The reason why people hesitates to trust is because they have been fooled before.
___________________________________________
Mikaiela's POV
Nasa office lang ako, nag-aasikaso ng files ng mga batang inaalagaan ko nang kumatok bigla yung isa sa mga ka-workmates ko, si Mey. Tinignan ko siyang mabuti at tumango ako as a sign na pwede siyang pumasok sa opisina ko since hindi hectic ang schedule ko.
"Hi doc, kamusta po yung bakasyon nyo?" mejo napaiktad naman ako sa personal na tanong ng ka-opisina ko.
When it comes to the work place kasi, I don't usually share my personal life because I value my privacy. Hindi sapat sa akin na tuwing may vacant time lang ako makakapaglaan ng oras para sa mga kaibigan ko. I value my own privacy and it's much more peaceful that way. Hindi sa I'm trying to be a snob, pero I pledged kasi na I will maintain ethics in work. Makakapag focus ka ba kung icoconnect mo sarili mo personally sa mga katrabaho mo habang nagseserbisyo ka? it's way too impossible for them to give their own perspective of your reaction with regards to certain things dahil alam nila yung background ng actions mo.
"Wala ka pa bang ibang gagawin at ambilis mo mag-usisa ng buhay ng may buhay?" napanganga naman siya sa sinabi ko at dumeretso sya palabas.
Wala pang limang minuto nakarinig uli ako ng pagkatok sa may pintuan ko. Hindi mo talaga masasabihan na wag kang gambain ano? Kailangan palaging nireremind.
"I'm sorry, but I'm busy right- anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Theo na nakatayo sa harapan ng opisina ko.
"Ang taray naman ni doc, aayain sana kita lumabas" sabi ni Theo sa akin. Tumingin ako sa paligid at baka mahuli siyang nasa labas ng opisina ko edi nabisto pa kami?
"Ang landi mo, wala pa akong oras sayo. Makakapag hintay ka ba?" I asked him.
Tumango naman siya at umalis. Hindi naman kasi mahirap makiusap na huwag muna ako istorbohin dahil tambak ang gagawin ko today. Ang daming paperworks na kailangang asikasuhin since ang tagal ko rin namang nawala. Tumatawag din ako sa mga families na may appointments sa weeks na wala ako, pati na rin ang mga pasyente na naka-schedule this week. I hate disorganization kaya kailangan naka maximize yung allotment ng oras. And yes, I prefer not to have a secretary kasi masyado akong perfectionist pagdating sa mga ganitong bagay.
Hindi ko na namalayang alas siete na pala ng gabi. Inayos ko na lahat ng gamit ko at nagbihis na ako. Paglabas ko ng opisina ko, nakita kong naghihintay si Theo na may hawak na sunflowers.
"Anong meron?" tanong ko sakaniya.
"Wala naman, busy ka yata ngayon" sabi ni Theo.
"Nag-ayos ako ng schedules. Ang hirap din kasi kapag hindi organized yung appointments" sabi ko sakaniya.
"So...saan tayo magcecelebrate ng birthday ko?" sabi ni Theo sa akin.
Kanina pa ako kinakabahan sa tanong niya. Ayoko namang sabihin na prepared ako, pero nag shave ako at matching yung undies ko. Well, lingerie sya today. I grabbed him and kissed him.
"Damn... If that's my gift, I can't wait to open it" sabi ni Theo.
"Then don't wait" sabi ko sakaniya.
I saw his eyes sparkle. Binuhat nya ako papuntang opisina niya, he was kissing me deeply while groping my ass. Pumasok kami sa opisina niya at aksidente akong napaliyad sa switch ng ilaw.
"HAPPY BIRTHDAY SIR THEO-" lahat ng staff.
And right there, at that moment ang pinakadesperada kong moment. Desperada akong magpakain sa lupa. Lahat ng staff nakatingin sa aming dalawa. Pano ko i-eexplain na wala lang yun eh punong puno na ng lipstick si Theo. Hindi ko kinaya yung silence na ibinigay ng hospital staff sa aming dalawa. Sobra akong natulala, lalo naman si Theo.
"OMG..." -Staff 1
"Shuta ka be, ako panalo sa pustahan" - Staff 2
"Kaya pala pabor na pabor si sir sakaniya?" - Staff 3
Nanlambot yung tuhod ko at umalis nalang, guess what? hindi pala ako dapat basta basta nagpapadala sa emosyon ko. Dali dali akong sumakay sa sasakyan ko at nag drive kela Empress, hindi ko kaya yung bigat ng hiya na nararamdaman ko.
"Ateng bakit naman kasi hindi ka nakapaghintay na dalhin ka sa bahay? ang kalat nyo ha" sabi ni Empress na sinusubuan ko ngayon.
"Nahiya ako sa babaeng naaksidente dahil di makapag hintay sa vendo ha?" pang aasar ko kay Empress.
"So anong balak mo jan sa Theo mo na yan?" tanong niya sa akin.
"Actually, hindi ko rin talaga alam. Hindi ko naman sya jowa - wala nga kaming label eh. Kaya hindi ako sure sa kung anong dapat kong gawin lalo na't nabuko kami ngayon sa trabaho. Should I switch hospitals nalang ba?" tanong ko kay Empress.
"Punta ka ibang bansa, tapos malalaman mo nalang bigla na buntis ka pala. Uwi ka nalang pag handa ka na i-reveal sa kaniya ang katotohanan at maging happy family kayo" binatukan ko naman agad si Empress sa sinabi nya.
"Kaka wattpad mo yan, bruha ka" sabi ko sakaniya na may halong pang iinis.
"Hindi naman kasi ako yung makakasagot niyan, ikaw mismo. Malalaman mo naman yung dapat mong gawin eh" sabi ni Empress.
One new message received
Theo: Nasan ka? let's talk.
"Speaking of the devil...nagtext si Theo sa'kin" agad namang inagaw ni Empress yung phone ko.
"ATENG LET'S TALK DAAAAW! HOY" kilig na kilig ang gaga.
"Puwede ba ateng tigilan mo na pagbabasa mo sa wattpad at kung ano ano na pumapasok sa isip mo. Mag-uusap lang kami. No more, no less" inirapan ko sya at sinimulan ko nang magdrive papunta sa binigay na location ni Theo.
Nasa may playground ako, at nakita kong nakaabang si Theo dun. Bakit dito nya ako dinala? anong problema niya?
"Ano meron Theo?" sabi ko sakaniya habang nahihiya.
"Well, hindi pa naman tapos birthday ko diba? naisipan ko na dito nalang tayo maupo. Tamang tama, kabibili ko palang ng ice cream sa 7/11. Dito ako unang tumawa pagkatapos ng kamatayan ng mama ko, I figured na dalhin ka" sabi ni Theo habang hinahanda yung ice cream.
"Ano bang meron?" sabi ko kay Theo.
"I want us to date..."
_____________________________________
XOXO,
Author
![](https://img.wattpad.com/cover/254957920-288-k269840.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen Angel (SBB Season 1)
Roman d'amourI got the taste of what pleasure feels like, but I never knew how fear lurks in the other side of zenith. Mikaiela Sasha Gismondi's story ♡ All Rights Reserved |2021|