D's 💜
Papasok pa lang ako sa lobby ng unit ko ng may mapansin akong babaeng nakaupo sa lounge area ng condo. Pamilyar siya sakin kahit na halos buhok niya lang yung nakikita ko kaya agad akong lumapit sakanya para tignan kung tama ako.
"Baby?"
Paglapit ko ay saka ko nakumpirma na si Jema nga itong tulog. Naawa naman ako dahil mukhang galing pa sa duty kaya siguro nakatulog sa sobrang pagod.
"Good evening Ms. Deanna. Pinapaakyat ko na po sana siya sa unit niyo dahil nakalista naman siya sa mga allowed guests niyo kaya lang ayaw niya po eh. Dyan ka na lang daw po niya hihintayin" Sabi sakin ng receptionist.
"Sige ate. Thank you po sa pagbantay. Ako nang bahala sakanya."
Tinapik tapik ko ng mahina yung pisngi niya para magising siya.
"Baby ko... c'mon. Akyat tayo sa taas" masuyong sabi ko sakanya.
Agad din naman siyang naalimpungatan. Isang ngiting may halong pagmamahal ang binungad ko sakanya pagmulat niya.
"Hala sorry baby. Nakatulog na pala ako"
"No sorry. Naghintay ka pa dito. Let's go. Sa taas ka na magpahinga."
Pagtayo niya ay agad ko siyang inalalayan papunta sa elevator. Nang napadaan kami sa receptionist ay narinig kong nagsorry si Jema sakanya.
"Miss sorry nakatulog ako dun"
"Naku no problem po Ms. Jema"
"Thank you ulit sa pagbantay ate ha" pasasalamat ko naman sakanya bago kami pumasok sa loob ng elevator.
Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng unit ko, kaya agad ko itong binuksan at giniya si Jema papasok. Pag-upo niya sa sofa ay inalok ko siya ng drinks pero tumanggi siya. Halatang pagod pa.
"You should have called me na pupunta ka dito. Sana umuwi ako ng maaga today love" sabi ko sakanya habang hinahaplos haplos yung mukha niya.
"Sorry baby nawala na din sa isip ko magtext dahil sa kakamadali kong pumunta dito eh. But it's okay with me na naghintay ako. I know naman na you went out with your friends"
What an understanding girlfriend! And I am one hell of a lucky woman to have her beside me.
"But you still should have informed me po. Paano kung nagyaya pang magbar yung dalawa edi mas matagal ka pang naghintay"
"Opo sorry na po. I love you..."
"I love you too baby. Next time inform me ha? Uuwi ako kaagad if ever. Or pumasok ka na dito sa unit ko kung hindi ako makauwi agad. Atleast I know you're safe here"
"Opo noted love. Wag nang kumunot yang noo mo please. I miss you" Naglalambing na siya sakin kaya agad na nawala yung worry ko. Syempre hindi naman ako galit sakanya. Nagaalala lang kasi baka kung anong mangyari sa kanya sa susunod. We'll never know what might happen.
"I'll be giving you my spare key ha. Go here whenever you feel like it. Kahit wala ako, pumasok ka lang dito"
"Oo na po. I love you baby..."
"Hayyyyy i love you more"
After giving each other tight hugs, she immediately stood up and faced me.
"Love nagdinner ka na pala? I'll cook for you"
"Don't worry about me love. We had dinner na sa mall before we went home. Just stay still there, I'll cook for you. Alam kong pagod ka"
"You know how to cook?"
BINABASA MO ANG
UNTAMED
FanfictionJoin me as I journey through finding My Ride or Die in the midst of a society who lacks acceptance and compassion. Will I subdue or remain UNTAMED?