XVII

125 7 0
                                    

D's 💜

"Hmmm..."

Lumalalim na ang halikan namin ni Jema habang mas lumalakas ang mga ungol na maririnig sa buong bahay. Mas lalo din akong nag-iinit because of the thought that we are doing it in the living room. Kahit naman kaming dalawa lang ang nandito, it's still not as private as the bedroom.

Patuloy lang kami sa ginagawa at humahaplos na din kung saan saan ang mga kamay namin. Dalang-dala na kami at nakikita ko na din kung saan ang patutunguhan nito ng biglang...

Ring....

Ring....

Hinayaan ko lang na tumunog yung cellphone ko. Ayaw kong tumigil sa ginagawa ko dahil sayang ng chance. Ang tagal kong hinanap hanap yung maging ganito ulit ka-intimate kay Jema.

Ngunit makailang ulit nang nagriring ang phone ko at nakakadistract na masyado. Nararamdaman kong kahit si Jema ay natitigilan na din.

"Go ahead baby. Answer your phone. Baka importante yan"  sabi ni Jema matapos niyang bumitiw sa halikan namin.

"But baby..."

"Sige na. Nandito lang naman ako. Baka emergency yan. Go, answer it na"

So here I am, no choice but to pick-up my phone and answer the call. I made an inward groan ng makita kong si Ate Madz ang tumatawag. Good timing talaga to lagi (spell sarcasm). Myghad!

"Hello Ate Madz! Better make sure that this is important!"  Iritang bungad ko sakanya pagkasagot ko sa call. Nakita ko namang tumatawa si Jema sa tabi ko.

"At bakit? Pano kung hindi important, aber?"

"Friendship over na tayo! Hmmmp."

"Sige nga!"

"Ano ba kasi yun Ate Madz?"

"Eto na. Knock knock..."

"What the f*ck Ate Madz??! You ruined our moment for that? Seriously???"

"Ruined the moment your face! Knock knock nga!"

"Arrrrrggggghhh FINE! Who's there?"

"Who's there ka dyan? Buksan mo tong pinto mo! Nandito kami sa labas ni Kath!"

"WHATTTTTT? Noooooooo!"

"Open your door o gigibain namin to?"

"Oo na, oo na! Eto na! F*ck!"

Agad kong binaba yung call saka humarap kay Jema na may nagtatanong na tingin.

"Uhmmm Jema, okay lang ba? Nasa labas daw kasi sila Ate Madz."

"Sige open mo na yung pinto. Would they mind ba na nandito ako?"

"Ofcourse not! Ikaw ang bisita ko dito, sila bwisita lang" May irap pang saad ko kaya napatawa si Jema.

Agad naman akong napatayo ng marinig ko yung malakas na katok. Hindi talaga to makapaghintay!

"Wait Jema ha"

Tango lang ang sinagot niya sakin kaya dumiretso na ako sa pinto.

Pagbukas ko ay nakataas ang kilay ni Ate Kath at Ate Madz.

"Aba ano Wong? Pagkatagal tagal mo! Nangangalay na ang paa ko dito kakatayo"

"Yes Deanna. Ghad! Ang dami pa naman naming binili for you!"

UNTAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon