I

319 5 0
                                    

D's 💜

"We're here!" Sigaw ko sa mga kasama ko pagdating namin sa parking ng bar.

"Dahan dahan Deans! Halatang excited na excited ka ah!"

"Ang bagal niyo naman Ate! Tara na kasi daliiii! Let's enjoy!"

"Oo na Deans. Wag mo na ako hilain please!" litanya naman ni Ate Madz sakin.

"Let's do it tonight Ate Madz! Are you ready?"

"I'm born ready Wong! Tara na! Wait, nasan na ba si Kat?"

Agad naman akong nagpalinga linga para hanapin si Ate Kat. Hindi ko kasi napansin na hindi na siya nakasunod samin.

"Ayun!" sigaw ko ng makita ito sa medyo may kadilimang parte ng parking lot. Mukhang may kausap sa phone. Hindi naman nagtagal ay lumapit na ito samin ni Ate Madz.

"You okay Kat?" Tanong sakanya ni Ate Madz paglapit niya samin. Napansin niya din siguro na mukhang naging balisa si Ate Kat.

"Babe found out. I think I need to back out" Yown lang! Mukhang kami na lang ni Ate Madz ang mag-eenjoy ngayong gabi.

"Sige ate. No problem. Hatid ka na muna namin"

"No need na Deans. I can get a cab naman. I better get going. Baka mas lalong magalit si Bacon. Sorry talaga"

"No worries Kat. We knew naman why hesitant si Bacon na pumunta ka dito" sabi ni Ate Madz sabay baling sakin "Tara na Deans. Hatid natin si Kat hanggang makasakay"

Naglakad kami papunta sa may labas ng parking lot para mag-abang ng masasakyan ni Ate Kat. Nang makakuha na kami ng taxi, agad kong kinuha yung plate number, saka nagpaalam kay Ate Kat at nagbilin na magtext siya samin pag nakauwi na siya.

"Soooooooo, let's go?" sabi ko kay Ate Madz ng nakangisi.

"Let the fun begin!"

Sabay kaming tumakbo papunta sa entrance ng bar habang tumatawa. Mukha kaming mga siraulo dito pero wala kaming pakialam dahil excited na talaga kami para ngayong gabi. Baka nandito na yung One True Love ko. Hahaha

"ID's and passes please" sabi samin ng guard pagdating namin sa entrance.

Agad namin pinakita yung pass at ID namin sa guard para makapasok. This is an exclusive bar kasi. And to be able to enter the premises, kailangan mo munang magpareserve at kumuha ng passes sa website nila, for security purposes ng bar and ng lahat ng customers, na pabor din naman samin kasi maraming nakakakilala samin since we are athletes. Iwas chismis na din kaya dito namin napili.

Medyo may kamahalan din ang bayad ng passes nila per person, at hindi pa kasama dun yung iinumin at kakainin mo sa bar. But I know this will be worth it.

Nagmamadali na kaming pumasok ni Ate Madz. We can't even hide our excitement kaya agad namin hinanap yung table na reserved for us.

Pagkaupong-pagkaupo namin sa table, agad naming ginala ang mga mata namin. Exactly what we imagined. Punong-puno ng magagandang babae ang lugar na to. A haven for people like us, bisexuals and lesbians. Nagtama yung paningin namin ni Ate Madz kaya pareho kaming tumawa nung sabay na nagtaas-baba yung kilay namin.

Sayang nga lang, hindi nakasama si Ate Kat. Sabagay, I think hindi din naman siya mag-eenjoy kasi hindi naman siya into girls. Sadyang sumama lang siya samin ni Ate Madz kasi trio kaming tatlo, kung nasan yung isa, nandun din dapat yung dalawa. Kaya nga nagmamadali siyang umuwi nung nalaman ni Kuya Bacon kung saan kami pupunta. And we understand naman.

With regards our gender preference naman, I am an out LESBIAN, while Ate Madz is Bisexual. I don't really get attracted to guys. I have tried when I was young, pero parang niloloko ko lang din yung sarili ko. I was supported by my family and friends naman, maybe because alam nilang wala na silang magagawa than to accept me. While Ate Madz naman is bisexual. Nagkaroon na siya ng girlfriend and boyfriends, but she is single now, so all clear kami because I am also single.

Linapitan naman kami ng waiter dito at binigyan ng menu. And as expected, ginto din yung mga presyo ng drinks and foods. Talagang mapapalaban yung card namin ni Ate Madz dito, pero wala na kaming pakialam, basta ma'tick off namin yung isang nakalista sa bucket list namin. And that is "TO GET LAID BY A STRANGER". 

"Are you ready to order ma'am?"

"Ano sayo Deans?" baling sakin ni Ate Madz.

"I'm having tequila tonight, pampalakas loob. Pero cocktail muna tayo. Screaming Orgasm sakin."

"Sige. 1 bottle of Tequila Miss, 1 order of screaming orgasm, 1 order of Jager Bomb, and Buffalo Wings." sabi ni Ate Madz sa waiter. "And oh, please add 1 order of Mixed Sausage and Onions. Thank you" sabay abot ng menu sa waiter.

"Noted po. Will be serving your order in 10 minutes."

"Thanks"

Nag ngitian naman kami ni Ate Madz pag-alis ng waiter. I guess this will be a long night. Farewell, virginity!

UNTAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon