Kabanata 11: Nasirang Pagkakaibigan

2 0 0
                                    

Hindi mapakali si Talia sa kaniyang pag-tulog. Napakaraming bumabagabag sa kaniyang isipan. Ang kondisyon nang kaniyang ama at ang muli nilang pagkikita ng lalaking mahal niya pa rin kahit lumipas na ang limang taon.

Hindi siya mapalagay. Ano kaya ang binabalak ng kaniyang ama. Dapat ay pumayag na lamang ito na maging abogado si Señor Cano pero tinanggihan ito ng kaniyang Itay. Bakit? Napakagandang oportinidad na nito upang muli silang magkasama-sama ngunit hindi pala pumayag ang kaniyang ama.

Naguguluhan na siya sa mga nangyayari, idagdag pang si Señor Thomas pala ang lalaki sa hardin ng mga Concepcion. Kaya pala tila pamilyar ang mga mata nito kapag tinititigan siya nito. Kaya rin pala pamilyar dito ang kaniyang biloy at mga mata. Ngunit paano ito? Ikakasal na siya sa kaibigan niyang si Florina. Kahit na itinakwil na siya nito ay kaibigan pa rin ang turing niya dito. Akala niya ay walang makaktibag sa pagkakaibigan nila, ngunit nagpatanggay si Florina sa masamang ugali ng ama. Malaking gulo rin pag nalaman nila na nagpahayag ng pag-ibig sa kaniya si Thomas kanina. Sa mga titig nito ay alam niyang tunay at bukal sa loob ang nararamdaman nito sa kaniya lalo pa't napanatili ito ni Thomas sa loob ng limang taon. Napaisip siya, mahal din kaya ni Thomas si Florina? Nagpahayag kaya siya ng pagtutol sa kasalan na magaganap? Ngunit nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Thomas ng ianunsyo na ikakasal na sila. Nasiyahan siya sa reaksiyon niyang iyon ngunit nang maisip ang kaibigan ay agad siyang nanlumo. Hindi pwedeng si Thomas ay isa rin sa makakasira sa kanilang pagkakaibigan.
Buo na ang kaniya pasiya. Tutungo siya bukas sa Hacienda Salve at kakausapin si Florina.

Kinabukasan,
Ang araw ay hindi pa sumisilip ng umagang iyon ngunit makakarinig na ng mga tilaok ng manok. Malamig ang panahon dahil nalalapit na ang kapaskuhan.
Samantala naglalakad sa mahabang kalsada ang isang babae na naka dilaw na baro at asul na saya. Napakalalim ng kaniyang iniisip. Sari-saring problema ang pilit niyang sinusulusyonan. Pilit niyang pinagtatagpi-tagpi ang lahat.

"Masama ang kutob ko sa Lope na yan. Pakiramdam ko ay may masama siyang binabalak. Hindi ko mahulaan ang tumatakbo sa kaniyang isipan."

" Ano po ang ating marapat na gawin?" nakayukong saad ng isang lalaking may pulang takip sa bibig. Pinagkakatiwalaan na siya ng Don mula pa lang nong bago pa ito maging isang sundalo. May anak na si Don Claverino bago pa ito maging sundalo. Si Jose ang kaniyang patagong espiya at taga masid sa mga lugar na kanilang sasalakayin. Ang mga tulisan sa panahon na iyon ay mainit sa kanilang paningin. Naging mahigpit ang mga sundalo noon dahil sa dumaraming tulisan kaya naman natatakot ang mga tao. Pinag-igting ng gobyerno ang siguridad sa ibat ibang panig ng Mindoro Kabilang sa mga sinugo ng pamahalaan si Don Claverino. Siya ang namuno sa paglaban sa mga tulisan kaya naman nagkamit siya ng napakaraming medalya, salapi at papuri galing sa gobyerno at mga tao. Sa kabila ng pagiging bayani na ipinapakita ni Don Claverino sa mga tao ay nagkukubli ang tunay niyang ugali. Alam ng mga kasamahan niyang sundalo na nakiusap ang ibang tulisan na pagbigyan anf kanilang hiling. Ang tanging dahilan kung bakit sila nag aalsa ay sa hindi magandang pamamalakad ng mga opisyales at ng gobyerno. Nakipag usap at nakiusap ang mga tulisan na pakinggan ng gobyerno ang kanilang hinaing ngunit hindi nakinig si Don Claverino. Inutusan niya ang kaniyang mga kapwa sundalo na kitilan ng buhay ang mga makikita o mapapaghinalaan ng mga tulisan. Walang nagawa ang ibang sundalo kundi sumunod dahil nakasalalay ang buhay nila at ng pamilya nila pati na rin ang kanilang mga trabaho.
Marami ang nakatakas sa pangyayari na iyon at matagal ng naibaon sa limot ang masaklap na pangyayari na iyon. Ngunit sa puso ng mga taong nakaligtas ay nananaig ang paghihiganti sa mga taong nasa likod ng pagkamatay ng kanilang mga ka-nayon.

"Katulad ng dati, kitilin ang dapat kitilan ng buhay. Akoy naniniwala na may masamang balak ang Lope na 'yan, kaya naman hangga't maaga pa ay uunahan na natin siya" Napuno ng nakakatakot na halakhak ang silid tanggapan ni Don Claverino. Ang halakhak na ito ang nagpapatunay na may papatayin na naman siya.

"HINDI tumatanggap ng bisita si Señorita Florina sa ngayon Talia."

"Ngunit Manang Boni, kailangan ko pong makausap si Florina. Batid ko pong may nalalaman na kayo, ngunit hindi po ba maganda na magkausap muna kami pag maintindihan ang hinaing at problema namin sa isa't isa. Hindi po maganda na basta na lamang bitawan ang matagal na naming pinagsamahan. Kaya Manang Boni, parang awa nyo na po, Hayaan ninyo po akong makausap si Florina." Maiyak-iyak na si Talia habang kausap ang tinuturing niya na ring Ina. Mula noong magkakilala silang magkakaibigan ay itinuring na rin nilang magulang ang mga magulang ng kanilang mga kaibigan. Nalaman nila na si Florina ang walang Ina sa kanila kaya si Manang Boni na ang tumayong Ina nito.
Mabait si Manang Boni, isa itong matabang ginang na may kulot na buhok. Katamtaman lamang ang laki nito at may maputing kulay ng balat. Masaya ito kapag napaglilingkuran niya ang pamilya Salve lalong lalo na ang pag gabay sa magkakapatid. Istrikta ito pag dating sa pangangaral tungkol sa tamang asal at pag-uugali ng mga babae. Ayon dito ay ang pagkakaroon ng maayos na dignidad at tamang paguugali at kompiyansa sa sarili ang angat sa lahat. Dahil kung meron ka nito hindi ka basta-bastang mapapatumba at mayuyurakan ng iba.
"Pasensya ka na Talia, ngunit sadyang ayaw ka na makausap ni Florina. Ayon sa kaniya ay hindi ka na raw niya ibig pang makita." Malubgkot na saad ng matanda.
Nanlumo si Talia. Batid niya ang pagpapaliwanag ang magandang gawin upang maging malinaw ang lahat,ngunit sa lagay niya ngayon paano siyang makakapag-paliwanag kung sarado ang isip at puso ni Florina na umunawa sa lahat.

#TeAmoMiAmor

********************************
Next Update: November 27

Te Amo Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon