Kabanata 10: Ang Muling Pagkikita

11 1 0
                                    

Maduming pader, bakal na rehas at panis na pagkain ang bumungad sa nanghihina at sugatan na si Mang Lope. Kahapon pa siya narito at natitiyak niya na kahapon pa nag-aalala ang asawa at anak niya sa kaniya. Kaarawan na niya ngayon at kung hindi niya nagawa ang bagay na iyon ay malamang masaya na silang nagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa kanilang tahanan. Pero hindi siya nagsisisi dahil matagal na nila itong napagplanuhan. Kailangan nilang gawin ito ng sa ganoon ay matigil na ang masasamang ginagawa ni Don Claverino sa mga tao at sa bayan na ito. Maya-maya pa ay may narinig na mga yapak ng paa si Mang Lope. Dalawang matitikas na binata ang bumungad sa kaniya.

"Magandang umaga po, Mang Lope" ani Thomas.

"Magandang umaga din naman po Señor Thomas at Señor Cano, ano po ang maipaglilingkod ng abang tulad ko sa inyo?" Kilala ni Mang Lope sina Thomas at Cano pati na ang buong pamilya nito. Alam niya rin na dito nagtatrabaho ang kaniyang bunsong anak.
Napangiti si Cano at Thomas sa matanda.
"Kami pong dalawa ang may maipaglilingkod sa inyo, nais ko pong tumayong abogado ninyo at ipagtanggol kayo sa mga umaakusa sa inyo." Nakangiting wika ni Cano
Napaluha ang matanda at malungkot na napangiti. Napakabait ng magkapatid na ito at nagboluntaryo nang maging abogado niya ngunit buo na ang kaniyang desisyon.

"Nagpapasalamat ako sa inyong pamilya dahil napakabuti ninyo sa aking anak na si Talia, maraming salamat din dahil sa mahihirap pumapanig ang pagiging abogado mo Señor Feliciano, ngunit buo na po ang desisyon ko na harapin ang aking nagawa sapagkat aminado po ako dito. Hinihiling ko lang na patuloy ninyong protektahan ang mga mahihirap laban sa mga ganid na mayayamang opisyales at patuloy ninyo silang ipagtanggol. Malaking tulong ang inyong ibinibigay ngunit hindi ko po ata maatim na madamay pa kayo sa gulong ito. Ingatan niyo po ang anak ko na si Talia at ang aking maiiwang pamilya.Mabait po siya at masiyahin kaya alam ko po na magugustuhan nyo ang ugaling meron siya. Maraming salamat po at maari niyo na po akong iwan."
pahayag ng maluha-luha nang si Mang Lope. Pinilit pa siya ng dalawang Señor ngunit buo na ang kaniyang desisyon. Walang nagawa ang magkapatid kundi umuwi nang may lungkot sa kanilang mga mata. Naawa sila sa kalagayan ng ama ni Talia.

Samantala naka salubong naman nila ang tatlong magkakaibigan na sina Talia, Carla at Maria. Parehas ukopado ang pag-iisip ng tatlo kaya di sila napansin ng mga ito. Nakita ni Thomas ang lungkot sa mga mata ni Talia. Gustong-gusto niya itong tulungan ngunit buo na ang desisyon ng ama nito.

"Itay hindi po yan maari, gusto niyo po ba na malungkot kami nina Inay, Ate at Kuya habang buhay. Sinanay nyo kami na nandyan kayo tapos papayag na lang kayo na maglaho kayong bigla. Paano kami? Paano kami pag nawala kayo Itay? Hindi ko po yon makakaya." Umiiyak na si Talia kaya inaalo siya ng kaniyang mga kaibigan.

"Anak, Talia, kailangan mong maintindihan na ganito tumatakbo ang buhay nating mga mahihirap. Kailangan mong itatak sa isip mo na kaya nila tayo kinakayan-kayanan ay dahil mahirap tayo, kaya mag patuloy ka anak, magpatuloy kayo nina Inay mo kahit wala na ako. Magsumikap ka at magpatuloy sa buhay kahit wala na ako. Hindi ako nag-aalala dahil alam ko na may magpo-protekta sa inyo. Mag-iingat kayo anak, buo na ang desisyon ko. Carla at Maria umuwi na kayo baka hinahanap na kayo sa Hacienda Sevilla. Mag-iingat kayo at maraming salamat dahil mabuti kayong kaibigan ng aking anak." Iginiya na nina Carla at Maria si Talia na hanggang ngayon at di pa rin maawat sa pag-iyak. Lumingon sa kahulu-hulihang pagkakataon si Talia sa ama ng may bahid ng lungkot at pangungulila sa maiiwang ama.

"Itay mahal na mahal kita, maraming salamat sa lahat"
tumango na lamang si Mang Lope at agad na tumalikod. Humagulgol na rin siya ng iyak ngunit dahil nakatalikod siya ay walang naka-alam sa kaniyang tunay na nararamdaman. Ayaw niyang ipakita kay Talia na maging siya ay nalulungkot sa sinapit niya. Matalino si Talia kaya alam niya na hindi ito magkakaroon ng mesirableng buhay.

Te Amo Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon