"Anya, Talia, Bilisan nyo na diyan at baka sa iba na ibigay ni Manang Bonita ang mga damit na labahan nina Don Claverino"
Alas-sais ng umaga ay lumakad na ang mag-ina upang mangupahan sa paglalaba. Ganito ang kanilang ginagawa noon pa man, bata pa lang ay katuwang na ni Aling Nelia ang kaniyang dalawang anak na babae sa paglalabada. Maaga mang namulat sa kahirapan ng buhay, pero hindi ito naging hadlang sa mag-anak upang magpasalamat sa Panginoon sa mga biyaya na kanilang natatanggap sa araw-araw, maging ang kanilang pagiging ligtas.
"Ina malapit na ang kaarawan ni Itay, kaya naman naisip ko na tanggapin ang trabaho na bakante sa Hacienda Sevilla."
"Sigurado ka ba sa desisyon mo na yan Talia? Pero kung iyan ang desisyon mo ay wala kaming magagawa." ani ni Anya
"Oo Ate, mas lalaki ng kaunti ang aking sahod pag naging kasambahay ako sa Hacienda na iyon, Ngunit di ko intensyon na iwanan kayo ni Inay sa paglalaba, sadyang napakagandang opurtunidad lamang ito nang sa ganun ay may mapagsaluhan tayo sa darating na kaarawan ni Itay, at para na rin may maidagdag ako sa pambili ng gamot mo Inay"
"Kung buo na ang pasiya mo ay di naman kita pipigilan anak, Mag-iingat ka lamang doon, Kailan ka ba magsisimula anak?" wika ni Aling Nelia
"Salamat Inay at Ate, Nakausap ko po sina Maria at Carla kahapon, nagpapahanap daw po ang Mayordoma ng Hacienda Sevilla ng bagong kasambahay sapagkat darating po galing Maynila sa Biyernes ang dalawang anak na lalaki ni Don Romano. Magkakaroon ng malaking handaan sa Hacienda kaya kailangan ay bukas ay magsisimula na kami sa trabaho. Nirekomenda po ako nina Maria at Carla. Nagtiwala naman agad sa kanila si Manang Emma dahil dalawang taon na silang naninilbihan sa Hacienda at naging katuwang na rin ng matanda."
Tango na lamang ang naging sukli ni Aling Nelia sa anak. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa narating na nila ang Hacienda ng mga Salve.
"Oh Nelia, mabuti naman at nandito na kayo, Heto na ang mga damit na inyong lalabhan, katulad ng dati ito na ang inyong pagkain at bayad sa paglalaba, katulad din ng aking laging bilin paka- ingatan nyo ang paglalaba sa mga damit, sapagkat magagalit sa inyo si Señorita Susana at baka di na kayo makapaglaba pang muli sa mansyong ito."
"Oo sige Bonita, Aalis na kami ipapahatid ko na lamang ang mga tuyong damit mamayang hapon kay Anya at Talia, Maraming salamat Bonita"
Halos alas 10 na nang matapos ang mag-ina sa paglalaba. Kinain na nila ang pagkaing ibibigay ni Manang Bonita sa kanila kanina.
"Ate, pagkatapos nating ihatid ang mga nilabhan natin mamaya, maari bang mauna ka na sa pag-uwi sapagkat dadaan muna ako kay Padre Rosales, magpapaturo ulit ako sa kaniyang bumasa at sumulat."
Napangiti si Anya, alam niyang gustong gusto ni Talia matutong bumasa, isang taon na ring tinuturuan ni Padre Rosales ang kaniyang kapatid, si Talia na lamang ang nagtuturo sa kaniya na bumasa at sumulat ng alpabeto sapagkat mas abala si Anya sa paglalaba at di nito napagtutuunan ng pansin ang mga turo ni Padre Rosales. Napatango na lamang siya sabay ngiti muli, kailan man ay di siya napa-ayaw ng mga ngiti at paglalambing ng kaniyang bunsong kapatid.
Napangiti na lang din si Aling Nelia sapagkat pinairal na naman ni Talia ang kaniyang pagiging malambing,dahilan kung bakit walang nakakatanggi dito.
Alas kwatro ng hapon ng maihatid ng magkapatid ang mga damit sa Hacienda Salve, nagpasalamat sa kanila si Manang Bonita. Gusto sana ni Talia na makipagkwentuhan kay Florina ngunit pauwi pa lang ito galing Maynila at sa Biyernes pa ang dating kasabay ng magkapatid na Thomas at Feliciano, matagal na ring naulinigan ni Talia ang kasunduang kasal nina Thomas at Florina. Suportado naman niya ang kaibigan nasi Florina ngunit di sa kaniya mawawala ang pangamba sapagkat di niya pa nakikita si Thomas Sevilla, naririnig niya lamang sa mga tao sa bayan na makisig, seryoso, at mabait din daw ang bunsong anak ni Don Romano, gwapo din daw ito.
Nagpaalam na si Talia sa kaniyang Ate Anya at dumeretso na sa simbahan. Nadatngan niya si Padre Rosales na may kausap na Ale. Napatingin sa kaniya si Padre Rosales at napangiti, napangiti na din si Talia.
Umalis na ang Ale at agad nagmano si Talia kay Padre.
Bagama't isang oras lamang ang nagugugol ni Talia sa pag-aaral sa pagsulat at pagbabasa ngunit malaking bagay na ito para sa kaniya."Oh Talia handa ka na ba sa ating pag-aaralan ngayon?"
"Opo Padre, lagi po akong handa sa ating mga tatalakayin, hanggang ngayon po ay lubos pa rin akong nagpapasalamat sa inyo sapagkat kahit mahirap lamang ako ay tinuturuan niyo pa rin akong sumulat at magbasa."
"Hanggang kaya ko Talia na tumulong sa mga taong nangangailan kahit pa kaunti lang ang maitutulong ko ay gagawin ko."
"Naku Padre di po ito maliit na bagay para sa aming mahihirap, napakalaking bagay na po ito para sa amin."
"Kung gayon tayo ay mag-umpisa na."
Madaling matuto si Talia, matalino sya kaya madali din itong turuan. Marunong na siyang magbasa ng alpabeto, ganun din ang pagsusulat nito, ang kaniya na lamang inaaral ay mga gamit nito sa bawat pangungusap. Alas sinko ng matapos sila. Agad nagpaalam si Talia at nagpasalamat sa pari.
"Mag-iingat ka sa iyong paglalakad Hija, may dala ka bang lampara kung sakaling ikaw ay gabihin sa daan?"
"Salamat pong muli padre, Opo padre,lagi po akong handa" wika ni Talia sabay ngiti
Napangiti ang pari alam niya sa sarili niya na nagtataglay talaga ng pambihirang karunungan ang dalagang kaniyang kaharap. Nagpaalam ng muli ito at naglakad ng matiwasay sa madilim na daan.
*******************************************************
May Akda:
Ang kwentong ito ay may serye
*******************************************************
#TeAmoMiAmor
BINABASA MO ANG
Te Amo Mi Amor
Historical Fiction"I love you, My Love" 5 years ago, Thalia met a boy who makes her feel uneasy with just one stare. She search for that boy all day but she couldn't find him. That boy turns to be a fine, kind, handsome and a successful man. And that man are g...