Kabanata 6: Ang Mga Pusong Itinadhana

29 3 0
                                    


Nagkakasiyahan na sa loob at labas ng Hacienda Sevilla.
Ngunit sa kabilang bahagi ng mansyon ay nandoon ang dalawang pusong muling pinag-ugnay ng tadhana.

"Senor hindi na dapat kayo nag-abala na bilhin pa ang sombrero na ito. Maari ko naman po na ibili na lamang ng panibagong uri ng sobrero ang aking kuya, nakatitiyak din po ako na sadyang nagustuhan nyo din ang sombrero na iyan kaya marapat lamang na sa inyo ito mapunta. Nahihiya po ako sapagkat pina-ayos niyo pa iyan sa tindera ." nakayukong wika ni Talia.

Kanina, dali-daling umalis nang kanilang mansyon si Thomas para ipa-ayos ang nasirang sumbrero. Sinadya niya pang hanaping muli ang tindera at bayaran ito ng malaking halaga para lamang maayos muli ang sombrero. Naayos naman ito at mas lalo pang pinaganda ng tindera dahil sa utos ng senor.
Napangiti si Thomas nang matapos nang tahiin ang sombrero. Nakasisigurado siya na matutuwa si Talia. Nais din niyang humingi ng pasensya sa mga masasakit na salitang nabitiwan niya sa dalaga, nais niya itong bawiin nang sa ganun ay di magtanim ng galit sa kaniya si Talia. Di niya alam kung bakit pamilyar ang tibok ng kaniyang puso sa tuwing nagsasalubong ang kanilang mata. Ngunit di na niya mawari kung nasaan na ang dalagang minsan niyang tinuring na unang pag-ibig, hinanap niya ito ng kay tagal, hanggang ngayun ay hinahanap niya pa ri ito ngunit sadyang kay lupit ng tadhana.

Napawi ang ngiti ni Thomas. Nahihiya siya dahil marahil nagalit sa kaniya si Talia, pero dahil amo siya nito ay kinikimkim na lamang siguro ito ng dalaga.

"Tanggapin mo na iyan, maganda na ang pagkakatahi niyan dahil dinoble na ng tindera ang tahi, naisip ko na masyadong mahirap ang trabaho ng iyong kuya at ama, kaya malaking tulong kung may ganiyan siyang klase ng sumbrero."

"Humihingi din ako ng paumanhin sa mga masasakit ng salitang nasabi ko kanina, nadala lamang ako ng aking emosyon. Nawa'y di ka magtanim ng galit sa akin."
Malungkot na wika ni Thomas

Gulat na napatingin sa kaniya si Talia. Hindi niya akalain na hihingi sa kaniya ng tawad ang Senor.

"Wala lang ho sa akin iyon Senor, mabait ho ako kaya di ako marunong magtanim ng galit. At hindi rin ho ako nararapat na magtanim ng galit sa inyo sapagkat ikaw ho ay aking amo." Nakangiting wika ni Talia bagama't bakas pa din sa tono ang pagaalinlangan.

"Kung gayon, maari bang magtanong? Aking napapannsin na mabuti ang iyong kalooban, sa tingin ko din ay mabuti kang kaibigan. Kung ayos lang sa Iyo Binibini, maari ba kitang maging kaibigan?"

Gulat at napatulala si Talia sa kaniyang narinig. Kung kasama lamang sana niya ang mga kaibigan ay kanina pa siya nagpasampal sa mga iyon. Lagi niyang pinapagawa iyon sa mga kaibigan pag hindi siya makapaniwala sa nakikita o naririnig niya.

"Binibini? Narinig mo ba ang aking tinuran? Binibini?"

"Ah, Senor marahil ay gutom ka lamang, Tayo na ho sa loob at ng makakain na kayo, masasarap ho ang niluto nina Manang Emma. Natitiyak kung gutom lamang iyan." Natatawang wika ni Talia

Napatulala sa kaniya si Thomas, lumabas naman ang dalawang biloy ni Talia. Marami talagang pagkakatulad si Talia at ang unang pag-ibig ni Thomas. Agad nagsalitang muli si Thomas.

"Hindi ako nagbibiro, marahil ay naalala mo lamang ang aking tinuran kanina ngunit maari bang kalimutan mo na iyon, walang patakaran ganuon kaya't wag mo nang paniwalaan iyon at bayaan mo akong maging kaibigan mo. Ako nga pala si Thomas Sevilla, mooaari mo akong tawaging Thomas. At dahil kaibigan mo ako maari mo na akong tawagin sa aking ngalan."

Napanganga si Talia, hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa mga mangyayari. Magpapakilala na sana siya ng may narinig silang tumigil na kalesa sa pagitan ng naglalakihang pader ng Hacienda Sevilla.

Te Amo Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon