Author's Note:
1. Ang kwentong ito ay may serye. Uunahin kong taposin ang istoryang ito bago ko simulan ang ikalawang serye na "Our Old Love". Sana ay maghintay kayo.
2. Hindi ito edited. Ang istoryang ito ay hindi edited. Hehe. Pero pag may time ako ii-edit ko din naman ito, hindi nga lang ngayon.
Salamat AxXies❤️❤️Sa isang maliit na nayon ay nakatira ang isang pamilya na masayang namumuhay ng payapa. Bagama't nagiging sakitin na ang ina ng tahanan ayaw niya na maging pabigat siya sa kanyang asawa at tatlong anak.
Ang ina ng tahanan ay si Aleng Nelia na 50 anyos na, ang asawa nya ay si Mang Lope ay mas matanda sa kanya ng limang taon ngunit nababakas pa rin dito ang lakas ng pangangatawan at kagwapohan bagay na ikinabighani ni Nanay Nelia nung sila ay mga binata at dalaga pa.
Sila ay may tatlong anak, ang panganay ay si Binoy edad 27 anyos, nagtataglay ito ng kagwapohan bagay na namana niya sa kanyang ama na may lahing Kastila, matangkad ito at maputi, matangos ang ilong.
Si Anya naman ay ikalawa sa magkakapatid. 25 anyos na ito, mas bata ng dalawang taon sa kaniyang kuya Binoy. Ito ang pinaka mahinhin sa kanilang dalawa na babae,madasalin, matangkad,balingkinitan ang katawan,kayunmanggi ang balat bagay na namana niya sa kanyang ina matangos ang maliit na ilong at manipis ang mala rosas nito na labi, mabait din si Anya tulad ng kanyang mga magulang at dalawang kapatid. Ibig ni Anya na mag-madre ngunit hikahos sila sa pamumuhay at ang perang kinikita ng ama at ng kanyang kuya ay sapat lamang para sa pangaraw-araw na pagkain at pambili ng gamot ng ina. Si Aleng Nelia bagama't sakitin ay tumatanggap pa rin ng labahin ng mga mayayaman na pamilya, katuwang niya ang kanyang dalawang anak na babae.
Samantala si Talia ay 20 anyos at bunso sa tatlong magkakapatid. Palangiti ito at mahilig sa mga kalokohan bagay na ikinatutuwa ng mga tao na malapit sa kaniya. Mahilig din siya umawit at tumula ng nga tulang may malalim na kahulugan. Masiyahin at laging nakangiti si Talia, mabait, masipag, maganda, matangkad at medyo payat sa kaniyang Ate Anya, maputi si Talia, mahaba ang tuwid nitong buhok, matangos ang ilong, may nangungusap na mata, manipis na labi, at biloy sa magkabilang pisngi.Ang bahay ng Pamilya Dominguez ay gawa sa pawid at mga sawali na nagsisilbi nilang dingding. Ang bahay ay may dalawang malilit na silid,ang isa ay sa mag-asawa at isa ay sa magkapatid na Anya at Talia.Si Binoy ay sa papag sa may malapit sa kusina at ito ang kaniyang tinutulugan. Payak man ang pamumuhay ng mag-anak masaya naman sila dahil magkasama silang buong pamilya sa hirap.
Samantala sa isang mansyon na malapit sa bayan nakatira ang ginagalang at nirerespeto na pamilya ng Alcalde Mayor ng Laguna na si Don Romano Sevilla, maybahay nito na si Doña Sellina Aluerte-Sevilla. Mayroon silang tatlong anak, ang panganay ay si Feliciano na tinatawag din na Cano ay 29 anyos na, mabait ito, matikas at matangkad, matalino, sa katunayan ay abogado na siya ng mataas na hukuman ng Laguna, ang trabaho niya na ito ang tinatahak din na landas ng kaniyang bunsong kapatid. Ang ikalawa sa mga anak ng Don at Doña ay si Soliana na 25 anyos na. Matangkad din ito na payat magaling sa musika, makinis ang maputing balat,ang mata nito na maliit ay lalo pang lumiliit pag may nakikitang di kaaya-aya sa kaniyang paningin. May pag ka mataray man ngunit sadyang mabait din ito tulad ng kaniyang mga magulang at kapatid. Samantala si Thomas ay 23 anyos na. Makisig,seryoso,mabait at mapagkawanggawa. Siya ay matangkad maputing lalaki, may matangos na ilong at nakakahalinang pares ng mata. Siya ay malapit nang matapos sa pag- aaral ng abogasya.
Balak niyang sumunod sa yapak ng kaniyang kuya kahit pa pwedeng pwede naman siyang sumunod sa yapak ng kanilang ama na Alcalde Mayor ng Laguna.Malawak ang kanilang lupain na nasasakupan na namana pa ni Don Romano sa kaniyang mga ninuno.
Ilang taon na ding namamayagpag sa bayang ito ang kanilang pamilya.Ilang taon na din ang lumipas ngunit sariwa pa din sa ala-ala ni Thomas ang unang pagkikita nila ng babaeng tinuring niya na siyang unang pag-ibig. Sariwang sariwa pa ito sa kaniyang ala-ala.
Kaytagal na rin ngunit di ka maalis sa aking puso't isipan,
Te Amo Mi Amor,
*******************************************************
#TeAmoMiAmor
BINABASA MO ANG
Te Amo Mi Amor
Historical Fiction"I love you, My Love" 5 years ago, Thalia met a boy who makes her feel uneasy with just one stare. She search for that boy all day but she couldn't find him. That boy turns to be a fine, kind, handsome and a successful man. And that man are g...