Kabanata 2: Ang Unang Pag-ibig

24 3 0
                                    

Mataas na ang araw ngunit di ito alintana ng magkakaibigang Carla, Maria at Talia. Alas sais ng umaga ng nilisan nila ang kanilang nayon.  Bitbit ni Talia ang bayong na naglalaman ng ilang damit niya at ang pabaon ni Aling Nelia sa kanilang tatlo na walong nilagang saging na saba. Dahil nagutom ang tatlo sa layo ng nilakad ay kinain na nila ang baon na saging at uminom saglit sa nadaanang batis.

Ala una ng hapon ng makarating sila sa Hacienda Sevilla. Namangha si Talia sa napakataas at napakalaking pader ng hacienda na may nakaukit na,
"HACIENDA SEVILLA"
May dalawang palapag ang mansyon, ang ibabang bahagi nito ay kinaroroonan ng  malaking balkonahe,kasilyas at kusina. Sa ikalawang palapag naman ay naroon ang tanggapan ni Don Romano,silid ng mag-asawa,at silid  ng magkakapatid. Pagka-akyat sa hagdan ay makikita mo kaagad ang tanggapan ng Don, nasa kanang bahagi ang silid ng Don at Doña at silid ni Cano, sa kaliwang bahagi naman ang silid ng magkapatid naSoliana  at Thomas.

Ang Hacienda ay may malawak na hardin sa harapan,mahilig magtanim ng bulaklak si Doña Sillena  kaya nakakahalina itong pagmasdan,napapalibutan ang Hacienda ng mga bulaklak na rosas  at mirador
May azotea ito na nakaharap mismo sa hardin.
Sa gilid ng hacienda ay malaking balon na pinagkukunan ng inumin.

   Madaming guardia sibil sa palibot ng hacienda,sinisigurado ng mga ito na walang magtatangka na manghimasok at manggugulo sa loob ng haciendang kanilang pinaglilingkuran.

Nakatulala pa rin si Talia, manghang mangha siya sa kaniyang nakikita.

"Carla, tawagin mo ulit si Talia para makapanhik na tayo sa mansyon, sigurado ako na kanina pa tayo hinihintay ni Manang Emma."

Tumango si Carla sa tinuran ni Maria.

"Talia, tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Manang Emma."

"Ah sige, pasensya na sadyang kamangha-mangha lamang talaga ang Hacienda Sevilla."

Napatitig pa ulit ng ilang saglit si Talia sa mansyon bago nagsimulang maglakad kasabay ang dalawang kaibigan
Sa likod dumaan ang tatlo sapagkat isang hamak lamang sila na katulong ng mansyon, ang maari lamang dumaan sa harapan ng mansyon ay ang mahahalagang tao.

"Oh Carla at Maria narito na pala kayo, Ikaw ba hija si Talia? Natutuwa ako na makilala ka, nawa ay sama-sama nating paglingkuran ng maayos at tapat ang pamilyang ito. Samahan nyo na Carla at Maria si Talia sa inyong dampa, hahayaan ko kayong mag siyesta muna at mamayang gabi gawin nyo na ang mga nakaatang ninyo na tungkulin. At ikaw naman Talia ikaw ang magsisindi ng mga lampara sa buong bahay, mag-igib ka na din at punuin mo ang mga tapayan nang hindi na tayo mahirap sa tubig bukas. Alas dos ng hapon darating ang magkapatid na Thomas at Cano kaya naman maaga pa lamang ay magluluto na tayo sa mansyon. Madaming darating na mga mataas na opisyal kaya kailangan nating maging handa sa okasyon bukas. Kailangan nating pagbutihin ang lahat, naiintindihan nyo ba?" nakangiting wika ni Manang Emma.

Nagkatinginan ang magkakaibigan at sabay sabay na tumango sabay ngiti, si Talia ang pinaka masaya dahil may trabaho na siya at mukhang mababait naman ang mga tao sa Hacienda.

Nang dahil sa pagod sa mahabang nilakad ay nakatulog kaagad ang tatlong magkakaibigan. Nang mag alas kuatro ay sabay sabay na silang naligo at naghanda para sa gawain nila sa gabing iyon. Madali nilang natapos ang kanilang gawain para sa gabing iyon.Nang mag alas siyete ay naghanda na sila ng hapunan para sa mag-anak. Si Soliana lamang ang kasama nang mag-asawa dahil nag aaral ito ng musika sa tulong ni Madam Selverio. Nang matapos ang hapunan nang mag-anak ay sila naman ang kumain. Nagligpit na sila at pinatay na ni Talia ang mga lampara.

Nang mag-tutulugan  na ay nagdasal muna si Talia, ipinapanalangin niya na sana ay maging maayos ang lahat,hindi na rin siya makapaghintay na makita ang lalaking mapapangasawa ng kaniyang matalik na kaibigan na si Florina,nais niya lamang tiyakin na maayos ang mapapangasawa ng kaniyang kaibigan.
Naalala niya pa ang unang beses na magkakilala sila ni Florina, limang taon na rin ang nakalipas, naalala niya rin ang unang beses na tumibok ang kaniyang puso sa isang lalaki, kaytagal na rin...........

May okasyon noon sa pamilya Concepcion, umanggat sa pwesto si Heneral Renato Concepcion kaya naman nag imbita siya para magdiwang. Maingay at nagkakasiyahan na sa mansyon ng mga Concepcion. Ang mga tagapangalaga ay hindi na magkaintindihan ang gagawin sapagkat napakakukulit ng kanilang mga alaga.

Sa labas ng mansyon ay naroon ang mga mahihirap na nabigyan din ng pagkakataon na makisaya sa pagdiriwang.
Nagpapahabol si Florina Salve sa kaniyang tagapangalaga, labing limang taong gulang na ito pero hindi hinahayaan ni Don Claverino na walang mag-aalaga dito lalo na at nasa dalawang buwan pa lamang ang pagkamatay ng asawa nito

Hindi na mapapakali ang tagapangalaga ni Florina dahil nawala na ito sa kaniyang paningin tiyak na mapaparusahan siya ng Don at mawawalan siya ng trabaho. Hinahanap na si Florina ng tagapangalaga nito.

Naglalaro noon sa hardin sina Carla,Maria at Talia. Nakita nila na nadapa si Florina kaya agad nila itong inalalayang tumayo, pinagpagan din ni Talia ang damit nito, agad naging magkaibigan ang apat sapagkat parehas naman silang mababait. Linggid sa kanilang kaalaman ay kanina pa sila pinagmamasdan ng magkakaibigan na Thomas, Enrique,Jaime,Lito at ang kapatid ni Thomas na si Cano. Nakita nila kung paano tinulungan ng tatlo si Florina. Nakita din nila kung gaano kababait at kagaganda ang apat. Nakita ni Celeste ang pangyayari na iyon kaya naman agad niyang pinuntahan ang apat at dalagita at kinaibigan niya ang mga ito. Sinumbong niya na kanina pa sila pinagmamasdan ng mga binata sa may bulaklak na Santa Ana, agad lumingon  ang apat na dalaga sa kinaroroonan ng mga binata,napaiwas ng tingin ang tatlo, ngunit di umiwas ng tingin si Talia nanatili lang siya na nakatingin kay Thomas na kanina pa din pala nakatingin sa kaniya. Nahiya siya sa kaniyang inasal. Napaiwas siya ng tingin at niyaya ang apat na dalaga na umalis na duon dahil baka hinahanap na sila ng mga magulang nila.
Nang gabing iyon ay parehas na hindi makatulog sina Talia at Thomas parehas nilang naramdaman ang di normal na pagtibok ng kanilang puso ng magkatitigan sila. Tinuring ni Thomas na unang pag-ibig si Talia kahit hindi niya ito kilala. Samantala napapaisip si Talia kung bakit siya tinitigan ng binatang iyon ng ganun. Dumaan ang araw at di na niya nakita ang binatang iyon ngunit umaasa pa rin siya na muling makikita  ang binatang iyon. Iniukit niya sa kaniyang ala-ala at puso ang pangyayari na iyon.

Ipinikit na lamang ni Talia ang kaniyang mga mata. Nagdaan man ang limang taon ngunit hindi naglaho ang ala-ala niyang iyon. Gabi na, kailangan na niyang matulog sapagkat napakarami nilang gagawin bukas. Kailangan niyang pagbutihin ang kaniyang pagtatrabaho dahil para ito sa kaniyang pamilya.

*******************************************************

#TeAmoMiAmor

Te Amo Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon