D's 💜
"Well, maganda naman yung intention niya talaga, which is umangat sa buhay. But during the process on achieving that goal, dun siya medyo pumalpak." comment ni Jema matapos naming manood ng movie.
"Well I agree on that. Minsan kasi sa kagustuhan ng tao na magsucceed, we don't pay attention on the journey, but the destination. Which I think is wrong. Kasi the journey makes you the person you are."
"Galing ng baby ko. Beauty queen ka yata eh"
"Ewww Jema. I can't imagine" sagot ko ng may halong ngiwi. No offense sa mga beauty queen ha. Hands down ako sa kanila. But I can't imagine myself wearing 2 piece, high heels and make-up. Definitely a NO NO.
Anyway, kakatapos lang namin panuorin yung movie, and we re currently drinking beer. Habang umiinom, we are just exchanging ideas about the movie.
"What about the case with Jenny Lind? Kaninong kasalanan yun sa tingin mo?" tanong ko kay Jema.
"Well I think relationships and something in-between is always a two-way thing. Diba? Masyadong nagbigay ng malisya si Jenny sa actions ni Barnum, maybe because he also went overboard. Baka somehow, he also gave false hopes kay Jenny that's why"
"Ikaw yata ang Ms. Universe eh. Hahaha. But I agree"
"Ms. Universe ako ng buhay mo. Hahahaha"
"Hala bakit alam mo? Hahaha"
Puro lang kami tawanan dito habang umiinom. Ang gaan ng ambiance. Parang hindi kami first time magbonding. Agad kaming nagclick na dalawa.
"Babyyyyyy..." malambing na tawag ko sakanya.
"Yes po? Baby mo na din ako? Hahaha"
"Oo basta ako lang din ang baby mo."
"Syempre naman. Haha. Pero ano ba yun?"
"Wala na pong nachos. Hehe" ubos na kasi yung ginawa niyang pulutan namin. Sabagay paubos na din naman yung beer na nilabas ko, pero kasi masarap yung niluto niya kaya nilantakan ko.
"Hala, ubos mo na agad? Ubos na din kasi yung tortilla chips mo dun. Gusto mo ba bili tayo sa labas?"
"Ahy ganun? Sige wag na lang. Okay na yan"
"Gusto mo iba na lang? Hanap ako ng pwede lutuin sa kitchen mo"
"Wow, perks of being the baby of a world-class chef. Hihi. But, no na po. Dito ka na lang. Kuha na lang ako ng chips."
"Are you sure baby?"
"Yes po. Wait for me here"
Nagmadali akong kumuha ng chips and extra beers sa ref. Syempre, sayang ng time. Hehe. Pagbalik ko, nadatnan ko si Jema na busy sa cellphone niya, at nakangiti ng bahagya, kaya dumiretso na lang ako paupo.
"Hey, you still want beer?" Tanong ko habang nagbubukas ng bagong beer para sakin.
Wala akong narinig na sagot sakanya kaya napaangat ako ng tingin. Automatic naman na sumimangot yung mukha ko nung makitang kaya hindi siya sumagot dahil wala sakin yung attention niya. Busy padin siya sa cellphone niya at ngayon ay malapad na yung ngiti.
Napasandal nalang ako habang magkakrus ang mga braso, saka iniwas yung tingin sakanya. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa iniinom ko.
Diba sabi niya ako lang baby niya? Ano, joke lang yun? Tsssss.
BINABASA MO ANG
UNTAMED
FanfictionJoin me as I journey through finding My Ride or Die in the midst of a society who lacks acceptance and compassion. Will I subdue or remain UNTAMED?