Maingay na tilaok ng manok ang nang gising kay Talia. Alas kuatro y media na ng umaga. Hindi malaman ni Talia ang kaniyang gagawin, nalilito siya kung gigisingin niya ba ang dalawang kaibigan. Sa maliit na dampa sila natutulog, meron itong papag na sakto lamang sa kanilang tatlo at maliit na aparador na lagayan ng kanilang mga damit. Meron ding maliit na kasilyas para sa kanila, dito sila maliligo. Sa huli walang nagawa si Talia kung hindi gisingin ang mga kaibigan, napabalikwas sina Maria at Carla sa pagkakahiga , nagpasalamat ang dalawa kay Talia sapagkat sadyang napasarap ang tulog nila. Agad silang naligo at nagbihis ng pinaka maganda nilang damit. Bagama't kupas na at tadtad ng tahi ang damit ng tatlo ay maganda at malinis pa rin silang tingnan. May suot si Carla na puting baro at bughaw na saya,dilaw na baro at berdeng saya ang kay Maria, samantalang pulang baro at itim na saya naman ang suot ni Talia.
Inigiban na muli ni Talia at pinuno ang ibang tapayan sapagkat nagamit ito kahapon sa pagluluto at paghuhugas ng pinggan. Iningatan niyang hindi mabasa ang kaniyang damit dahil suot niya pa ito maghapon. May mga manok sa likod ng mansyon nagiliw si Talia sa pagtingin sa mga iyon, Kumuha ng palihim si Talia ng bigas para ibudbod sa mga manok. Nagsilapitan sa kaniya ang mga manok at tinuka na ang mga ito ang butil ng bigas.
Ilang sandali pa nagulat si Talia ng may magsalita sa kaniyang likuran."Ikaw pala hija ay mahilig sa manok, kung gayon maari mo nang idagdag ang pagpapakain sa mga manok sa iyong mga ginagawa tuwing umaga." nakangiting wika ni Doña Sillena
Gulat na napalingon sa kaniya si Talia.
Hindi ito nakasagot dahil sa gulat kaya muling nagsalita ang Doña."Marahil ay ikaw si Talia, natutuwa ako na makita ka hija, sana ay pagbutihin mo ang iyong pagtatrabaho."
nakangiting wika ng Doña, nagpaalam na ito kay Talia at tumalikod na.Tulala pa rin si Talia sa nangyari, ni hindi niya nagawang batiin pabalik ang Doña. Natigil na lamang siya sa pagkagulat ng narinig niyang tinatawag na siya ni Maria.
"Talia, tapos ka na ba sa iyong ginagawa? Samahan mo ako sa pamilihan, mamimili tayo ng ilang sangkap na kakailanganin, Halika na para makauwi agad tayo ng maaga."
"Ah sige Maria tara na, sa katunayan ay kanina pa ako tapos,Nagpakain ako ng mga manok kanina, nagulat na lamang ako ng nakita pala ako ni Doña Sillena, binati niya ako at sinabi na maari ko na din idagdag sa aking trabaho sa umaga ang pagpapakain sa mga manok, sinabi niya pa na pagbutihin ko ang aking pagtatrabaho dito sa Hacienda."Gulat na napalingon sa kaniya si Maria.
"Talaga ba? Naku napakaswerte mo Talia. Mabait si Doña Sillena,nakikipag usap din siya sa ibang kasambahay lalo na sa mga bagong kasambahay pero di niya kami nakausap ni Carla dahil wala siya rito ng dumating kami."
Napangiti ng malaki si Talia. Napakaswerte niya sa araw na ito. Nagpatuloy sila sa paglalakad.
Alas nuebe ng umaga ng marating nila ang pamilihan, kaunti ang tao pero maingay ang mga tindero at tindera, kaniya-kaniya silang tawag sa mga mamimili.
"Talia maghiwalay tayo ikaw ang bumili ng karne,patatas at keso, ako naman ang bibili ng bawang,sibuyas,luya at kamatis, magkita tayo sa labas sa lugar na ito pagkatapos nating mamili."
Tumango si Talia at naghiwalay na sila.
Maaga siyang natapos sa pamimili, napatingin si Talia sa tindahan ng sumbrero, naalala niya na kailangan na kailangan ng kaniyang Ama at Kuya ang sombrero sapagkat maghapon sila sa paggapas ng palay.
Naalala niya rin ang nalalapit na ang kaarawan ng kaniyang Ama, sa Lunes na ito at mainam na iregalo niya ito sa kaniyang Ama. Napangiti sa kaniya ang tindera ng lumapit siya sa tindahan nito."Oh hija, bibilhan mo ba ng sumbrero ang iyong nobyo, magagandang klase ng sumbrero ang tinda ko, mamili ka lang ng gusto mo hija."
Napatango si Talia at napangiti na rin sa tindera.
Naagaw ng kaniyang pansin ang dalawang klase ng sumbrero na gawa sa feather, kinuha niya ang isa, ibibigay niya ito sa kaniyang Itay. Nang dadamputin na niya ang isa pang sumbrero ay nagulat siya sa kamay ng isang lalaki na kukuha din dapat sa sumbrerong kanyang dadamputin. Agad binawi ni Talia ang kaniyang kamay na nasa pagitan ng kamay ng ginoo at ng sumbrero, isang kapangahasan ang mahawakan ng ginoo ang kamay ng dalaga sa panahong iyon.Agad dinampot ni Thomas ang sumbrero, nagulat si Talia dahil balak niyang bilhin iyon para sa kaniyang kuya Binoy. Inagaw niya ito sa kamay ng binata, hinigit nila pareho ang sumbrero, nagulat si Thomas dahil nakikipag-agawan sa kaniya ang dalagang nasa kaniyang harapan. Nang higitin ulit ni Thomas ito ng isang beses ay nagulat sila ng masira ito. Nanlumo si Talia dahil nasira na sumbrerong nais niyang iregalo sa kaniyang kuya. Sinamaan niya ito ng tingin. Nagulat si Thomas ng makitang may mga luha ng lumalandas sa pisngi ng dalaga.
"Sinira mo ang regalo ko sa aking kuya" umiiyak na wika ni Talia sabay talikod at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Nais sanang sundan kaagad ni Thomas si Talia ngunit pinagbayad pa siya ng tindera sa nasirang sumbrero at sa sumbrerong dala ni Talia sa pag-alis. Agad niyang sinundan si Talia ngunit naglaho na ito sa pamilihan.
Samantala habang tumatakbong umiiyak si Talia ay nakasalubong niya si Maria, dali-dali niya itong niyayang umuwi. Hindi naman na nagtanong si Maria kung bakit umiiyak si Talia.
Alas diyes y media na ng makauwi sila sa Hacienda, malapit nang maluto ang adobong niluluto ni Manang Emma at Carla, tumahan na sa daan si Talia at kinuwento niya kay Maria at Carla ang nangyari habang hindi nakatingin si Manang Emma, wala namang naging reaksiyon ang dalawa kundi pagkahabag sa kaibigan at galit sa ginoong nakita ng kaibigan kanina sa pamilihan.
Niluto na nila ang kalderetang manok pagkatapos nilang handaan ng pagkain ang mag-anak, niyaya silang kumain ng Doña ngunit dali daling tumanggi si Manang Emma sapagkat may lulutuin pa sila. Nang maluto na ang kaldereta ay sila naman ang kumain. Nagsisiyesta na ang mag-anak at ibang trabahador sa Hacienda. Nagligpit na sila at matutulog sandali sapagkat alas dos ay ipaghahanda nila ng miryenda ang mag-anak at ang dalawang anak nila na lalaki.Nang mag alas dos ay hindi na magkamayaw ang lahat sa ginagawa, naubos na ang laman ng dalawang malaking tapayan kaya naman pinuno itong muli ni Talia. May narinig silang kalesa na dumating kaya naman dali dali silang pumila sa may bulwagan.
Natanaw ni Talia ang dalawang Señor na dumating, hindi niya ito makita ng ayos sapagkat nakaharap ito sa mga magulang, nang lumingon sa kaniya si Señor Thomas ay nanlaki ang kanilang mga mata. Hindi makapaniwala si Talia na ang lalaking umagaw sa gusto niyang sumbrero ay kaniya palang amo.
*******************************************************
#TeAmoMiAmor
BINABASA MO ANG
Te Amo Mi Amor
Historical Fiction"I love you, My Love" 5 years ago, Thalia met a boy who makes her feel uneasy with just one stare. She search for that boy all day but she couldn't find him. That boy turns to be a fine, kind, handsome and a successful man. And that man are g...