Chapter 18 (Special Chapter)

47 4 0
                                    

We are our own chosen family.
_____________________________________________

Mikaiela's POV:

"So ano na ba ang balak mo jan bakla? ang tagal mong nakatitig sa salamin ha, mejo bored na ako" sabi ko sa babaitang pabalik balik sa walk in closet nya habang nagta-try ng mga damit na lahat naman bagay sakaniya.



"Teka lang, hinahanapan din kita ng damit dito bakla" sabi ni Hestia sakin.





"At aanhin ko naman yang damit na hinahanap mo? nalabhan ko naman na dito yung damit ko" sabi ko sakaniya.





Binato nya ako bigla ng kulay yellow na tshirt na may butterfly na beads. Ang cute niya tignan kaso binato nanaman ako ni Hestia ng plaid na yellow skirt at tights pati white na boots at bag, with beret pa na white. Tinignan ko siya at kinindatan nya lang ako, kasi nakita kong almost the same kami pero kulay purple yung kaniya at imbes na tshirt type, long sleeves yung kaniya.



"Sabi ko sayo need mo magpalit. Bilisan mo, ikaw magdadrive diba? parating na daw yung dalawa" sabi niya sakin habang naghahanap ng accessory para sa akin. Minsan iniisip ko nalang kung ginagawa niya ba kaming alive barbie dolls pero who am I to complain kung sabay sabay kaming gumaganda diba?




Nakaharap ako sa salamin habang tinitignan yung tinanahing damit ni Hestia para sa akin. Sobrang flattering niya at hindi siya nakaka self conscious suotin. Nag-ayos na ako ng sarili ko bago lumabas mejo naninibago ako kasi hindi nagpaparamdam si Theo pero aanhin ko naman siya diba?.



"Star struck much?" sabi ni Hestia sa tabi ng salamin.


"Hindi kita-" hindi na ako pinatapos ng bruha


"Napansin na nandirito na pala ako? yes, I'm actually here to fix your face. Hindi tayo lalabas hangga't di ka maganda pa sa maganda" nakatulala lang ako sakaniya. Hindi kay siya nagsasawa maging magastos sa mga ganito?


"Lalaki lang yan, titi lang yan Mikaiela Sasha Gismondi. Malayo yan sa bituka at lalo sa isip, huwag mong hahayaang masaktan ka - mas okay nang talo ka, kesa ikaw yung kawawa kasi akala mo nanalo ka pero hinahanapan ka lang pala ng blind spot para saktan" sabi niya sa akin habang inaayos yung eye liner ko.

"Minsan being hurt is also being selfish. It's your own battle but if you chose to melt and cry, andito kaming lahat. Pamilya mo kami, no matter what happens" sabi niya sakin habang nilalagyan ako ng lip stick.



"HELLOOOOO? BAKLA?" bigla namang nakita ko sa mata ni Hestia na nainis siya.


"SO DERE DERETSO NALANG TALAGA KAYO DITO SA PAMAMAHAY KO?" narinig ko namang tumawa si Empress. Biglang may lumagabog sa kusina at biglang sumigaw ng 'sarap' si Ayeka. Pagtingin ko kay Hestia, hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya. Asar na asar nanaman sya sa aming tatlo.



"MAMAYA NA KAYO MANGALKAL SA REF KO! MAY GINAGAWA PA AKO" sabi ni Hestia habang bwisit na bwisit na sa mga nangyayari. Gusto ko tumawa kaso hawak nya nga pala yung mukha ko.


"Okay na yan bakla, sasalubungin ko lang yung dalawang hinayupak sa salas. Parang first time makapasok sa bahay eh" sabi ni Hestia na asar na asar na.




Empress' POV:

Nakita kong lumabas si Hestia sa banyo. Hinila ko naman siya agad para kausapin.

"Inayos mo na ba yung kay Ayeka?" tanong ko sakaniya.

"Oo punyeta wag ka na mag-aalala" sabi ni Hestia sakin.

Fallen Angel (SBB Season 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon