Kabanata 2 (Pagdiriwang)

127 34 1
                                    

Ala-singko pa lamang ng madaling araw ay abalang abala sa paghihiwa ng mga sangkap para sa ilulutong mga putahe na ihahanda mamayang hapon sa salo-salo, si tang silo naman kasama ang ibang mga kalalakihan na trabahador sa hacienda dahil gusto nitong tumulong. Sila ay kukuha ng baboy at manok sa bukid malayo layo ito sa mansion ngunit kaya namang lakarin , "Magandang umaga kuya ando kami ay naparito dahil sa utos ni Don Julio na kumuha ng pitong malalaking baboy at Benteng manok para sa mga ilulutong putahe para sa salo-salo mamayang hapon" saad ni tang silo kay Cenando pero ando nalang ang itinatawag dito upang mapaikli 3 taon lamang ang tanda nito kay tang silo. Si Cenando ang napili ni Don julio upang alagaan ang mga baboy at manok nito dahil isa rin ito sa mga negosyo ng Don dito kumukuha ng supply ang mga tindera binibili ito ng buo, kakatayin at ibebenta sa palengke. "Pumasok na kayo at bilisan nyo na ang pagkakatay upang makabalik na kayo agad sa mansyon at makapagluto" sagot ni ando at pumasok narin sa loob upang tumulong sa walong kalalakihan kasama ni tang silo. "Ako ay hindi na makapaghintay na makapunta uli sa mansion ng Pamilya Chavez at makatikim ng mga putahe na nagmula pa sa Europa" sambit pa nito napangiti naman ang lahat at sinabing sila din ay hindi makapaghintay na makatikim ng masasarap sa putahe. Tapos na ang pagkakatay ay ibinalot na lahat ng karne sa malinis na tela at nilagay ito sa bayong.

"Magandang umaga aling Linda" pagbati ni tang silo, "Magandang umaga rin tang silo, ayan na ba ang mga karne na lulutuin?" Pagbati at tanong nito, si aling linda ay asawa ni Cenando at nagsisilbing kusinera sa mansyon ng Pamilya Chavez at labing anim na taon na itong naninilbihan sa kanila, "Oo aling linda eto na ang mga sariwang karne na iniutos ng don" sagot nito, Nagsimula ng magluto ang mga kusinera sumikat narin ang araw at talagang naging mas abala pa ang lahat dahil napakaraming kailangan lutuin at ayusin para sa gaganapin na pagsasalo mamayang alas singko ng hapon.

Habang abala ang iba sa kusina ay abala rin ang mga kalalakihan sa pagaayos ng mga silya at lamesa sa hardin dito ay sabay sabay na magsasalo ang mga naninilbihan at ang mga nakatira sa Hacienda, sa loob naman ng mansyon ay ang mga opisyales at kausyosyo ni Don Julio sa negosyo at higit sa lahat ay ang kaibigan nito at pamilya.

Si Adellina naman ay abala sa pagpili ng kanyang susuotin mamayang hapon, ang napili nya ay ang iniregalo sa kanya ng kanyang Tiya Sabel, Nakakatandang kapatid ng kanyang ina, Ang kulay Rosas na baro't saya ngunit mas matingkad ang pagkarosas ng saya at sadsad ito sa lupa, Ang kanyang baro ay hango sa bulaklak ang disenyo may nakadikit na palamuti na hindi nalalayo sa kulay ng baro, hanggang siko ang haba niyon at lawlaw ang dulo, Ang panuelo naman nya ay kaparehas ng kulay ng kanyang baro at nadidikitan ng napakaraming palamuti sa gitna noon ay may butones na hugis bulaklak na kulay (silver) napili nya ang kanyang pinakapaboritong kwintas at 'araw' naman ang (pendant) simpleng bakya lang ang kanyang susuotin at katamtaman lamang ang taas nito di na sya nag atubili pang mamili dahil hindi rin naman makikita iyon dahil sa haba ng kanyang saya.

Alas-kuwatro na ng hapon at natapos na ang lahat sa paghahanda, ang mga taong nagayos, tumulong at nagluto ay may isang oras na lamang sila upang makapag ayos at makapaghanda, nagsipagdatingan narin ang mga bisita at nagsimula naring umingay sa loob ng hardin at nagdadatingan narin ang mga bigating bisita ng Pamilya Chavez.

Hindi ko mawari ang aking nararamdaman ng nadinig ko ang musika na pinapatugtog ng orkestra, ngayon lamang ako muling makakaharap sa napakaraming tao, sabi ko sa aking sarili, nagulat ako ng may biglang kumatok sa aking pintuan at "Binibining Adellina?kayo po ba ay tapos nang mag-ayos?maaari rin po ba akong pumasok?may pinabibigay po ang inyong ama, dumating na po ang heneral" boses ng isang babae "Sige, pumasok kana" sagot ko na lamang at hinayaang pumasok ito, napatitig ako sa kanyang dala isang tali sa buhok, kulay rosas iyon at parang tunay na bulaklak, "Binibini kayo po ay maupo sa inyong silya at aking iiipit na ito sa inyong buhok" sabi pa neto habang nakangiti umupo na lamang ako at bumuntong hininga, nang matapos iyong mailagay sa aking buhok ay nagulat ako sa ganda ng panali sa buhok parang kiniliti naman ang aking puso ng aking maalala na si ama ang nagbigay non, hay alam na alam nya talaga ang mga gusto ko, tumingin ako sa babae at "Maraming salamat sayo binibini maaari ka na munang umalis at magsaya sa ibaba" ngiting pasasalamat ko "Maraming salamat binibini talagang napakaganda mong tunay" pasasalamat din nito "at mas lalo kang gumaganda kapag ikaw ay ngumingiti" dagdag pa nya habang nakahawak sa aking kamay, nag ngitian na lamang kami at lumabas na sya sa aking silid, bago ko pa makalimutan ay naglagay ako onting pabango at pinapula ko ng onti ang aking labi at pisngi, di kasi ako sanay na puro't kolorete ang mukha,

Nang lumabas ako ng aking silid ay nanlaki ang aking mga mata na makita si Armando na nagiintay at nakangiting nakatingin sa akin , "Magandang hapon sa iyo Binibining Adellina" bati nito at yumuko "Magandang hapon din sa iyo Armando, Anong g-ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko at hindi maiwasan ang panginginig "Ako'y naparito upang sunduin ka at alalayang bumaba, utos iyon ng iyong ama" sagot naman nya at lumawak ang ngiti "Maraming salamat Armando, tamang tama tapos na ko kaya tayo na't bumaba" sabi ko at ngumiti na lang rin nagulat na lamang ako ng kunin nya ang aking kamay at inihawak inyo sa kanyang braso ang kabila nyang kamay ay nasa likod nya, "Napakaganda mo binibini hindi ko inaasahang mas gaganda ka pa lalo" dagdag ni armando hindi na ako nakasagot dahil narinig ko ang sigaw ng aking ama "Aking ipinapakilala, ang aking unica ija ating salubungin sya ng masigabong palakpakan si Adellina Arevallo Chavez" humigpit ang kapit ko sa braso ni armando at dahan dahan kaming bumaba, kitang kita ko sa mga mata nila ang paghanga, ang kanilang mga matang nagniningning ay diretsong nakatingin sa akin, nakaramdam ako ng onting hiya dahil hind ako sanay na napakaraming nakatingin sa akin ngumiti ako at sinabing "Magandang gabi sa inyong lahat, ako si adellina ang nagiisang anak ni Don Julio Chavez, Maraming salamat sa inyong pagpunta nawa'y maging masaya ang lahat" at nagbigay ng galang, pumalakpak naman ang lahat at andun parin ang kanilang mga ngiti at pagkamangha "tunay na isa kang napakagandang dalaga Binibini, tingnan mo ang kanilang mga mata at ang isang don na malapit sa isang pintuan ay titig na titig din sa iyo" Bulong ni armando at mahinang tumawa "O'siya amigos at amigas ipagpatuloy ang pagdiriwang" Sambit ni ama at taas binuka nya ang kanyang mga kamay, bumalik naman ang lahat sa paguusap at kung ano-ano pa, dumiretso kami ni armando sa napakahabang lamesa na malapit sa aming hagdanan at ngumiti na makita ang aking ina "Ina magandang gabi sayo,napakaganda mo sa iyong suot" Bati ko sa kanya siya ay nakasuot ng purong puti sa baro't saya at puti rin ang kanyang panuelo, napakagandang kwintas na puno ng perlas ang nakasabit sa kaniyang leeg na kung hindi ako nagkakamali ay ibinigay iyon ng isa nyang matalik sa kaibigan sa Europa, "Halika't maupo kana dito lina at kumain, kayo'y iiwan ko na muna ni franco at tatawagin ka naming muli kapag nakarating na ang mga Velozo" banggit ni ina at ipinagdikit ang mga pisngi namin.

Maya' t maya pa ay dumating na ang pamilya velozo kung kaya't tinawag na ni Señora Marnitta ang anak na si adellina upang salubungin ang pamilya

"Nicolas aking anak ayos ka lang ba?" Tanong ng aking ina sa akin, tulala kasi akong nakatingin sa bintana tinatahak namin ang mahabang palayan, palubog narin ang araw at dumidilim na ang paligid, "Nicolas, ikaw ay aking tinatanong?bakit ka nakatulala sa bintana?, may problema ba anak?" Tanong muli ng aking ina ng nakabalik ako sa wisyo ay agad ko itong sinagot "Ayos lang po ako ina, pagod lang po ako" sagot ko, sa totoo lang ay hindi ko alam ang nararamdaman ko, ngiti na lamang ang tugon ng ni ina at hinaplos ang aking kamay.

Di nagtagal ay narating na namin ang hacienda at itinigil iyon sa harapan ng kanilang mansyon bukas ang pintuan, napakarami paring mga tao na paparating at kitang kita sa kanila kung gaano sila kasaya, kitang kita ang mga
kanilang sabihin na natin ay ang kanilang pinakaiingatang baro't saya.

Tuluyan kaming pumasok sa loob at nakitang papalapit sa amin ang pamilya chavez "Magandang gabi amigo!" Masayang sabi ni Don julian kay ama at yumakap kay ama "Magandang gabi Don Julio!" Masaya ring bati ni ama at tinapik ang likod nito at kumalas sa pagkakayakap, maputi si Don Julian kitang kita rito ang pagkadugong Español at sa tindig nito ay nakikita ang pagkamatapang at sa kanyang pananamit ay makikita ang karangyaan sa buhay, Matangos ang ilong nito at matangkad at sa titig nito ay siguradong lahat ay mawawala sa wisyo, "Aking tatawagin lamang si Adellina sandali upang kayo'y mabati" Sambit ni Doña Marnitta at umalis, sa di inaasahang pangyayari ay sumakit ang aking tiyan mukhang ako ay tinatawag ng kalikasan "Ama, Ina sumakit po ang aking tiyan maaari po ba akong magtungo sa palikuran?" Bulong na tanong ko sa kanila "Anak mamaya na kapag tayo ay nakabati na kay Binibining Adellina" sagot pa nito ngunit hindi ko na talaga kinakaya at "Paumanhin ama ngunit hindi ko na talaga kaya" sambit ko at dali daling humanap ng palikuran.

Tandaan:

Palikuran ang ibig sabihin ay banyo o comfort room sa ingles.

-------------------------------
Chapter 2, March 22 [edited]

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon