J's 💛
"Good morning mama ko!" bungad na bati ko sa nanay ko. Kausap ko siya ngayon via video call.
"Magandang umaga anak. Kumusta ka dyan?"
"Eto po sobrang busy sa trabaho"
"Baka hindi ka na kumakain ng ayos diyan ha"
"Ma, baka nakakalimutan niyong Chef ako. Saka wag na kayong mag-alala, kaya ko ho ang sarili ko saka nandito naman yung mga kaibigan ko kaya hindi ako nag-iisa"
"Basta lagi kang mag-iingat at magdadasal sa Diyos ah. Wag na wag mong kakalimutan yung mga bilin ko sayo"
"Opo mama ko. Kahit mas marami pa yung bilin niyo kesa sa Diyos, hindi ko po nakakalimutan"
"Yan! Mamimilosopo ka na naman, dyan ka magaling!"
"Hahaha eto naman highblood ka na naman mama ko eh. Joke lang naman yun. Kumusta na ho kayo dyan? Si tatay ho?"
"Maayos naman kami dito. Wag mo kaming alalahanin. Siya nga pala, sinugod sa ospital yung Tito Pedring mo nung isang araw pero mabuti na yung lagay niya ngayon"
"Ha? Bakit po? Anong nangyari?"
"Ayun, nalaman ba naman na may karelasyon na bakla yung pinsan mong si Miguel. Tumaas yung presyon. Buti na lang at nadala agad sa ospital at baka kung ano pa ang nangyari"
WTF! WTH! Ano yun, coincidence????
Kung kelan naman nagbabalak akong ipakilala si Deanna sa pamilya ko, saka pa may ganitong issue! Ano ba to? Sign ba to na hindi pa ngayon yung tamang oras, Lord?
"Jema! Hello, Jema? Nakikinig ka pa ba?" Pukaw sakin ni Mama.
"Opo ma. Sorry, nag-alala lang po kay Tito Pedring. Mabuti naman ho at okay na siya ngayon"
"Naku oo nga anak. Eto naman kasing pinsan mong si Miguel, napakagandang lalaki, kung bakit ba naman lalaki din ang natipuhan. Naku! Kaya ikaw sinasabi ko sayo Jessica Margarett, pag ikaw natulad diyan sa mga kaibigan mo, sinasabi ko sayo!"
NAKNAMPU, PATAY NA! Hindi talaga nawawala yung issue niya kela Kim. Pano na kaya to pag nalaman niyang kasapi na ako sa samahan?
"Eh ma, wala naman hong masama dun. Hindi lang kasi sanay yung lipunan sa mga ganung relasyon kaya ganyan kayo magreact. Pero kung tutuusin, nagmahalan lang naman sila" Dahan-dahang paliwanag ko sa nanay ko.
"Naku Jema! Hindi tuwid yang katuwirang natututunan mo sa mga kaibigan mo. Ang lalaki ay nilikha para sa babae, at ang babae ay para sa lalaki"
Ayan na naman ang infamous line ng makikitid ang utak. Hay naku. Hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag kay nanay ang relasyon namin ni Deanna. Hindi ko pa man din nauumpisahang banggitin ay ganito na ang reaksyon niya.
"Oo na po nay" walang magawang sagot ko. Saka ko na iisipin kung paanong klaseng pagpapaliwanag ang gagawin ko sakanya pag-uwi ko.
"Buti naman at nagkakaintindihan tayo. Sya nga pala, kelan ka ba uuwi dito anak at miss na miss ka na namin?"
"Nagfile na ho ako ng leave nay. Hayaan niyo at bigla niyo na lang makikita ang mukha ko diyan sa bahay"
"Buti naman. Oh siya at may gagawin pa ako. Yung mga bilin ko anak, wag mong kalimutan"
"Opo nay. Ikumusta niyo po ako kay Tatay at Mafe. I love you"
"Mahal ka din namin. Mag-iingat ka dyan ha"
"Opo. Bye mama ko!"
Pagbaba ko ng tawag ay napabuntong-hininga na lang ako.
Paano ko kaya sisimulan ang pagpapaliwanag kela nanay ng relasyon namin ni Deanna? Hindi naman ako makakapayag na paghiwalayain nila kami dahil hindi ko din kakayanin.
Hayyyyy...
Habang nag-iisip ako ay napukaw ang atensyon ko ng pagtunog ng cellphone ko. Base sa tunog ng notification ay may request ako ng video call. Dali-dali ko itong kinuha dahil baka may nakalimutan sabihin si mama.
Pero napangiti na lang ako ng makitang si Deanna pala yung tumatawag.
"Hi baby!"
"Hello baby ko. Baba ka po"
"Huh? Baba? Bakit? Wait............."
"Yup! Hurry up na, please"
Hindi na ako sumagot sakanya at dali-daling tumakbo pababa.
Habang ka-video call ko kasi siya ay nakita kong prenteng nakaupo ito sa sofa sa sala namin. So yes, nandito nga siya ngayon sa bahay.
"Babyyyy..." humahangos na bati ko sakanya.
"Hey love, I miss you."
"I miss you too. Tapos na yung training niyo?"
"Yup. That's why sumama na ako pauwi dito kela Ate Ara. How are you? Wala kang pasok ngayon?"
"Mamaya pa yung pasok ko. Kumain ka na ba? Magluluto ako ng breakfast for you love, halika" sabay hila sakanya papunta sa kusina.
"Hep hep hep... Bakit para kay Deanna lang? Siya lang ba ang pagod galing sa practice Chef?" biglang singit ng nakapamewang na si Ara.
"Oh good morning Victonara! Don't worry, may naluto na akong breakfast para sainyo at nakahain na sa mesa. Kaya baka pwedeng padaanin mo kami dahil magluluto ako ng para sa baby ko"
Hindi naman ako papayag na itlog, hotdog at ham lang ang breakfast ng girlfriend ko, lalo pa't pagod siya galing sa training. Yun kasi yung pinrepare ko para sa mga kasama ko. Kaya heto, nagpapaka-mabuting maybahay ako (CHAR!) at maghahanda ng espesyal na almusal. Hihi.
"Bakit iba kay Deanna?" Aba at hindi pa pala tapos ang isang to.
"Bakit asawa ba kita?"
Hindi naman nakaligtas sakin ang bahagyang pag-ngiti at pamumula ng bb ko. Gotchu!
"Okay NO COMMENT! Kim tara nang kumain!" nangingiting sagot ni Ara at bahagya pang tinusok-tusok ang tagiliran ni Deanna para mang-asar.
Pagkalampas nila ay saka ko naman nakita si Kim at Kaye na dire-diresto papunta sa dining area.
"Hindi niyo man lang kami inimbita sa kasal niyo. Anyway, Congrats and Best Wishes!" pang-aasar ng dalawa kay Deanna kaya mas lalong namula na naman tong isa.
"Kinikilig ba yung asawa ko?" ako naman yung bumanat sakanya nung kaming dalawa na lang ang natira.
"Eeeeeeeeehhhhhhhhhhh baby!" hahahahahaha CONFIRMED!
"Hahaha tara na nang makakain ka na love at may pag-uusapan tayo sa kwarto pagkatapos mo" sabay hila sakanya papuntang kitchen.
"Usap lang ba? Hahaha"
Bat parang ako naman yung namula?
BINABASA MO ANG
UNTAMED
FanfictionJoin me as I journey through finding My Ride or Die in the midst of a society who lacks acceptance and compassion. Will I subdue or remain UNTAMED?