok" paghingi ng tawad nito sa binata, "Diyos ko, ano ba kasi ang iyong pinaggagawa adellina?ayos kalang ba?" Nag-aalalang tanong ni Amarra sa kanyang pinsan at sinuro ang ang buong katawan ng pinsan, mabuti na lamang at walang galos si lina at di ganoong nasaktan ngunit ang kamay ni nikolas ay dumugo di man kalakihan ang sugat ngunit hindi ito tumitigil sa pagdugo ng makita ito ni adellina ay dali daling kinuha ang kanyang panyo sa bulsa ng saya at dali daling lumapit kay nikolas kinuha ang kamay neto at dahan dahang pinunasan, itinupi nya ang panyo at itinali sa kamay ng binata ang hindi napansin ni lina na ang lahat ay napansin at tinitigan sya tila ba gamay nya ang paglagay ng unang medesina, ilang minuto ay natapos na ni adellina ang pag gamot sa kamay ni nikolas at nakita nya ang mga tao na nakatingin sa kanila, nangibabaw ang kanyang hiya at napayuko, "Pasensya na talaga Nikolas, hindi ko talaga sinasadya paguwi natin ay hayaang mong linisin ko ang iyong sugat" nginitian naman sya ni nikolas, naging mabagal ang oras ng sila ay nagkatitigan dinaig pa ng ngiti ni nikolas ang lawak ng karagatan, si belinda naman ay kinikilig habang nakatingin sa dalawa, Si amarra naman ay hindi napansin na nahawak na pala sya sa braso ng Heneral, ng "Halina kayo't maguumpisa na ang pagtatanghal, kayo ay maupo na dito" paningit ni belinda agad namang nagiwas ng tingin si Adellina kay Nikolas at lumapit kay belinda, "Kung di ko pa kayo sasabihan ay baka abutin kayo ng hapon doon ni Ginoong Nilokas" pangaasar na bulong ni belinda kay lina, pagkatingin nila sa likod nila ay nagulat sila dahil nakahawak parin si Amarra sa braso ng Heneral ng ng mapansin naman nito ay agad din nyang tinanggal at sumama kila belinda, naiwan sa likuran ang dalawang binata at sabay ngumiti sa isa't-isa at sumunod na sa mga dalaga,

Nung lahat ay nakaupo na at dahil di sapat ang upuan ang mga nais manood ay nakatayo sa likuran, nasa harapan naman sila Amarra sa gitna ay si adellina at ang sumunod ay si Belinda at nasa likuran naman ang dalawang binata ang Heneral at si Nikolas ilang minuto ay nagsimula na ang palabas,

Ang palabas ay tungkol sa isang dalaga na alipin lamang ng Pamilya Gomez at ang nagiisang anak na lalaki ng mag-asawang gomez ay nagkaroon ng pagtingin sa dalaga, ganon din ang dalaga sa kanya ngunit alam ng dalaga na mapapahamak ang buong pamilya nito kapag sumubok itong mahalin ang nag-iisang anak na kanilang pinagsisilbihan, ngunit pinangakuan sya ng binata na syang magpapahamak sa kanilang dalawa, sila ay nagtanan at nalaman nalang ng dalawa na pinatay ng Ama ng kanyang asawa ang kanyang buong pamilya, nakipag hiwalay sya dito at naghiganti ngunit ang paghihiganti nya ay ang nagdala sa kanya sa kamatayan, ang nagiisang anak ng pamilya gomez ay umuwi sa kanilang tahanan at hindi matanggap ang nangyari, nagpakatiwakal ito sa harap ng kaniyang magulang, at don nagtatapos ang palabas.

Ng matapos ang palabas ay naglakad na sila papunta sa isang panciteria upang kumain bago umuwi, sa di inaasahan ay inasar ng heneral si amarra na humihikbi parin dahil sa palabas na kanilang napanood, "Eto panyo Marra punasan mo ang iyong ilong tumutulo ang iyong sipon hahahahahaha" nagtawanan naman ang apat pwera kay amarra na masama ang tingin kay Armando, "Ang may pusong bato lamang ang hindi masasaktan o maiiyak sa palabas na iyon" pakikipagtalo ni amarra at tinarayan si armando, "Ang mga manonood ay hindi alam kung ano ano ang kanilang papanoorin ang palabas ba o ikaw na umiiyak" nagtawanan uli ang lahat at narating narin nila ang panciteria, ng marating nila ay isa isa na silang umupo sa mesa at lumabas ang isang matabang babae na mahaba ang buhok nakatali ito, siya si Aling Mercing ang may-ari ng panciteria, "Magandang umaga sa inyo mga, Señor at Señorita ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Masayang bati ng ginang sa kanila ipinakilala naman sila isa isa ni nikolas, "Ay eto ba si Adellina?ang nagiisang anak nila julio at marnitta?tama nga si nikolas napakaganda mo" tawang sabi ni aling mercing na syang ikinagulat nila lina, linda, marra at arman, napaubo si arman halatang ito ay nangaasar, kinilig naman sila belinda at marra si lina naman ay hindi alam ang magiging reaksiyon, "A-ah e o-opo ako p-po  si Adellina, i-ikinagagalak ko po kayong makilala" sa wakas at nagawa nyang magpakilala, ilang segundo silang natahimik kung kaya't binasag na ito ni nikolas "Nay marcing, isa nga pong pinaka masarap na pansit para saming magka-kaibigan" diretsong sabi nito, ng malaman kung ano ang kanilang napiling kainin ay bumalik na sa kusina si Aling Marcing upang iluto ang pansit, bumalik uli sa katahimikan ang palagid hanggang sa inihain na ang pansit na iniluto ni Aling marcing "Maraming Salamat po, halika't sabayan nyo po kami" pasasalamat ni lina sa ginang, "Nako Hija, kakatapos ko palang kumain kayo nalang at marami pa kong gagawin sa loob, kumain na kayo bago pa ito lumamig" pagtanggi ni aling marcing at nagpaalam na sa kanila at pumasok ba sa kusina.

Hindi alintana ng magkakaibigan ang pagkabusog nila sa sarap ng pansit na inihain sa kanila, ng maubos ito ay nagpahinga muna sila saglit at nagsalita ang Heneral, "Adellina halika't samahan mo ko may ipapakita ako sayo na pwedeng ibigay sa iyong ama't ina" pagyayaya ng heneral, "Maghintay na lamang kayo dito at babalik din ka agad kami" dagdag pa nito at tumingin kay adellina na nagsasabing 'pumayag ka nalang tara na' at tumayo na silang dalawa at lumabas, ilang tindahan lamang ang layo ay narating nila ang mga nagbebenta ng mga bulaklak, "Bibilhan ko ng bulaklak ang iyong pinsan maaari mo ba akong tulungan pumili?" Kamot batok na sabi ng Heneral, kinilig naman si Adellina at agad itinuro ang pulang rosas simbolo iyon ng kanyang pagibig, ng matapos itong dinesenyuhan ay agad na kinuha ng heneral ang bulaklak at nagbayad, "Ganito ang plano lina, ikaw muna ang humawak nito at ako ang unang papasok" sabay abot ng bulaklak kay lina, nagtingingan naman ang ibang mga nakapansin,

'Ang swerte naman ng dalaga at napaka gwapo ng Heneral na nobyo nya'

'Ano kaba?baka nanliligaw palang?'

'Balita ko ayan yung kaisa-isang anak nila don Chavez ah'

'Kakarating lamang niya galing Europa, tunay ngang kay gandang dilag naman'
'
'Bagay na bagay sila'

Ilang lamang na maririnig mo na bulong-bulungan ng mga taong nakapaligid sa kanya, may dumating namang mga kalalakihan na may dalang gitara sa kanilang mga dala pa lamang ay mukha na itong manghaharana, lalong kinilig si lina ng makita ito kanyang alam na ang magiging reaksiyon ng kanyang pinsan pero ang hindi nila alam,

"Amarra san ang iyong tungo?" Tanong ni nikolas kay marra dahil tangka itong aalis "Diyan lamang sa may palikuran" sagot nito at tamakbo palabas, ngunit ang kanyang plano ay sundan ang kanyang pinsan at ang heneral, hindi narin mapakali sila belinda kung kaya't naisipan din nilang sundan si Adellina at Arman, sa malayo pa lamang ay tanaw na nila si marra na nakatayo sa may gilid nanginginig ito at umiiyak na nung makita nila kung saan ang direksiyon na tingin nito nakita nilang may inabot na bulaklak ang heneral kay Adellina pati sila ay naguluhan at mukhang iisa ang nasa isip nilang tatlo nung inamoy ni lina ang bulaklak at napakatamis ng ngiti nito, nakita nila itong may sinabi kay arman ngumit masyado silang malayo upang marinig ito, rinig narin nila ang mga usapan sa paligid, lumapit sila kay amarra na kanina pa umiiyak, dahan dahan nilang sinundan si amarra na naglalakad patungo kila Arman habang naiyak ito ng mapansin nila lina sila amarra ay nagulat sila kung bakit naiyak ito, "Masaya kana ba lina?alam mong gusto ko si arman pero napaka makasarili mo!akala ko ba magpinsan tayo? Wala akong pinsan na taksil" iyak na sabi ni amarra at tatakbo na sana ito ng, "Amarra sandali mali ang iyong iniisip" sambit ni adellina at hinawakan ang braso ni marra ngunit nagpumiglas ito kung kaya't nagpatuloy ito sa pagtakbo, "Ako na ang bahala kay amarra dito nalang muna kayo, nikolas maiwan ka dito" nagmamadaling sabi ni arman at takbong sinundan si amarra, napaiyak na rin si adellina dahil natatakot sya na baka hindi maniwala si amarra sa kanila, ng biglang... natumba bigla si adellina at nawalan ito ng malay, "Binibining adellina?tawagin mo si Mang toteng bilisan mo dadalhin natin sya sa pagamutan" nagaalalang sabi ni nikolas, nagumpisa naring gumulo ang paligid...

--------------------------------
6:25

Salamatt sa patuloy na pagbabasa!

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon