Niyakap nya ang dalaga at bumulong ito, "Maraming salamat, napasaya mo ako ngunit mas sasaya ako kung aking maririnig uli ang kagandahan ng tinig mo ang aking dalawang tenga ay nananabik makarinig ng awit na kasing ganda mo" nanlaki ang mga mata ni adellina at napalunok sa ibinulong ni nikolas at itinuro ang mga musikero,
Ano ang kanyang ibig iparating?aawit ako?hindi lang sa harap nya at ng pamilya ko, kundi sa harap ng taong andito?hindi....
"A-Ano iyon uli n-nikolas?" Utal na tanong ko sa kanya, napayuko ako habang hinihintay ang kanyang sagot, "Nais ko sanang handugan mo ako ng isang awitin lina, maaari ba?" Napatingin ako sa kanya at napatingin rin sa aking paligid, tila bumigat ang aking pakiramdam at nakaramdam ng kaba ng aking makita ang heneral at aking pinsan na nakangiting nakatingin sa akin "a-h pasensya kana nikolas ngunit ako ay nahihiya, napakadaming tao ang andito" malungkot kong sabi, ako ay marunong umawit ngunit hindi sa ganitong karami na tao, napalunok uli akong napatingin kay nikolas at kita ko sa mukha nya ang pagkadismaya, "Lina ano kaba?bakit mo naman tinatanggihan ang hiling ni nikolas?" Ngiting sabi niya at napabuntong hininga na lamang ako "Hindi ako sana'y mara na umawit kapag maraming tao" napayuko na lamang ako "Binibining Adellina, paano lalakas ang iyong loob kung hindi mo sinasanay ang iyong sarili na umawit sa harap ng maraming bisita?" Tanong ng heneral sa akin, "Oo nga lina, sanayin mo ang iyong sarili, sayang naman ang kagandahan ng iyong tinig kung hindi mo ito sa amin ipaparinig" dagdag pa ng aking pinsan at diretsong tumingin sa aking mata na para bang sinasabi na ako ay pumayag nang umawit sa harapan, "T-ama ang inyong sinabi, aking susubukan na umaawit sa inyong harapan" wala na akong magagawa dahil nahihiya na kong tumanggi pa napatingin naman ako kay nikolas at kitang kita sa kanyang mga mata ang bakas ng kasiyahan na ako ay pumayag na umawit, "Maraming Salamat lina, napaka gandang regalo nito sa akin" masayang pasasalamat nya sa akin at agad syang tumayo sa kanyang upuan, lalo akong kinabahan ng makitang lumapit sya sa mga musikero at may ibinulong na siyang nagpatigil sa mga musikero na tumugtog, at sya at nagpunta sa harapan, "Magandang gabi po sa ating lahat, nais ko lamang hingin ang inyong kakaunting oras upang ako ay pakinggan" ngiting agaw atensiyon nya sa mga bisita, di rin nagtagal ay lahat ng bisita ay nasa kanya na ang tingin, "Sa gabing ito ay may isang magandang dalaga na gustong iparinig at ipakita sa inyo ang kanyang natatanging talento sa pag-awit, aking hinihingi ang inyong mga pandinig upang mapakinggan ang isang napakagandang tinig" lalong nangibabaw ang kaba sa aking dibdib ng makitang nakatingin na sa akin si nikolas, "Aking tinatawag si Binibining Adellina Chavez upang magpunta dito sa harap at iparinig sa amin ang kagandahan ng iyong tinig" napatingin sa akin ang ibang mga bisita, malamang ay kilala nila, napalunok pa ko ng paulit ulit at tumingin sa heneral at sa aking pinsan, nakatayo na ito at pumapalakpak, nagpalakpakan narin ang mga bisita, eto na lina hindi kana pwedeng umatras pa, bakit kapa kasi pumayag?, nanginginig akong nagtungo sa harapan at patuloy parin ang palakpakan ng mga tao, ng ako ay makarating sa harapan tumingin ako sa aking paligid, tila pinagpawisan ata ako ng makita kung gaano karami ang nakangiting nakatingin sa akin, sila Ama at ina na pumapalakpak at tila ay naiiyak pa si ina, "Magandang gabi po sa ating lahat, ako si adellina chavez, nagiisang anak nila julio at marnitta chavez, andito po ako sa inyong harapan upang handugan ang isa sa malapit kong kaibigan na siyang may kaarawan ngayon, nikolas para sa iyo ito" isang napakahabang buntong hininga muna ang aking pinakawalan at inumpisahan ang aking aawitin,
"Sinag liwanag ng buwan at bituin,
simoy ng hangin na
Kay lamig,
Gabing kay saya ako ay hihimbing
Hihintayin ang liwanag ng bukas
Sana'y dumating na
Ang araw at magsaya
Sa panibagong araw na binigay'Tumingin ako sa akin paligid at huminga uli ng malalim,
'Ngayong, gabing ito
Salamat sa inyo
Hindi ko inakalang mangyayari ito
Aking inihandog ang awiting ito
Sana lang ay magustuhan nyo'Nang matapos ang aking pagawit ako ay nagbigay na ng galang at muling tumingin sa mga bisita, nakita kong umiiyak na ang aking ina at lahat sila ay binigyan ako ng magarbong palakpakan, hindi ko inaasahan na sa gabing ito ay nagawa at nalagpasan ko ang mga bagay na kinakatakutan ko, tama nga ang heneral at ang aking pinsan, ngayong gabi ay natanggal ang takot ko na umawit sa harapan ng maraming tao, tila kay sarap sa pakiramdam na aking nahandugan sila, nakita ko si ama na sobrang saya at patuloy na pumapalakpak, pagkatapos kong magbigay ng galang ay naglakad ako pabalik sa aming lamesa ng */hmppp/*, n-niyakap ako ni nikolas "Napaka-gandang tinig lina, maraming salamat" pasasalamat nito sa akin, hindi magandang tignan na siya ay yayakap sa akin ng walang dahilan kung kaya't lumayo ako sa kanya at "Wala iyon kulas, sa totoo nga e dapat ako ang magpasalamat sa inyo nila mara dahil nagawa kong posible ang mga bagay na akala ko ay hindi ko magagawa" ngiti ko pa at tuluyan na kaming dumiretso sa aming silya, "Napakagaling mo lina!, sabi ko sayo ay kaya mo yan" tuwang tuwa na sabi sakin ni mara at yumakap ito sa akin, at nagpasalamat uli ako sa kanila,
Lumipas ang ilang oras ay napasyahan na ng pamilya Chavez na umuwi dahil malalim narin ang gabi at nagsisipaguwian narin ang mga bisita, nakapag paalam na ang pamilya chavez sa mga taong dapat nilang pasalamatan, lalo na ang pamilya Velozo,
Papasakay na sana sila lina sa kanyang kalesa nang marinig nya ang tawag ni nikolas "Lina, sandali lamang" at tumakbo ito palapit sa dalaga, nagbigay galang naman ang dalaga kay nikolas "Ano iyon nikolas?" Tanong ng dalaga kay nikolas, napakunot noo si lina ng makitang naglabas ng isang maliit na kahon si nikolas at gulat syang napatingin sa nilalaman niyon, Isang kwintas na may hugis ng buwan "Ito ay aking pasasalamat sa iyo binibini, ako ay sobrang pinasaya mo sa kaarawan kong ito" kinuha ng binata ang kwintas na nasa kahon nito at lumapit pa sa dalaga, "Maraming salamat uli lina, itong buwan ay nagpapaalala sa iyo, maraming salamat at binigyan mo ng liwanag ang gabing ito" at dahan dahang isinuot ni nikolas ang kwintas sa dalaga, ng
"Ginoong Nikolas, Binibining Adellina, ano itong nakikita ko?!"
Gulat silang napatingin kung saan nanggaling ang sigaw at napayuko na lamang si Adellina.
-------------------------
Feb. 3, 2021
9:30pm.
--------------------------
BINABASA MO ANG
Alaala
Fiction HistoriqueSabi nila masarap daw gumawa ng masayang alaala kasama ang mga taong malapit sayo. Lalo na ang pamilya, kaibigan o kahit sino sa mga mahal mo sa buhay,ngunit paano kung mawala lahat ng alaala na meron ka dahil sa isang malagim na trahedya?Ano ang iy...