Isang grupo ng mga kalalakihang nakatakip ang bibig at may kani-kaniyang dalang sulo, patalim at palaso ang naglalakad sa madilim na kagubatan. Hindi nila alintana ang malamig na panahon. Buo ang kanilang loob na itakas ang kanilang kasamahan. Nakulong ito ng dahil sa kasinungalingan ni Don Claverino at mga tauhan nito. Ang tangi lamang ipinaglalaban nila ay ang katarungan ng kanilang mga ka-nayon na namatay labing limang taon na ang nakalipas. Napakatagal ng panahon at ang iba sa kanila ay namatay na sa katandaan pero bago mamatay ang mga ito ay kabilin-bilinan na kailangan ituloy ang mga naudlot na hangarin. Kailan man ay hindi ito nawala sa kanilang mga puso at isipan.
" Bago magbukang-liwayway kailangan mailabas natin si Ka Lope sa kulungan at ipagpatuloy ang mga nasimulan." saad ng pinakapinuno sa lahat. Tahimik na napatango ang lahat. Halata sa mga mata nila na desido na sila sa kanilang gagawin. Bago pa man sila umanib sa samahan na ito ay alam na nila ang kanilang ipinaglalaban. Bilang isang maralita na nabubuhay sa mundo hindi nila kasalanan na ipanganak na mahirap, ngunit pwedeng- pwede nilang mabago ang lahat kung buo lamang ang kanilang loob. Tapang at pagiging desido ang kanilang puhunan sa labang ito. Kung laro ito kay Claverino ay lalaruin din nila ang laro nito.
MADILIM pa ang kapaligiran, matamang nagbabantay ang mga guardia civil na nasa kani-kanilang posisyon. Para sa kanila hindi lamang para sa salapi kaya sila nagtatrabaho kundi para rin mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng lahat.
Maririnig ang mga kakaibang tunog sa kapaligiran ngunit hindi ito pinapansin ng mga guardia civil dahil marahil huni lamang ito ng mga ligaw na hayop o di kaya naman ay mga insekto sa kagubatan. Hindi nila alam na ito na ang hudyat sa pagsalakay ng mga tulisan sa pangunguna ni Rupido.
Nang marinig ni Mang Lope ang mga tunog na iyon ay dali-dali siyang tumayo galing sa pagkakahiga at inihanda ang sarili sa pagtakas.Mahangin ng mga panahon na iyon kaya naman sinamantala ito ng mga tulisan upang isabog sa hangin ang dala nilang mga pulbos( powder) na may pampatulog na nabili nila sa isang kilalang manggamot sa bayan. Agad nakatulog ang mga guardia nang sumimoy ang hangin. Kumilos ang ibang mga tulisan sa pangunguna ni Rupido papasok sa kulungan upang tahimik na maitakas si Mang Lope matapos makuha ang susi sa guardia civil.
Samantala ang ibang naiwan sa labas ay dali-daling kinuha ang mga baril na nasa bulsa ng mga nakatulog na guardia.Nang makapasok na sila ay dali-dali nilang inilabas si Mang Lope sa kulungan. Nang matagumpay na nakalabas ay nilisan na nila at lugar na iyon hanggang sa unti-unti na silang naglaho sa dilim bago pa man sumikat ang haring araw.
SAMANTALA, hindi pa rin makapaniwala si Talia sa nangyari kanina. Hindi niya lubos maisip na hahantong sa ganitong sitwasyon ang limang taon nilang pagsasama. Dahil sa kaniyang mga iniisip ay hindi niya napansin na nakarating na siya sa isang lawa. Kung sa ibang lawa ay matatakot ka, sa lawang ito ay mamamangha ka. Nababalot ito ng pinaghalong tanim ng rosas at gumamela. Bagama't kunti lang ang mga bulaklak na iyon doon ay kay ganda pa rin nitong pagmasdan. Napapalibutan din ang lawa ng mga luntiang kulay dahil sa damo at mga puno.
Dahan-dahang naupo si Talia sa damo at marahang ipinikit ang kaniyang mga mata para damhin ang malamig ang preskong simoy ng hangin. Maya-maya pa ay nagulat si Talia sa presensya ng hindi niya inaasahang tao na ngayon ay nasa kaniya ng tabi." Mas maganda ka kapag nakangiti" nakangiting wika ni Thomas. Maya-maya pa ay napatiklop siya sa kahihiyan. Hindi niya lubos maisip na makakapagsalita siya ng ganun sa harap ng isang binibini.
Bata pa lamang siya ay nakasanayan na niya ang pagiging maginoo at pagiging mapagkumbaba sa lahat. Ito ay turo ng kanilang mga magulang at marapat lamang na dalhin nilang magkakapatid hanggang sa pagtanda. Tinuruan sila ng mabubuting asal, paggalang sa matatanda at mga magulang, pagiging mapagkumbaba at pagiging malapit sa Diyos. Pinalaki din silang may prinsipyo, dignidad at pag-galang sa sarili. Ngunit ngayon ay nasuway niya ata ang ilan sa mga utos ng mga magulang nila at ito ay ang paggalang sa iba at sa sarili. Hindi niya lamang mapigilang sabihin ito kay Talia sapagkat tila may kakaiba dito.
BINABASA MO ANG
Te Amo Mi Amor
Historical Fiction"I love you, My Love" 5 years ago, Thalia met a boy who makes her feel uneasy with just one stare. She search for that boy all day but she couldn't find him. That boy turns to be a fine, kind, handsome and a successful man. And that man are g...