X

113 8 0
                                    

D's 💜

I woke up at 4:30 in the morning to prepare for today's training. Nakakahiya naman kela Ate Kim kung late ako dadating. It took me more or less 45 minutes to prepare everything I need and myself. Sakto lang din dahil 40 minutes yung estimated travel time papunta sa place nila, so on or before 6am ay nandun na ako.

Beep...

"See you in a while Deanna. Dito ka na magbreakfast. Magluluto yung chef namin after ng training natin 😀"

Buti pala hindi pa ako nagda-drive thru. Balak ko sanang magdala ng breakfast for them.

"Sige po ate. See you" Reply ko na lang sakanya.

After 35 minutes, nakarating na ako sa village nila Ate Kim. Nagtry akong magtanong sa guard na nakaduty sa gate, and good thing dahil kilala nila sila Ate Kim. Tinuro nila sakin kung saan, which is hindi naman kalayuan sa may gate ng village.

In front of me is a 2-storey house with a very big lawn. Ang ganda ng landscape nila, na full of colorful flowers. Alam mong alaga at iniingatan kaya malago at vibramt tignan. Sa right side naman is the parking. Baka doon yung practice namin kasi medyo malaki yung parking nila. I can see 4 cars and 2 motorcycles parked. Bakit parang ang dami naman nilang kotse dito? Ilan ba silang nakatira dito?

Anyway, I parked my car by the side saka ako bumaba habang bitbit ang duffel bag ko at nagdoorbell. Makalipas ang ilang segundo, may narinig na akong nagbukas ng gate nila. Bumungad sakin si Ate Kim na nakangiti at naka'ready nang magtraining.

"Good Morning Deans. Buti hindi ka nahirapan hanapin yung bahay namin" Bati niya sakin habang iginigiya niya ako papasok sa bahay nila.

"Good Morning din Ate. Hindi naman. Kilala kayo nung mga guard sa gate eh"

"Haha. Hindi kami ang kilala nun. Yung isang kaibigan talaga namin ang kilala nila. Friendly kasi"

"Ah I see." sabi ko habang patango-tango sakanya. Inassist niya naman ako paupo sa sofa nila ng makapasok kami.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng bahay nila. Napakalinis, dahil na din sa interior nito na halos puro puti. Ang mga gamit naman nila ay naglalaro lang sa kulay na gray, nude at black. The color combination is so relaxing. It looks so classy and clean.

Maya maya pa ay narinig kong may pababa sa hagdan kaya napatingala ako. Nakita ko naman na nag-iinat inat si Ate Ara.

"Oh hi Deans, Good morning."

"Good Morning din po"

"Ready ka na? Magstart na tayo."

"Opo" Sumunod naman ako sakanya papunta sa may likod. Teka? Saan kami magtetraining? Hindi ba sa parking?

Sumunod na lang ako kay Ate Ara kahit medyo nagtataka ako kung saan kami papunta. Dito kasi kami sa may back door dumaan.

Nagulat ako ng paglabas namin sa back door nila, isang full-size na volleyball court ang bumungad samin. At meron pa sa gilid na parang kubong pahingahan na katabi ng mga puno. Ang ganda naman dito sa bahay nila. Parang ang sarap tumira.

"Ang ganda naman dito sainyo ate"

"Magaling kasi yung nagdesign nito. Nakabase sa hilig at pangangailangan ng mga trabaho namin yung makikita mo dito"

"Ang galing naman. Parang ang sarap tumira dito"

"Yun actually ang target nila nung dinedesign tong bahay. Yung hindi na gugustuhin lumabas ng mga nakatira dahil nandito na lahat ng kailangan, except syempre pag may work at important matters. Yung chef lang naman namin ang mahilig lumabas. Dati sa bar, ngayon dahil na sa work"

"Chef Ate? Sino pong Chef?" Narinig ko din kasi yung binabanggit ni Ate Kim.

"Ah, yung friend namin yun. Chef siya sa isang 5-star hotel. Mamaya papakilala ka namin"

"Sige po ate" sabi ko sabay ngiti.

Hindi naman nagtagal ay nag-umpisa na kaming mag-training. Stretching muna, hanggang sa yung proper training na. Tinuruan naman ako ni Ate Kim ng mga techniques sa pagseset, which is good dahil mas na-expand pa yung knowledge ko when it comes to setting.

It took us almost 2 hours para matapos sa training. Ang dami kong natutunan na mga bagong technique mula kay Ate Kim. No wonder, isa siya sa mga pinakakilalang setter dito sa Pilipinas.

Niyaya naman ako ng dalawa na pumasok na sa bahay. Habang naglalakad kami, narinig ko namang naguusap yung dalawa.

"Alam ba nun na may training tayo?"

"Ewan ko. Hindi ko naman sinabi eh."

"Patay. Baka pumunta na yon sa trabaho. Sabi ko pa naman kay Deanna na magluluto ng breakfast natin yung Chef dito"

"Hindi yun. Magpapaalam yun satin pag paalis na siya"

Pinag-uusapan na naman nila si Chef. Hinayaan ko nalang at hindi ako nagtanong dahil na rin sa sobrang hingal at pagod ko.

Dumiretso kami sa sala at umupo sa sofa nila. Nagstart naman magpatugtog si Ate Ara sa speaker nila habang nagpapahinga kami. Sumilip naman si Ate Kim sa kusina, para siguro tignan kung nandun na yung Chef nilang friend. Ako naman, nagkalikot lang ng cellphone ko.

Nakita kong nagtext si Ate Madz at Ate Kat, parehong nangangamusta at nagyayaya magbar. Mukhang nag-usap tong dalawa ah.

Habang nagrereply naman ako sakanila, nakarinig ako ng mga yapak pababa ng hagdan. Hindi ko naman makita dahil nakatalikod yung pwesto ko sa hagdan. Hindi din ako lumingon kasi busy ako sa pagrereply kela Ate Madz.

"Good Morning Madam Chef" Rinig kong bati ni ate Kim.

"Good Morning guys. May bisita pala kayo, hindi niyo sinabi. Maaga sana ako bumangon to cook" Sagot naman ng tinatawag nilang Chef, na pamilyar ang boses sakin. Hindi ko lang maaninag yung mukha dahil nakatalikod siya sakin habang nagkikiss sa cheeks nila Ate Kim at Ate Ara.

Parang kinabahan naman ako nung unti-unti siyang humarap sakin. Parang nag-slow motion yung lahat, at parang napakatagal niyang humarap sa gawi ko.

Nanlaki naman ang mata ko ng makumpirma ko na tama yung hinala ko. Kahit isang gabi ko lang siyang nakasama, sigurado akong sakanya yung boses na yun. Nabalik lang ako sa ulirat ng marinig ko siyang magsalita.

"Deanna? Baby?"

"BABY?????" sabay na sigaw nung dalawa.

OMG Lord! Is this a SIGN?

UNTAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon