And here goes regret, waiting for the kill
_____________________________________Lumipas na rin siguro ang ilang araw, nagkulong ako sa unit ko. Nag AWOL nga rin ako on those days. Karamihan sa mga kliyente ko lumipat na ng pedia. I just can't show up to work looking like a fool. Lalo na sa harap ni Theo.
*ding**dong*
Napakunot noo ko nang may nag doorbell. Sobrang tinatamad ako kumilos to the point na choice kong manood ng mukbang videos matuto lang kumain.
"Girl, anong nangyari sayo" sabi ni Ayeka.
"Theo happened" sabi ni Reign.
Binuksan ko ng malawak yung pinto para lang papasukin sila, nakakahiya naman diba? Nagdala sila ng toasted siopao at chicken wings. Ambabait naman ng mga kaibigan ko.
"Nasan si Hestia?" tanong ko sakanila.
"Ateng masyado ka na daw nyang nakikita, kami naman daw" sabi ni Reign.
Gumaan kahit papaano pakiramdam ko knowing na nandito pa rin mga kaibigan ko.
"Puro ka daw AWOL" sabi ni Ayeka.
Nakita ko namang siniko siya ni Reign kaya nahulaan ko na kung kanino niya nalamang puro ako AWOL. Inirapan ko nalang silang dalawa, feeling ko magpe - pep talk kami at gagawa ng intervention.
"You can't escape anything Sasha, that is not you" sabi sa akin ni Ayeka.
Hindi ko rin talaga alam, parang di pa rin ako sigurado sa dami ng nangyari. Alam kong naibigay ko katawan ko sakaniya, pero sapat ba na dahilan 'yun para mag - commit ako? Hindi naman siguro?
"Ateng, p*kpek mo yan. Ikaw ang nagdedesisyon ng gusto mo. Tsaka, tignan mo nga nakakailang missed calls at written explanation na sa'yo yang si Theo. Pinakilala ka pa niya sa magulang nya! 'di pa ba sapat na maging kayo?" sabi sa akin ni Reign.
"Coming from someone na pinakilala na't lahat lahat, naloloko pa rin" hindi ko kayang mag - take ng ganiyan ngayon kaya gaganti ako.
Clouded pa rin ang isip ko nang umalis ang mga kaibigan ko, hindi ko rin sure kung tama bang iniignore ko messages ni Theo.
*ding**dong*
Sino na naman ba ang nandito para manggulo ng araw ko? Binuksan ko pinto ko at laking gulat ko na kuyang taga lalamove ang sumulpot.
"Ano po yan?" sabi ko, kahit obvious na bulaklak ang dala dala.
"Delivery po para sa inyo, bayad na po ito" sabay abot sa akin ng rider. Pinicturan lang nya ako at umalis. Hinanap ko sa paligid kung may card ba pero wala.
Saktong isasara ko na yung pinto nang dumating si kuya foodpanda, "Kayo po ba si Sasha?", tanong ni kuya.
"Opo, ako po. Bakit po?"
Pinicturan niya muna yung dala niya bago nya iabot sa akin, pinasok ko nalang yung mga yun sa loob bago ko pagmasdan sino ba nagpadala.
Please give us a chance.
-TSo si Theo pala ang may pakana nito, nasasaktan ako pero nilagay ko sa basurahan yung mga 'yun. Hindi ko pwedeng sirain yung desisyon ko over my feelings, hindi pa ako sure magmahal at hindi ko gagawin ang bagay na ito hanggat handa na ako.
I called him, one final chance for me... to say no.
[Hello] his voice is cracking, he sounded so sad. Pero di ako magpapadala dun.
"Theo, let's talk" sabi ko sakaniya.
We will meet sa SB malapit sa bahay namin, I will make this easier for him. Alam kong mali ako, na I played with fire knowing that I will cry when I feel the heat. Pero this goodbye is more than enough to make him stay away from the pain that I might give. I love him, but I do not love him that much to make him stay. I am not that type of person who has the will... to change easily.
![](https://img.wattpad.com/cover/254957920-288-k269840.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen Angel (SBB Season 1)
Storie d'amoreI got the taste of what pleasure feels like, but I never knew how fear lurks in the other side of zenith. Mikaiela Sasha Gismondi's story ♡ All Rights Reserved |2021|