Kabanata 5: Konsensiya

16 3 1
                                    

Alas singko ng hapon, naghahanda na ang lahat sa gaganaping okasyon mamayang gabi sa Hacienda Sevilla. Nakaluto na sina Manang Emma at iba pang kasambahay ng iba't ibang putahe para sa darating na gabi. Samantala, malapit nang mapunong muli ni Talia ang mga tapayan, abala din sina Carla at Maria sa paghuhugas ng maruruming kagamitan na ginamit sa pagluluto.

Makalipas ang isang oras, naghahanda na si Talia na buksan ang mga lampara sa buong mansyon.
Nasindihan na niya ang mga lampara sa kusina, sa azotea, sa bulwagan, at ang dalawa sa hagdan.
Sinisindihan na niya ang lampara sa labas ng bawat silid ng mag-anak. Nang sisindihan na niya ang lampara sa may pinto ng silid ni Thomas ay nagulat siya ng biglang bumukas ito. Dali-dali siyang tumungo.

"Pakidalhan ako ng tsaa dito sa aking silid," wika ni Thomas at dahan dahan ng tumalikod. Hindi niya isinara ang pintuan. Dali daling bumaba ng hagdan si Talia at nagtungo sa kusina upang maghanda ng tsaa para sa Señor.

Madami ng tao ang unti-unting nagsisidatingan. Alas- sais magsisimula ang handaan. Abala na sina Manang Emma sa paglalapag ng mga handa sa hapag.

"Oh, Talia tapos mo na bang sindihan ang mga lampara sa buong bahay?"

"Oo Maria, sinisindihan ko ang lampara sa may pinto ni Señor Thomas nang inutusan niya akong ikuha siya ng tsaa." Napangiti si Maria nais niyang asarin ito ngunit naalala niya na ipinagbabawal iyon.

"BAWAL MAGKAROON NG RELASYON ANG AMO AT TAGAPAGSILBI"

Tumango na lamang si Maria at nagpatuloy sa pagdadala ng pagkain sa hapag. Nais pa sanang itanong ni Talia kung nasaan si Carla ngunit umalis na si Maria sa kaniyang harapan at nagpatuloy na sa ginagawa.

Kumuha na si Talia ng tasa at inihandanda na ang tsaa.
Nasa labas sina Doña Sillena kasama si Señorita Soliana at inaasikaso ang mga lamesa na paglalagyan ng pagkain para sa mga mahihirap na nais din makisaya. Nang paakyat na si Talia ay nasulyapan niyang naroon din pala si Carla at katulong ng Doña at Señorita. Kaya pala hindi niya ito nakita kanina sa kusina.

Umakyat na si Talia sa itass, naabutan niyang nagbabasa ng libro si Thomas. Napatigil siya ng ilang saglit bago binati ang binata.

"Ginoo, narito na po ang inyong tsaa, meron pa po ba kayong nais Señor?!"

"Wala na, maari ka nang umalis."

"Siya nga pala Señor, humihingi po ako ng tawad dahil sa kapangahasang ginawa ko kanina, nadala lamang po ako ng bugso ng damdamin. Kaya po lamang ako nagalit ay dahil nais kong mabigyan ng regalo ang aking kuya, kaarawan na po sa lunes ng aking ama, maaring wala ho kayong pakialam, ngunit maggagapas ho ang trabaho ng aking ama at Kuya, maghapon po sila na babad sa initan kaya naisipan ko po na bigyang sila ng simpleng regalo na aking nakayanan."

"Ayos lamang yun, marahil ay sanay ka talagang makipag-away!"

"Naku hindi ho Señor, ako hoy mabait at magiliw hindi ho ako mahilig sa mga away" wika ni Talia habang nakatungo.

"Kun ganun ay humihingi din ako ng tawad, hindi ko sinadadyang hilahin ang sumbrero ng ganoon. Hindi ko dapat ginawa iyon sa katulad mong binibini. Pero dahil nandito ka sa aming Hacienda, maari bang limutin na natin iyon at gumalaw ng normal. Marahil ay hindi linggid sa iyong kaalaman, ngunit nakatakda na akong ikasal. Ayaw kong nakikita nila akong nakikipag-usap sa isang tagasilbi lamang."

"Opo, Señor pasensya na po ulit, Aalis na po ako."

Umalis na si Talia, nasasaktan siya sapagkat napakababa lamang talaga ng tingin ng mga mayayaman sa kanilang mahihirap. Nakakalungkot isipin para kay Talia na bumabase ang mga tao sa estado ng buhay.

Samantala hindi malaman ni Thomas kung bakit bigla siyang nakonsensya sa inasal niya kay Talia. Alam niya na tama ang kaniyang ginawa, nang sa ganuon ay hindi sila pag-usapan, ngunit tila hindi siya titigilan ng kaniyang konsenya.

Nagpasya siyang bumaba na, may nais siyang puntahan bago magsimula ang okasyon sa kanilang Hacienda.

"Manang Boni, kayo na ho ang bahala sa Hacienda. Aalis na po kami, marahil ay maagang magsisimula ang okasyon sa Hacienda Sevilla hindi ho kami maaring mahuli nina Ama at Ate. Paalam na po." Nakangiting wika ni Florina.

"Oo sigee hija, mag-iingat kayo."

Ngumiti na lamang si Florina at tumango sa kaniyang nagsilbing ina sa loob ng limang taon. Labing limang taon noon si Florina ng namatay ang kaniyang ina dahil sa sakit sa puso. Si Maanang Bonita ang nag-aruga sa dalagang si Florina, Mahal na Mahal ito ng matanda. Itinuring niya itong parang tunay at napalapit na din ito sa kaniya.Dalawang taon noon si Susana ng nagsimulang magtrabaho sa kanilang mansyon si Manang Bonita, maayos ang pakikitungo ng mag-asawa sa kaniya lalo na si Doña Florencia. Nasubaybayan niya ang paglaki ng mga bata, ang pagkamatay ng Doña at ang pagbabago ng ugali ng Doñ sa kaniyang mga trabahador simula ng namatay ang asawa. Lahat yun ay kaniyang nasubaybayan, ngunit di niya nilisan ang pamilya. Di niya iniwan si Florina habang nalulungkot ito sa pagkawala ng ina. Napangiti na lamang si Bonita habang tinatanaw ang kalesa ng maga-ama, papunta ang mga ito sa Hacienda ng mga Sevilla. Natutuwa siya para sa kaniyang alaga dahil malapit na itong mag-asawa, lalo pa siyang natutuwa sapagkat matinong ginoo ang mapapangasawa nito.

"Ayusin mo ang iyong kilos Florina, makakaharap mo mamaya ang pamilya ng iyong mapapangasawa kaya't dapat na maging kaibig-ibig ka sa kanilang paningin." ani Susana.

"Susana, di mo man sabihin ay kaibig-ibig na talaga sa paningin ang iyong kapatid, marapat lamang na natuwa sila dahil sadyang kamangha-mangha ang ganda ng aking mga anak."

Napangiti ang dalawang magkapatid.
Nagpatuloy sila pagkukwentuhan hanggang sa narating na nila ang Hacienda ng mga Sevilla. Maingay na sa loob at labas ng mansyon. Bumaba na ang maga-ama. Naunang bumamaba si Don Claverino at sinundan siya ni Susana, nahuling bumaba sa kalesa si Susana at ng titingin na siya sa loob ng mansyon ay nagulat siya sa nakita niya. Nakatayo ang mga ito at gulat din na napatingin sa kaniya.

"Florina?" gulat na wika ng babae na unti-unti na niyang nilalapitan.

*******************************************************

#TeAmoMiAmor

Te Amo Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon