napaiyak na rin si adellina dahil natatakot sya na baka hindi maniwala si amarra sa kanila, ng biglang... natumba bigla si adellina at nawalan ito ng malay, "Binibining adellina?tawagin mo si Mang toteng bilisan mo dadalhin natin sya sa pagamutan" nagaalalang sabi ni nikolas, nagumpisa naring gumulo ang paligid.
"Kamusta ang aking anak Ginoong martin?" Nagaalalang tanong ni Doña Marnitta habang nakaupo sa gilid ng kama na hinihigaan ni Adellina, hindi na sila nagtungo pa sa pagamutan dahil mas malapit ang mansyon ng mga Echavez at sila ay may mga pribadong doktor, "Wala naman akong nakitang mali mula sa aking pagsusuri, kailangan lang nito ng sapat pa na tulog dahil ang kanyang dugo ay mababa" pagpapaliwanag ng doktor nakahinga naman ng maluwag si Doña Marnitta, "Ibibigay ko na lamang ang reseta na inyong dapat bilhin, ako ay mauuna na" dagdag pa ng doktor "Maraming salamat martin, magiingat ka" pasasalamat ni Don Julio at nagpaalam na sa doktor, Si doktor Martin ay isa sa mga matalik na kaibigan ng Don kung kaya't mabilis lang nila ito mahingan ng tulong pagdating sa kalusugan, ilang minuto ang lumipas ay nagising na ang dalaga inaalala pa nito kung ano bang nangyari, "Anak mabuti naman at nagising kana eto tubig iyong inumin na muna" maginhawang sabi ni Doña Marnitta at inabot ang isang basong tubig agad naman nitong ininom ni lina, nasa loob din ng silid si belinda at nagaalalang nakatingin kay lina, "Binibini, kamusta po ang iyong pakiramdam?" Nagaalalang tanong ni belinda at lumapit kay lina, "Ayos lamang ako, ano ba ang nangyari?" Inaalalang tanong ni lina sa kanila habang nakahawak ito sa ulo, "Ganto po kasi iyong binibini, nagkaroon po kayo ng di pagkakaintindihan ni binibining amarra" pagpapaliwanag ni belinda, laking mata na naalala ni lina ang mga nangyari at agad itong bumangon sa kama, "Teka adellina saan ka tutungo?hindi pa mabuti ang iyong lagay mabuting magpahinga kana muna" nagaalalang pigil ni Doña Marnitta sa anak at inalalayan itong ibalik sa kama si lina, "Ngunit ina, kailangan kong makausap si amarra may dapat akong sabihin sa kanya" pagmamakaawa ni lina, "Alam na namin ang nangyari anak, mas mabuting magpahinga ka at mamayang hapon at papapuntahin natin si amarra upang siya ay iyong makausap" tugon ng Don, alam ni lina na kapag ang kanyang ama ang nagsalita ay di niya pwedeng sawayin ito dahil hindi nila ikakatuwa kapag ito ay nagalit. "Belinda, maiwan na muna namin kayo dito at kami ay tutungo sa bayan upang bilhin ang gamot na kailangan inumin ni adellina" dagdag pa ng Don "Opo Señor magiingat po kayo" agad na sagot ni belinda "Huwag mong hahayaang makalabas ng silid itong adellina" bilin na sabi ni Doña Marnitta at lumabas na ang mga ito sa silid kasama ang don, "Teka bininini di kapo maaaring umalis!" Pagpigil ni belinda kay lina dahil ito ay nagtangkang bumangon sa kama napatigil naman si lina at bumuntong hininga ito ay paiyak na kung kaya't di na nagdalawang isip pa si belinda, "Basta Binibining lina dapat bilisan natin upang di tayo mahuli nila Señor Julio" sambit ni belinda at agad nyang tinulungang magayos si adellina ng maayos na ito ay tumingin si belinda sa may pinto upang di sila makita na lumabas, sa dulo malapit sa silid ni adellina ay mayroong lagusan na sila lamang ang nakakaalam ng napagtagumpayan nilang lumabas ay biglang may nabunggo si adellina, "N-Nikolas?!" Gulat na sigaw ni adellina nagulat din si belinda sa kanilang nakita, nasa likod ng kalesa na sinakyan ng binata ang dapat na sasakyan ng mga dalaga kung kaya't sila ay nagkabungguan, "Adellina, saan ang iyong tungo?di pa maganda ang iyong lagay magpahinga kana muna" nagaalalang tanong ni nikolas sa dalaga, "A-Ah nais p-po sanang tumungo ni binibining adellina kila binibining amarra" pagpapaliwanag ni belinda "Hindi po pinayagan si Binibining lina kung kaya't kami ay tatakas" dagdag pa belinda at napakamot sa ulo, "Adellina, pabayaan mo na muna ang iyong pinsan palamigin ang kanyang ulo, dahil baka lalo lang lumaki ang gulo kapag ikaw ay nagpumilit kausapin sya, pumasok kana muna ako ay may dalang prutas" pinagsabihan pa nito ang dalaga, at wala namang nagawa si lina at muling pumasok sa kanyang silid at inisip kung ano nang mangyayari sa kanila ng kanyang pinsan, "Binibining lina?maaari po ba kayong bumaba?andito rin po ang Heneral" tawag ni belinda, agad namang napabangon si lina sa kama at agad na bumaba, "Arman ano na ang dapat nating gawin?sira na ang plano? Paano na ito?" Sunod sunod na tanong ng dalaga, "lina kumalma ka, gagawa tayo ng panibagong hakbang nasabi sakin ni nikolas na balak mo pa siyang puntahan, mas mabuti nang magpahinga kana muna upang magawa na natin ang sunod na hakbang" pakalmang pagpapaliwanag ng Heneral, agad silang napaupo sa sala at pinagusapan ang kanilang bagong plano, gagawan nila ng paraan na mapapunta si Amarra sa isang balon malapit sa mansyon ng mga Chavez dito sila madalas maglaro noong mga bata pa sila kung kaya't naisip ng heneral na mas magiging espesyal ito, nawala naman ang agam agam ni lina at nakahinga na ito ng maluwag, "Hindi narin ako magtatagal at ako ay tutungo pa ng bayan dahil may halaga pa kong kukunin" pagpapaalam ng heneral at madaling umalis.
Tatlo nalang sila natira sa sala ng mansyon, sa di inaasahan ay nagbalat ng mansanas si nikolas upang ipakain ito sa dalaga dahil alam nitong kailangan lumakas ang resistensya ng dalaga at mabawi ito sa pagkain ng mga masusustansyang pagkain, "H-Hindi mo na dapat ito ginawa pa nikolas, nakakahiya" nagsimula na namang mamula ang pisngi ng dalaga ganon din si belinda, "Nako binibini huwag kanang mahiya at kainin mo na ang prutas, kailangan mo iyan upang tuluyan kanang gumaling" panunuksong sabi ni belinda at dahil paborito ni adellina ang mansanas ay kinain nya na ito, "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni nikolas at diretsong nakatingin kay lina, "A-Ah ayos lamang kulas, maraming salamat sa mga prutas na dinala mo" kitang kita sa mata ng binata ang bakas ng saya dahil alam nyang nagustuhan ni adellina ang mansanas, noong mga bata pa lamang sila ay paborito na ito ng dalaga
Lumipas pa ang ilang minuto ay nagpaalam narin ang binata upang ito ay umuwi na, "Hanggang dito nalang muna Adellina, Belinda magiingat kayo" pamamaalam ng binata, "Adellina kunin mo ito" gulat na napatingin sa kamay ng binata si adellina, may hawak ito na maliit na kahon, "Gamitin mo iyan upang makatulog ka ng mahimbing" dagdag pa ng binata at iniabot ang kahon sa dalaga, "Sobra na ito nikolas maraming salamat mag-iingat ka sa iyong paguwi" pinilit ng dalaga na wag ngumiti dahil baka iba ang isipin ng binata, nang tumalikod na ang binata ay di na naitago pa ni lina ang kanyang mga ngiti ng nakatingin sa ibinigay ni nikolas, "ano kaya ito?" Ang di alam ng dalaga ay nakatingin si nikolas sa kanya at malaki rin ang ngiti,
"Napaka ganda niya talaga, hindi pa ito ang oras ngunit ako ay maguumpisa na" bulong ni nikolas sa kanyang sarili at sa huling beses na tingin nya sa dalaga ay nakatingin narin pala sa kanya ito habang nakangiti.
-----------------------------
7:36 pm
BINABASA MO ANG
Alaala
Ficção HistóricaSabi nila masarap daw gumawa ng masayang alaala kasama ang mga taong malapit sayo. Lalo na ang pamilya, kaibigan o kahit sino sa mga mahal mo sa buhay,ngunit paano kung mawala lahat ng alaala na meron ka dahil sa isang malagim na trahedya?Ano ang iy...