Imagine how life can put you through different pots of boiling water and still wake up everyday.
___________________________
Sasha's POV:"We're ten minutes late! saan nanaman ba nagsusuot yang babaitang yan? Alam naman nya na may appointment tayo."
Nagbugtong hininga ako, sensyales na naiirita na ako sa paghihintay. Ang hirap talagang magkaroon ng kaibigang ubod ng bagal kung kumilos.
"Kumalma ka muna, sip some coffee. Baka mamaya gawin nyong wrestling ring tong Starbucks pagbayarin nyo pa kami" sabi ni Ayeka.
Habang nagtatalo kami sa kung sino ba unang magkakapamilya samin, bigla namang dating nitong kaibigan ko na sobrang late. Hindi na nagbago. Akala ko naman dederetso sya sa table namin pero huminto pa sya sa counter. Sobra naman yatang relaxed nitong babaeng to, parang hindi late ha?
"...blendid whip po"
Hindi ko na narinig ng buo order nya, masyadong mainit ulo ko to the point na isinara ko tenga ko sa tunog ng boses nya. Buti nalang talaga mahal ko tong babaitang to.
Nakita ko naman agad ang nakakaawa nyang expression sa pagtataray ko kaya tumawa nalang ako at nanabunot. Hindi ko kasalanang ang love language ko ay mang inis.
"Aray ko naman Mikaiela Sasha, dahan dahanin mo naman. My gosh." Ngumiti lang ako as a sign of satisfaction.
"Ang aga aga buong pangalan nanaman ni Sei binabanggit mo." sabi ng bestfriend ko na si Empress. She did not just start with me. Akmang hihilain ko na si Ayeka sa mga tropa ko aba nakitawa pa sya sa luma kong pangalan.
"Anyway, halika na sa tattoo shop. Ano ba ulit ipapatattoo mo?" pinakita ko sila yung date na yun and they are not shocked.
Nanahimik sila at dumeretso na sa parking lot. They know about it, and they are just supportive of it. Kahit sobra kaming mang asar at manlait sa isa't isa, we love each other.
"How long has it been?" tanong sakin ni Empress. I held her hand and in an instant, naalala ko lahat.
*flashback*
Nakikipagtawanan lang ako kasama si Empress nang makita ko nanamang nakikipaglampungan sa gilid yung kakambal ko sa boyfriend ko. Deretso ang lakad ko at mukhang di rin natutuwa si Empress.
"Oh! Kaiela, Empress napadpad kayo dito?" gusto ko syang sampalin at may gana pa syang magreyna reynahan dito kahit kakamatay lang ng lolo namin.
"Excuse me, hindi tayo close. Call me Empress again and I will make you pay for it Seira".
Nagpout lang naman sya na lalong ikinagalit ni Empress. Tumingin naman sya sakin ng masama, "what will you do SIS? lolo's gone, nobody got your back. Walang magmamahal sa incompetent na kagaya mo! Look at you for one second Mikaiela Seira, seriously di ko akalain na kambal tayo cause you're just a hot mess". Mananahimik na sana ako kaso yung boyfriend ko tumawa bigla at sumangayon pa sa kakambal ko.
"...to start with, you were never expected and planned"
Sinampal ko kaagad sya na ikinagulat ng mga tao sa loob ng court na yun. Hinila ko yung buhok nya pababa. Sawang sawa na akong manahimik nalang sa lahat ng kawalang hiyaan nya. Hinding hindi ko na sya kayang pagbigyan, sa lahat ng party na pinuntahan nya simula grade 8 kami hanggang ngayong third year magpapanggap sya na ako yung nasa pictures at magpapaawa sa magulang namin. Ako sumalo ng lahat ng pagpapabaya nya sa buhay kahit wala naman akong ginagawa, at ang masakit pa dun, sya lang ang pinaniniwalaan ng magulang namin. Kahit minsan hindi manlang nagawang makinig sa side ko.
"MIKAIELA SEIRA GET YOUR DIRTY HANDS OFF OF YOUR SISTER!"
Have I mentioned? sila yung may ari ng school. Napabugtong hininga ako habang nagsasanti santita yung kakambal ko. So we're doing this again?
Dumeretso kami sa dean's office at walang isang minuto sinampal na ako ng nanay ko. Halata naman talagang sakin ang sisi.
"Masyado na kaming nagtitimpi sayo Mikaiela, lahat ng kagaguhan mo sa buhay tinolerate namin pero ito? sasaktan at papahiyain mo sarili mong kapatid? wala kang kwenta!" hindi na bago sakin yung words na yan. Palagi nilang sinasabi sakin sa araw araw na pamumuhay ko.
"Makapagtapos ka lang ng college lumayas ka na sa pamamahay na to, I disown the hell out of you".
"PERO HINDI NAMAN KASI AKO YUNG-"
Hindi pa ako nakakatapos sinampal na agad ako.
"AT THIS POINT MAY GANA KA PARIN MAGSALITA? MAGSISINUNGALING KA PA?"
Iiyak na sana ako kaso nakita kong nakangiti yung kakambal ko. Ganito pala talaga yung gusto nya. There was nothing genuine about her at all. I scoffed and walked out. This is the last time na iiyak ako, dahil wala na si lolo. Wala nang magtatanggol sakin sa unfair na mundong to.
*end of flashback*
Natapos na ang pagpapatattoo ko sa likod. Dragon sya na may date sa scales. I will always love you lolo. After ko grumaduate nag medicine ako ng ilang years and pediatrician na ako ngayon, I even changed my second name kasi pareho kami ng second name ng kakambal ko.
*ring
Nataranta ako kaagad sa work phone ko.
[Hello, is this Doctora Mikaiela Sasha A. Gismondi?]
"Yes, Dra. M.S. Gismondi speaking"
[May pasyente po kayo]
Dun ako nagtaka, imposible namang magpapatattoo ulit ako nang may appointment pa diba?
"Excuse me? I checked my appointments sa patients before I go and I thought you said na wala na"
[May ari po sya ng sister company natin, emergency daw po. Ikaw po nirefer ng Director sakanya]
Sh*t. Bat ngayon pa?
"Girls, I gotta rain check. May emergency sa hospital". Tumango naman sila at nag goodbye, sobrang bilis ko magpatakbo to the point na iniinda ko nalang yung hapdi sa balat ko.
"Where's the patient?"
Tinuro naman agad ng receptionist ang pasyente at nakita kong hindi makahinga ang batang babae. "She can't breathe, we were just playing" sabi ng lalaking kasama nung batang babae. Tatay nya yata to, kumuha agad ako ng stethoscope at pinakinggan ang dibdib at likod nya.
"Nurse? get the nebulizer, put SALRESP - I and let her breath. She had an allergic reaction na nagtrigger ng asthma nya, I advise you to look after what she's been eating. I will prescribe medications and if this type of emergency happens, I suggest you buy and inhaler" habol hininga akong nagsusulat habang nakalimutan kong ilagay details nung anak nya.
"You're bleeding" sabi nya. So nagdudugo na pala tattoo ko. "I'm aware, anyway name of patient?" Nagbugtong hininga sya "Kashieka Cruz" Tumango ako, "Age?". Tumingin pa sya sa anak nya na parang di nya alam. Sumenyas naman yung bata na 10 - years old na daw sya.
Chineck ko yung file ng anak nya kung meron na ba syang medical record and there she is, Kashieka Fria Cruz. Agad kong inasikaso yung papers habang nakatingin lang sya sa likod ko.
"First time?"
Ngumiti sya at yumuko.
"Thanks for saving the day, it's her birthday. I never thought chocolate ice cream would be bad for her."
I smiled and waved goodbye as they exit my office. Nice day huh? Death anniv ng lolo ko is someone else's birthday.
________________
XOXO,
Heather.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel (SBB Season 1)
Любовные романыI got the taste of what pleasure feels like, but I never knew how fear lurks in the other side of zenith. Mikaiela Sasha Gismondi's story ♡ All Rights Reserved |2021|