D's 💜
Nandito ako sa harap ng hotel kung saan nagtatrabaho si Jema. Nagtext na din ako na dito na lang ako maghihintay sa loob ng kotse pero wala akong nakuhang reply galing sakanya. Baka busy pa siya sa loob.
Sa totoo lang ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na hindi ko mawari. Mas lalo pa akong kinabahan ng bigla akong makarinig ng katok sa bintana ng kotse ko. Hindi ko namalayan na may lumapit na pala kung nasaan ako.
"Good evening po manong. Bakit po?" bungad ko pagbaba ko ng bintana ng kotse ko.
"Ah ma'am kayo po ba si Ms. Wong?" tanong sakin ng security guard.
"Yes po. Bakit po?"
"Ah ma'am pinapasabi po ni Chef Galanza na pumasok daw po kayo"
"I see. Nasaan po siya?"
"Nasa kitchen pa po ma'am"
Sumama na lang ako kay manong papasok. Ginuide din ako ng reeceptionist nila papunta sa lounge at sinabing doon ko na lang hintayin si Jema. Maya maya din lang ay dumating na siya kasama ang isang lalaki, or not??
"Hi baby ko. Kanina ka pa?" sabi niya pagkakita sakin.
"Hi. No, ilang minutes pa lang naman. Are you done?"
"Yes. Magpapalit lang ako saglit ha"
"Ehemmmmmmmmmm..." Oo nga pala, may kasama siya.
"Ahy oo nga pala. Baby ko, this is Alexandro, Chef din siya dito. Alexandro, this is Deanna Wong. Wag kang maglaway, akin lang yan" pakilala niya samin. Natawa naman ako ng makitang sumimangot yung katrabaho niya.
"Talaga Jemalyn sa haba ng eyelash extension ko Alexandro ang tawag mo sakin?? Talaga?" sabi niya habang nakaismid kay Jema, saka bumaling sakin. "So ikaw pala ang bukambibig ng aming Head Chef na baby niya. Nice meeting you baby, este Deanna. I'm Alex, Alex lang" nakangiti nang saad niya.
Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya sakin saka bumati din.
"Osya, bitawan mo na ang baby ko at may pupuntahan pa kami" biglang sabat naman ng baby ko. Aba, medyo possessive ah.
"Magbihis ka na dun at ako na munang bahala kay baby" pang-aasar naman sakanya ni Alex kaya hindi ko na napigilan yung tawa ko dahil mas lalo siyang sumimangot.
"Hindi! Sumama ka sakin Alexandro. Baby sandali lang ako ah" sabay hila kay Alex palayo sakin.
Napangiti naman ako dahil sa inasta ni Jema. Sobrang possessive naman ng baby ko. Hahaha
Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na siya kung nasaan ako.
"Okay ka na? Tara na?" tanong ko sakanya.
"Yes baby. Let's go"
--
"Saan ba tayo pupunta baby ko?" takang tanong ni Jema.
"Sssshhh. Relax ka lang dyan. Akong bahala"
"Eh kasi naman..."
"Do you trust me?"
"Syempre naman!"
"So relax ka lang dyan ha?" sabay hawak ko sa kamay niya para mas mapanatag siya.
BINABASA MO ANG
UNTAMED
FanfictionJoin me as I journey through finding My Ride or Die in the midst of a society who lacks acceptance and compassion. Will I subdue or remain UNTAMED?