Huni ng kulilis ang nagpagising sa naidlip na isipan ni Mang Lope. Hangang ngayon ay hindi niya mailihim ang katotohanang aminado siya sa nagawang krimen. Alam niya sa sarili na masama ang magnakaw, ngunit hindi niya maatim na magutom ang kaniyang pamilya at isa pa nagpapakahirap naman siya sa palayang iyon. Limang taon na niyang sinasaka ang palayang iyon, ngunit dalawang kaban lamang nang palay ang napupunta sa kaniya sa loob ng isang taon. Hindi sapat ang mga iyon kaya nagpasya ang kaniyang asawa na maglabada sa mga mayayamang pamilya. Hanggang sa nagdalaga at nagbinata na ang kaniyang mga anak ngunit ganoon pa rin ang binibigay sa kanila ni Don Claverino. Wala siyang magawa kundi ang magtiis, kung walang ginagawa sa bukid ay isinasama niya ang kaniyang anak na si Binoy sa pagpapanday. Mas malaki ng kaunti ang sahod dito kaya nakakaraos sila sa maghapon. Natutuwa siya sa kaniyang bunsong anak dahil nagsusumikap itong mag- aral sa ilalim ng pagtuturo ni Padre Rosales. Nagpapasalamat siya sapagkat sadyang kay buti ng butihing pari para tumulong sa mahihirap na kagaya nila. Ngunit sa kabilang banda nalulungkot siya para sa anak na si Tanya dahil hindi nito magawang makapakinig sa turo ng pari dahil mas pinili nito na samahan sa paglalabada ang ina.
Malalim ang kaniyang pinakawalang buntong - hininga. Sunod-sunod na yapak ang paa ang kaniyang narinig, nagulat na lamang siya nang pwersahang binuksan ng mga guardia civil ang kanilang sawaling pinto. Dali daling bumangon si Mang Lope, at sinundan naman siya ni Aling Nelia na kanina pa rin pala nakikiramdam sa paligid tulad niya. Alam ng kaniyang asawa ang kaniyang nagawa at kagabi pa nila ito pinoproblema. Pagkalabas nilang mag-asawa sa kanilang silid ay nagulantang sila sa kanilang nakita. Ang kanilang dalawang anak ay nakaluhod sa harap ni Vencio Villante ang kilalang heneral na taga-sunod ni Don Claverino at pinagkakatiwalaan nito sa seguridad sa kaniyang Hacienda.
" Magandang umaga po Heneral Vencio, ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo". mahinanong wika ni Mang Lope bagama't nagtitimpi sa nakikitang posisyon ng dalawang anak.
" May nakarating sa aking lihim na pina-abot ng butihing Don Claverino na ikaw Lope Dominguez ay inaanyahan malitis dahil sa pagnanakaw ng limang kaban ng palay na nagmula sa palayan ng Hacienda Salve. At dahil dito sasama ka sa amin at habang nililitis namin ang iyong kaso ikaw ay pansamantalang ikukulong sa piitan sa loob ng munisipyo". mahinahon ngunit may diin na paliwanag ni Heneral Vencio. Bagamat tagasunod ito ng mabagsik na Don ay mabait at pantay ang pakikitungo nito sa lahat ng taong nakakasalamuha.
Maagang nagising at nagligpit si Talia. Nasasabik na siyang makita at mayakap ang kaniyang pamilya na ilang araw niya ding hindi nakita. Nakausap at nagkatuwaan niya pa ang kaniyang dalawang kaibigan na ngayon ay nasa kani kanilang trabaho na. Kanina sa kusina matapos niyang patayin ang ilaw na kalboro ay pinabaunan siya ni Manang Emma ng sinulbot na maagang niluto ng matanda sapagkat paborito ito ng magkakapatid at hiniling sa matanda na ipagluto sila nito. Pinaalalahan pa siya ng matanda na mag-ingat sa daan, nagpasalamat naman siya at dumiritso na sa kanilang kubo upang kunin ang kaniyang mga gamit.
NAGLALAKAD si Talia ng mapansin niyang kumpol kumpol ang mga tao. Meron sa harap ng sapatosan at damitan, meron din sa mga gilid ng kalsada.Para bang may mahalagang pinaguusapan ang mga tao dahil napaka seryoso ng mga ito. Magtatanong sana si Talia ng magulat siya sa kaniyang narinig.
" Nililitis na ngayon sa palayan ang matandang nagnakaw ng limang kabang palay sa kaniyang sinasakang palayan. " hinihingal na salaysay ng binatang lalaki.Hindi malaman ni Talia kung bakit siya kinakabahan. Dali-dali siyang tumakbo patungo sa kinaroroonan ng paglilitis. Napakaraming tao kaya hindi gaano makita ni Talia ang nililitis. Maya-maya pa ay nanlaki ang mata ni Talia ng makita na ang kaniyang ama pala ang nililitis. Tumakbo siya papunta sa palayan at sumigaw. Ngunit bago pa siya makaalis ay nagulat siya sa kamay na kumapit sa kaniya ng magigpit.
"I-taaaaay, II-taaaaa—"
"Wag kang maingay!, kapag nalaman nila na may kamag-anak ang iyong ama na hindi nananatili sa inyong tahana ay tiyak na lalong madidiin ang iyong Itay."
"Mas makabubuti na bumalik ka na lamang muna sa Hacienda at kami na ni kuya ang bahalang umasikaso sa kaso ng iyong ama."Tulala pa rin si Talia, Hindi siya makapaniwala na makakagawa ng ganun ang kaniyang ama. Kilala niya ito bilang isang matuwid na tao. Hirap man sila sa buhay ngunit hindi nito nagawang mangupit sa kanilang sinasakang palayan. At kung halimbawa man na nagawa talaga ito ng kaniyang ama, Ito marahil ay dahil sa pang-gigipit sa kanila ng mga tauhan ay ni Don Claverino mismo. Dahan-dahan na siyang inalalayan ni Thomas na sumakay sa kanilang kalesa. Wala man sa sarili, ngunit namangha siya sa loob ng kales. Ito ang kaniyang unang beses na makasakay sa kalesa. Napatingin siya kay Thomas na nasa kaniyang harapan, nakita niya na kanina pa pala ito nakatitig sa kaniya. Umiwas ito ng tingin ng magkasalubong ang kanilang mga tingin. Hindi malaman ni Talia ang kaniyang gagawin kung kaya't napatingin na lamang siya sa labas. Natanaw niya na ang mga tao ay hindi na nagkukumpolan At nasa kami-kanila nang mga gawain. Alas- nuebe ng umaga At kung nasa Hacienda siya ay kasalukuyan na siguro siyang mag-iigib ng tubig.
"Senor, bababa na ho ako. Maari na ho akong maglakad mula rito sapagkat hindi na ito malayong lakarin patungo sa inyo". nahihiyang sabi ni Talia na nanatiling nakayuko.
Hindi muna umimik si Thomas, hinayaan niyang magsalita si Talia. Napansin ni Thomas na nakayuko lamang si Talia. Nagulat siya nang mabilis itong tumalon sa kalesa at tumakbo ng mabilis. Hindi makapaniwala si Thomas sa kaniyang nakita. Sadyang ang binibining iyon ay napaka-pambihira.
Nagulat sina Carla at Maria sa biglang pagsulpot ni Talia sa kanilang likuran sa kusina. Agad nila itong binigyan ng isang basong tubig at pinaypayan. Ramdam nila ang pagod at ang lungkot nito. Kahit hindi malaman kung anong dahilan, alam nila na may problema itong dinadala. Nagulat silang muli ng umiyak ito at humikbi ng mahihina.
"Talia, sabihin mo sa amin ang iyong problema at dinadala. Nakahanda kaming tulungan ka. At kung hindi ka handang magbahagi ay ayos lamang naman basta kami ay narito lamang sa iyong tabi". Napahinga ng malalim si Talia. Medyo nahimasmasan na siya sa nangyari kanina. Pero hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kanina. Para bang kay bilis nang mga pangyayari."Paanong magagawa ni Itay na magnakaw ng limang kabang palay, ni hindi na nga siya nagrereklamo sa dalawang kabang natatanggap niya sa loob ng isang taon kahit pa napakalaki ng palayan na kanilang sinasaka, Hindi ako naniniwala na magagawa iyon ng aking Itay. At kung sakali man na magawa niya iyon ay marapat lamang na limang kaban o higit pa ang kaniyang kunin sapagkat sila ang nagpapakahirap sa palayan ng iyon". Napabuntong-hininga si Talia. Naguguluhan siya sa mga sunod m-sunod na pangyayari. Bukas ay kaarawan na ng kaniyang Itay, ngayon ay nasa kanila na sana siya at masayang nakikipag-kwentuhan sa kaniyang pamilya. Naroon ang mga katanungan na" Bakit nagawa iyon ng kaniyang Itay?" " Magagawa niya ba iyon?" " Kamusta kaya ang kaniyang mga kapatid at ang kaniyang Inay at Itay?" "Nakakain na kaya ang mga ito?" "At paanong nangyaring nandun si Señor Thomas?"Ang mga tanong na iyon ang bumabagabag sa kaniyang isipan mula pa kanina.
" Alam mo Talia, magpahinga ka na lang muna. Sigurado kami na maintindhan ng pamilya Sevilla ang iyong nararanasan at nararamdaman ngayon. Mas makabubuti kung magpahinga ka at bukas sasama kami sa iyo, uuwi tayo at bibisitahin natin ang iyong Itay sa piitan. " mahinahong wika ni Carla. Nag-aalala ito para sa kaniyang kaibigan. Hindi sila sanay sa kalumbayan ni Talia ngayon. Malungkot na tumango si Talia at nagtungo na sa kanilang kubo.HAPON nang makauwi si Thomas sa Hacienda. Napag-usapan nila ni ng kaniyang Kuya na ito ang magiging Abogado ng Itay ni Talia. Kahit na anong mangyari ay gagawan niya nang paraan na maipag-tanggol ang ama ni Talia. Hindi niya alam kung bakit kay gaan ng kaniyang loob kay Talia. Hindi dahil sa katulong nila ito kundi dahil ramdam niya na matagal na niya itong nakita. Para bang may nag-uudyok sa kaniya na tulungan ito. Sapagkat may kakaiba siyang nararamdaman sa babaeng iyon.
********************************
# TeAmoMiAmor
Author's Note:
Hello my AxXies, kamusta kayo? Masaya ako na nagkaroon ako ng oras na makapag -update. Sana ay wag kayong mainip sa paghihintay. Samahan nyo pa rin sana ako sa daloy ng istoryang ito hanggang sa huli. Salamat At Magandang Gabi!.
BINABASA MO ANG
Te Amo Mi Amor
Historical Fiction"I love you, My Love" 5 years ago, Thalia met a boy who makes her feel uneasy with just one stare. She search for that boy all day but she couldn't find him. That boy turns to be a fine, kind, handsome and a successful man. And that man are g...