Kabanata 4: Biloy

23 3 0
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Talia, di siya makapaniwala na ang lalaking umagaw ng gusto niyang sumbrero ay amo niya pala. Nawala na ang pagkagulat ni Thomas, bumaling na siya sa kaniyang mga kapatid at mga magulang. Kanina pa pala siya kinakausap ng mga ito.
Nais ng kanilang mga magulang na ipakilala sa kanila ni Cano ang mga bagong kasambahay.

Naglakad na si Doña Sillena sa harapan nina Manang Emma, lumapit na din sa kaniya sina Señor Cano at Señor Thomas para marinig nila ito ng malinaw.

"Mga anak nung kayo ay umalis ay nangailangan kami ng mga bagong kasambahay at manggagawa nang sa ganun ay mas mapadali ang mga gawain sa loob ng ating Hacienda, sila ang ating mga bagong manggagawa." Sabay turo ng doña sa apat matandang lalaki at babae.

"Sila ay sina Mang Filipe, Mang Nilo, Manang Julia at Manang Linda."

Ngumiti ang mga matatanda, napangiti din ang magkapatid sa bagong manggagawa ng kanilang Hacienda, sila marahil ang bagong taga-linis ng palibot ng hacienda, lalong lalo na sa hardin.

"Sila naman ang ating bagong kasambahay." sa banda naman nina Talia tumingin si Doña Sillena.

Napalingon din ang dalawang Señor, napatitig si Thomas kay Talia, di niya inaalis ang kaniyang tingin sa dalaga, samantalang si Talia ay nanatiling nakayuko lamang.

"Sila ay sina Maria at Carla, silang dalawa ay dalawang taon ng katulong ni Manang Emma at ng ibang kasambahay natin sa pangangasiwa ng loob ng ating mansyon at sa ating mga pagkain. "

Napangiti sina Carla at Maria sa dalawang Señor, ngumiti din ang mga ito pabalik ngunit di inaalis ni Thomas ang kaniyang tingin kay Talia.

Napabaling naman ang Doña kay Talia, napangiti ito at ipinakilala na rin si Talia sa mga anak.

"At ito naman si Talia, siya ang pinaka bago sa ating mga kasambahay, dalawang araw pa lamang siya dito sa ating mansyon, nakita kong natutuwa siya sa mga manok sa likod ng ating mansyon kaya naman hinayaan ko siya na pakainin na ito pagkatapos niyang gawin ang mga gawain niya."

Napatingin si Cano kay Talia at napangiti, sabay tingin sa kaniyang kapatid na kanina pa nakatitig at nakangiti kay Talia, mukhang magkakanobya na ang kaniyang kapatid.

"Oh siya, mukhang tapos naman na iyan, maari na ba tayong magmeryenda,kanina pa ako nananakam sa ating mga mimeryendahin." wika ni Don Romano sabay ngiti sa lahat.

Dali daling kumilos ang lahat ng kasambahay, ang tatlong magkakaibigan ang magdadala ng mga meryenda para sa mag-anak. Di mawari ni Talia kung bakit siya kinakabahan ng ganun.
Ibinigay na sa kaniya ni Manang Emma ang piniritong saging at sinenyas sa kaniya na dalhin na ito sa hapag kainan. Wala nang nagawa si Talia kundi sundin ang utos ng matanda, inisip na lamang niya na para ito sa kaniyang mga magulang at kapatid.

Dahan dahan niyang nilapag ito sa mahabang lamesa, di nakatakas kay Talia ang paninitig ni Thomas at ang mahinang tawa ni Cano. Hindi na lamang niya ito pinansin. Dali dali siyang bumalik sa kusina at nagtago sa loob nito, sinilip niya ang mag-anak, nakita niyang nawala si Thomas, pagkalingon niya sa likuran ay nagulat siya dahil nanduon na si Thomas at tinitingnan siya. Dali daling yumuko si Talia at bumati.

"Mawalang-galang na po Señor ngunit ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo."

"Kay bilis ng panahon, kanina lamang ay umiiyak ka pa at nagalit sa akin, ngunit ngayon ay tila isa kang maamong tupa." Seryosong wika ni Thomas

"Nais kong tanungin kung nasaan ang tubig, maghuhugas ako ng aking kamay."

Dali daling pumunta si Talia sa lagayan ng mga tapayan,ngunit naalala niyang naubos na pala ang laman ng mga ito, kinakailangan niya pang umigib muli sa balon. Dali dali niyang kinuha ang balde at binitbit ito palabas, bago pa man siya makalabas ay makita na siya ni Thomas, nagtatanong ang ekspresyon nito.

"Señor naubos na po ang laman ng mga tapayan kaya naman iigib po muna ako sa balon nang sa ganuon ay may nagamit po kayo."

"Sige at sasamahan na kita, maghuhugas na ako don, kailangan ko nang mag miryenda dahil nagutom ako sa biyahe."

Pagdating sa balon ay kinawit na ni Talia ang bakal sa tangkay ng balde, lumubog ang balde sa tubig. Naagaw ng pansin ni Talia ang mga manok sa likod ng mansyon, napangiti siya sa nakita, lumabas ang dalawang biloy ni Talia sa magkabilang pisngi, lumiit ang mga nito dahil sa pagkagiliw sa manok. Nakita ni Thomas ang mga biloy ni Talia sa magkabilang pisngi nito, naalala niyang bigla ang babaeng siyang una niyang pag-ibig, meron din itong biloy sa magkabilang pisngi na lumalabas pag nakangiti.

Naalala ni Talia ang balde, dali dali niya itong hinila pataas, nang maiangat na niya ito ay nagulat siya dahil nagsalita si Thomas.

"Pinapaala ng mga biloy mo na yan ang aking unang pag-ibig" napaiwas ng tingin si Thomas at naghugas na ng kamay, nang matapos siya ay tumalikod na siya, may na- alala siya kaya muli siyang humarap.

"Siya nga pala, may utang ka sa akin sapagkat ako ang nagbayad ng sumbrero na dinala mo at hindi mo binayaran."

Napahiya si Talia, naalala niya na basta na lamang siyang umalis sa tindahan kanina at hindi na nagawang magbayad ng sumbrero.

Tumatakbo si Talia habang umiiyak, hindi siya makapaniwala na nasira ng binatang iyon ang sumbrerong para sana sa kaniyang kuya Binoy . Nakita siya ni Maria na tumatakbo, sinalubong siya ng kaibigan, hinawakan ni Talia ang kamay ni Maria at dali dali silang tumakbo para umalis sa lugar na iyon. Nang mahimasmasan ay tumigil na siya sa pag-iyak

Alas diyes y media nang makarating sila sa Hacienda,
Habang di nakatingin si Manang Emma ay kinuwento niya ang nangyari sa kaniyang mga kaibigan.

"Anoooooooooo" sabay sabay na wika nang dalawa ngunit iniwasan nila na laksan dahil siguradong makakalikha sila ng kumusyon sa loob ng mansyon.

"Napakawalanghiya naman ng ginoong iyon, hindi na lamang siya nagpaubaya" galit na wika ni Carla

"Siyang tunay, Tapos nagawa niya pang hawakan ang iyong kamay. Di man lang sumagi sa isip niya na bawal ang ginawa niyang iyon."

Napabuntong hininga na lamang si Talia, maging siya ay dismayado din sa ginawa nang ginoong iyon, May histura pa naman sana siya. Umiiling si Talia di niya dapat iniisip ang mga bagay na ganon.

Umalis na si Talia sa may balon dahil siguradong hinahanap na siya ng mga kasamahan niya.

*******************************************************

#TeAmoMiAmor

Te Amo Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon