Kabanata 7: Ang Kasunduan

19 1 0
                                    

"Magandang Gabi sa inyong lahat, marahil ay lingid na sa inyong kaalaman na kaya ako nagsagawa ng pagdiriwang ay dahil sa pagdating nang aking dalawang anak na lalaki mula sa Maynila. Ngunit may isang anunsyo pa ako sa inyong lahat. Nais ko lamang ipahayag ang ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng aking bunsong anak na si Thomas Sevilla at nang bunsong anak ni Don Claverino na si Florina. Ang ang pag-iisang dibdib ay ngayung darating na ikalabing -apat nang Pebrero. Inaanyayahan ko ang dalawa dito sa unahan" masayang wika ni Don Romano.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa labas man o sa loob ng mansyon. Lahat ay abot-abot ang ngiti. Ngiting ngiti din si Don Claverino, nais niyang mapadikit sa pamilya ng mga Sevilla nang sa ganuon ay mapabilis ang pag-abot niya sa kaniyang pangarap. Abot tenga din ang ngiti ni Don Romano at Doña Sillena masaya sila para sa kanilang anak. Masayang masaya din sina Carla, Maria at Celeste dahil papasok na sa mundo ng pagaasawa ang kanilang minamahal na kaibigan.
Samantala di malaman ni Talia kung bakit di siya maging masaya sa anunsyong kasal nang kaniyang matalik na kaibigan. May kakaiba sa kaniyang kalooban na hindi niya kayang maging masaya para sa dalawa.
Akala niya ay magiging masaya siya para sa kaibigan dahil ito naman ang naramdaman niya nang malaman na naipagkasundo ang kaniyang kaibigan, ngunit ngayon ay tila naglaho nang parang bula ang damdamin niyang iyon.

Abot langit ang ngiti ni Florina, ngunit si Thomas ay ngumingiti lamang pag humaharap sa tao. Kinamayan siya nang mga kakilalang lalaki na nakapag-asawa na rin, maging ang mga amigo at amiga nang kaniyang Ama at Ina ay binati na din siya at sinasabi na masaya sila para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa.
May kung anong pait na naramdaman si Thomas. Napatingin siya kay Talia na nakatitig din sa kaniya, dala nito ang mga alak para sa mga bisita. Malungkot ang ibinigay nitong tingin sa kaniya sabay nag-iwas ng tingin at pumasok na sa kusina.

Alas-dies ng gabi, kakatapos lamang magligpit ng mga tagasilbi sa mansyon. Malinis at mistulang walang nangyaring okasyon. Nakaayos ang mga bangko at lamesa at silya. Nagpaalam na sina Maria at Carla kay Talia na mauuna na sa kanilang kubo. Papatayin pa ni Talia ang mga sindi ng ilaw bago matulog. Napagisip-isip niyang unahing patayin ang ilaw sa ikalawang palapag. Inuna na niya ang pagpatay sa harap ng pinto nang mag-asawa, sinunod ang ilaw sa tanggapan ni Don Romano at sa harap ng silid nina Señorita Soliana at Señor Cano. Nang pupuntahan na niya ang ilaw sa may silid ni Thomas ay napansin niyang nakaawang ang pinto. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Tinatak niya sa kaniyang isipan ang mga sinabi nito kaninang umaga kahit pa humingi na ito nang paumanhin. Dali dali niyang hinipan ang sindi ng kandila at nilisan na ang lugar na iyon. Ipinangako niya sa sarili na kahit kailan ay di na dapat niya iugnay ang sarili sa Señor. Ang mga tagapagsilbi ang mananatiling tagapagsilbi at hindi na dapat humigit pa roon.

"Taliaa! Taliaaaa! Hoy Talia, himala at tinanghali ka. Samantalang ikaw ang nanggising sa aming dalawa ni Maria kahapon" sabay tingin ni Carla kay Maria na nasa loob ng kasilyas.

"Pasensya na kayo, hindi ako nakatulog nang ayos kagabi, at nung nakakatulog na ako umaga na pala."

"Bakit naman hindi ka makatulog? Ikaw ba'y may sakit? Ano ang iyong nararamdaman? Ikaw ba'y nagsusuka? Hindi kaya! H-hindi kaya buntis ka? Buntis ka? Naku paano na ito? Pano natin ipaliliwanag ang lahat ng ito sa iyong Inay at Itay, pati sa iyong Kuya at Ate" tarantang saad ni Carla.

Gulat na gulat sila nang biglang bumukas ng marahas ang pinto nang kasilyas at lumabas doon si Maria na gulat din sa lahat ng narinig.

"Buntis ka Talyang? Paanong nangyari iyon, ni wala ka ngang nobyo, marahil ay nabuntis ka nang maligno" di mapakaling wika ni Maria.

Biglang bumunghalit nang tawa si Talia, hawak hawak ang tiyan ay di na ito maawat sa pag tawa. Hindi siya makapaniwala na napagkakamalan siyang buntis nang mga kaibigan dahil lamang sa siya ay hindi makatulog.
Sumasakit na ang kaniyang tiya ngunit di pa rin siya maawat sa pagtawa. Tuwang tuwa siyang pagmasdan ang dalawang kaibigan na litong nakatingin sa kaniya. Marahil ay iniisip na ng mga ito na nababaliw siya. Akmang dadambahan na siya ni Maria para hawakan dahil sasampalin na sana siya ni Carla, ganito ang ginagawa nila pag hindi maawat ang bawat isa sa pagtawa.Nakaiwas si Talia at sumenyas sa mga kaibigan ng "saglit"

"Ops, tekaa, teka lang, huminahon kayo" natatawang saad ni Talia. Nagkatinginan si Maria at Carla.

"Hindi ako buntis, pano akong mabubuntis ni wala nga akong nobyo. At kung sakaling may nobyo ako ay di ako magpapagalaw. Ibibigay ko lamang sa kaniya ang aking Bataan pagkatapos nang aming pagiisang dibdib. Atsaka panong sa simpleng di ayos na pagtulog ay pinagisipan nyo na kaagad ako na buntis. Nakakabuntis ba ang puyat? At anong maligno? Sa ganda kong ito maligno lang makakabuntis sa akin? Hindi no? Malabong mangyari at di ko pahihintulutang mangyari.

Napahagalpak na lang din ng tawa ang dalawa. Naisip nila na sadyang kay babaw na dahilan ng pagbubuntis ang puyat. At kahit sila hindi rin makapapayag na magpapabuntis sa maligno. Matapos ang nakakapagod na tawanan ay sabay sabay na silang nag-ayos para magsimula na naman sa isang buong araw na gawain. Tinatatak nila sa kanilang isipan na ang lahat ng ito ay para sa kanilang pamilya, para ayos ang pagkain nila sa araw-araw.

Ika-siyam nang tanghali napagpasyahan nilang magpahinga muna saglit. Wala ang mag-anak at nasa mansyon ng mga Salve. Narinig nila na pag-uusapan nila ang tungkol sa nalalapit na kasal nina Florina at Señor Thomas.

"Doon tayo nagpahinga sa may balon, pakakainin ko na din ang mga manok doon" mahinhin na wika ni Talia.
Nagkatinginan at nagtaka si Maria at Carla sapagkat hindi likas kay Talia ang pagiging mahinhin. Kilala nila ito bilang maglaw at palatawa na dalaga. Agad silang sumunod dito papunta sa balon.

"Ano ba ang nangyayari sa ito? Kanina matapos nating tumawa ay lumungkot na naman ang iyong muka. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ikaw di makatulog at naging dahilan nang iyong pagkapuyat?" si Maria

"Siya nga naman, ano ba ang nangyayari sa iyo?"

"Naalala ko lamang ang nilalaman ng tulang ginawa ko kagabi, tungkol ito sa babaeng may nagugustuhang lalaki pero nakatakda na itong ikasal" malungkot na wika ni Talia.

"Mukang maging ako ay di rin makakatulog pag ganiyan ang tulang mababasa o maririnig ko"

"Talia maari mo bang bigkasin sa harap namin ni Maria ang tulang iyan, nang hindi lamang ikaw ang nalulungkot diyan"

"Sigee"

Sinimulan na ni Talia ang pagtula. Samantala kanina pa sila pinagmamasdan ni Thomas at Cano mula sa itaas. Dinig na dinig nila ang tulang iyon. Maging sila ay naramdaman din ang lungkot na nilalaman ng tulang iyon. Ramdam ni Thomas ang lungkot at pighati na nararamdaman ni Talia. At hindi niya man sabihin batid niya na nagkakagusto na siya sa dalaga.


Pighati
Tula ni Talia Dominguez

Paano magmamahal kong walang pag-asa
Kayhirap na makita na masaya ka sa kaniya
Kung ako na lang sana ang pag-ibig mo sa tuwina
Ay makakahimbing ng ayos dahil sa panaginip ay ala-ala ka

Ngunit paano mangyayari gayong ikakasal na
Ang pag-ibig na dalisay ngayon ay mapaparam na

*******************************************************

#TeAmoMiAmor

Te Amo Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon